Kabanata 57

5.4K 108 18
                                    



Matapos lamang sabihin iyon ng tatay ni King ay agad-agad na kumilos na si Alexander na tila iyon lang ang hinihintay niyang permiso at tulad ng kanina ay marahas akong hinila, naglakad na lamang ako ng mas mabilis habang tumutulo pa rin ang mga luha ko dahil hindi ko alam ang nangyayari.

Kahit nakalabas na kami ng nakakatakot at malaking kwartong iyon ay sumasakit pa rin ang puso ko dahil kay Alexander... kay Alexander na hindi ko na makilala ngayon.

Sino siya?

Bakit hinahayaan niyang ganituhin ako? Bakit niya ako sinasaktan?

Alam kong matagal rin tulad ng kaninang paghila sa'kin ni King ang aming paglalakad pero hindi ko na 'yon ininda dahil wala lang iyon ngayon sa sakit ng puso ko.

Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan.

Saan niya ako dadalhin? Bakit ganito siya?

"A-alexander." Tawag ko sa pagitan ng pag-iyak ko, hindi ako nito sinagot o pinansin pero nang lumiko na kami ay may isa na naman akong pinto na nakita.

Binuksan iyon ni Alexander at sinama niya ako sa pagpasok, agad-agad niyang sinara ang pinto at matapos 'yon ay agad itong pumunta sa katawan kong napaupo na lamang sa sahig.

Umiiyak pa rin ako at hindi alam ang gagawin... hindi ko alam ang nangyayari pero napatigil na lang ako sandali ng maramdaman ko ang mga kamay ni Alexander na payapa at dahan-dahan akong itinatayo. Kahit mahirap itong makita dahil sa mga luhang nahuhulog sa dalawa kong mata ay pilit ko pa rin itong tinitignan.

Ang Alexander na kakilala ko...iyong Alexander na minahal ko at mahal ako, hindi iyong Alexander kanina na tila walang paki kahit mamamatay na ako sa baril ng tatay niya.

"Ssssh," Pagpapatahan niya sa akin at sandaling sinuklay ang buhok ko samantalang ang isa nitong libreng kamay ay tinaas niya upang punasan ang pisngi kong napupuno ng aking mga luha. "Please Mahalia.... I didn't want to do that but I had to. Please sssh, it's hurting me seeing you like this and the fact that I can't do anything 'bout it." Mahigpit na akong niyakap ni Alexander na mas lalo lang namang nakapagpaiyak sa akin dahil alam kong nagbabalik na siya... nandito na ulit iyong Alexander na mahal na mahal ako.

"I need to get you out of here as soon as possible. You understand sweetheart? Please, please stop crying." Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap kay Alexander kahit sinusubukan na nitong kumawala.

"A-alexander... n-natatakot ako... natatakot ako sa kanila."

"Ssssh," suklay niya pa sa buhok ko upang mas kumalma ako. "Nothing will happen trust me, let's just be safe for now and get out here, okay?" Tanong nito kaya hinayaan ko na itong humiwalay sa akin.

Sandali siyang lumakad sa kung saan kaya nakita ko na ang buong lugar ng sundan ko ito ng paningin.... na'sa loob kami ng isang kwarto, kwarto malamang ni Alexander kung saan ang nagiisang lugar na maaari siyang maging totoo. Lugar na hindi niya kailangang umaktong masama... lugar kung saan niya mailalabas ang tunay na siya, ang Alexander kong mabait, maaalahanin at ayaw akong nasasaktan.

Malaki ang kwarto ni Alexander na hindi naman kataka-taka dahil sa laki ng mansion nila, kasing sukat lang rin iyon malamang ng kwarto ng kapatid niya pero ibang-iba ang disenyo... maraming kakaibang koleksiyon ang kapatid nitong si Giovanni na nakakapag-taas ng balahibo ko, para itong kasama sa isa sa mga lalaking nandoon Ganzai room pero si Alexander? Iba siya... ibang-iba.

Hindi ko masyadong iniintindi si Alexander tuwing nagkukuwento ito sa pamilya niya, hindi naman siya nagkulang sa akin magkuwento tungkol sa nangyayaring hindi niya nagugustuhan. Palagi niyang nababanggit na ayaw niya... ayaw niya daw sumapi sa ginagawa ng pamilya niya pero hindi naman niya kayang kumawala, paano daw siya mabubuhay? Paano siya mabubuhay sa mundong pinaghaharian ng kaniyang pamilya?

Pilit kong iniintindi noon si Alexander kahit hindi ko naman talaga siya gaaano naiintindihan, pero ngayon?

Nagyon na ako na mismo ang nakaranas sa pagharap sa mga sinasabi nitong 'masasamang' tao ay mas naiintindihan ko na siya.

Tahimik na pinagmasdan ko na lamang si Alexander na dumiretso sa may kabinet na gawa sa kahoy at kumuha ng isang... baril?

Sigurado ako sa nakita ko pero kaagad niya rin iyong tinago sa may pantalon niya na tinakpan niya ng pangitaas na suot niya. Bago pa ako makasalita at makatanong dito ay mabilis niya na agad akong hinawakan sa may kamay at dinala palabas ng kwarto, kung mabilis kami kaninang pumunta sa kwarto niya ay mas mabilis naman kami ngayong lumabas, may hagdan kaming binabaan na alam ko ang unang palapag, matapos iyon ay may isa na naman kaming pasilyong sobrang haba na dinaaanan.

May ilan kaming kwartong mga pinasukan, walang mga tao doon pero sobrang ingat ni Alexander sa paglalakad, hindi rin ito nagsasalita kaya ginagaya ko na lang siya hanggang sa wakas sa huling pintong nilabasan namin ay nakita ko na ang labasan, madilim na sobra.

Wala nang ilaw ang araw at wala akong masyadong makita dahil tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag sa parang likurang bahagi ng mansion nila Alexander, wala rin ditong mga lalaki na malalaki ang katawan pero nang may makasalubong kami ni Alexander ay may sinignal lang ito na hindi ko maintindihan gamit ang kamay niya at tumakbong umalis na rin agad 'yong kalbong lalaki.

Nang makita ko ang pamilyar na kotse ni Alexander ay binuksan niya na ang tabi ng driver seat na agad kong pinasukan, sumunod rin naman siya sa loob.

Nagsimula na si Alexander magmaneho, sobrang bilis nito hindi tulad ng dati kaya hindi na lamang ako nagsalita dahil alam kong marami pang gumugulo kay Alexander at hindi pa kami tuluyang ligtas.

Ilang minuto pa ang nakalipas sa pagmamaneho nito at alam kong may distansiya na rin kaming nagawa simula sa mansion nila, nang may una na kaming bahay na nadaanan at sumunod-sunod na ang mga bahay ay doon niya pa lang binasag ang katahimikan. "Paano ka napunta sa bahay?" Hindi naman ito galit, mahina ang boses niya at tila nagtataka lang talaga.

"Iyong phone...Iphone ba ang tawag? Gusto ko lang ibalik."

"You could wait for me tomorrow, ngayong araw lang naman ako hindi pumasok because of our family's meeting." Sandali siyang tumingin sa'kin at binalik rin naman agad ang tingin sa harap ng daanan.

"Sorry," Napayuko ako. "Pinahamak ba kita sa kanila Alexander?"

"I couldn't care less about me...pero sa'yo? Fuck. I'm so scared Mahalia I'm so close to crying." Tumingin ako sa mukha ni Alexander at doon napansin na punong-puno na nga ito ng emosyon, lalo na iyong mga mata niya... alam kong nagpipigil lamang ito na hindi lumuha dahil sa ilang beses niyang pagpikit bukas no'n.

"Sorry." Paumanhin ko at hinawakan ang isa nitong kamay na hindi nakahawak sa wheel. "Sorry Alexander...sorry kasi kas----"

"Ssssh," Pagpapatahan nito sa akin at niliko na ang kotse niya doon malapit sa gate ng village upang makalabas na ng tuluyan ang sasakyan sa village. "I'm not angry at you Mahalia. I only feel love for you."

Napakagat ako ng ibabang labi at agad na pinunasan ang luha na nahulog na pala sa mata ko. "Salamat." Ika ko na lang.

"Don't think about it, forget this day alright? Trust me when I say this... I will leave them and all their toxic opinion it might not be today but soon, trust me, soon we'll show everyone how strong our love is they will all be wishing they were us. I'll marry you. I'll really do."






A/N: Alright. Talagang may nagre-report sa facebook account ko :) Hindi ako tinitigilan. Gumawa na lang ako ng bago. Na'sa profile ko po ang link kung gusto niyo ako i-add. Salamat ♥

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now