Kabanata 70

7.4K 96 9
                                    



"I was too young to know what happened...ang alam ko lang bago mamatay si mama ay talagang may sakit na siya, sobrang hina na niya na maski ako ay hindi na pinapapasok sa kwarto niya, tanging iyong doktors na lang at mga madre ang labas-masok sa loob ng kwarto niya."

Tumango ako sa lahat at haba ng kinuwento sa'kin ni Alexander... na'sa loob daw ng iilang diary ang kuwento ng pagmamahalan nila ng tatay niya, natigil lang daw magsulat ang mama niya noong naglayas ito at tinakbuhan ang lahat. 

Wala daw nakasulat sa diary ng mama niya kung bakit ito biglang tumakbo sa tatay niya pero ang hula daw ni Alexander ay dahil nga doon sa rule nila sa pamilya, hindi sila maaaring magpakasal dahil sa pagmamahal.

"Tingin mo ba minahal ng tatay mo ang mama mo?"

Malungkot na napangiti si Alexander sa tanong ko. "I don't know.  Only Ignazio himself can ansnwer that question sweetheart...we've never talked about mama ever."

Tumango na lamang ako. "Okay ka lang ba?"

"My mother has a rough life story... ayokong iparanas saiyo iyon kaya hangga't maaari iniiwasan kong maging si Ignazio...I don't want to be a weakling, akala man nila sila ang malakas pero doon sila nagkakamali. He didn't fight for the girl he love... ganoon rin ang mga tito ko but me? I'm different... I'll fight for you no matter what happened."

"Pero Alexander...paano, paano ka lalaban sa ating dalawa kung wala na ako?" Bigla kong tanong at napapikit ng madiin dahil sa bigat no'n.

Paano kung hindi ko kayanin at hindi ko maiwasan ang nakatakda sa'kin?

Anong mangyayari sa Alexander ko kung bigla na lang akong mawala at masayang lamang ang lahat ng paglaban at paghihirap niyang maging kami lang?

Paano kung panandalian lang pala ang buhay ko?

"What do you mean?" 

Napailing ako. "Wala...inaaantok lang ako." Ngiti ko dito kahit na sa loob ay hindi ko iyon magawa-gawa.



******




Hindi ko alam kung anong oras na ako nagising basta ang alam ko lang ay nagmamadali na si Alexander na ilagay muli sa baggahe niya ang mga gamit na dala namin kahapon pa, umupo ako sa kama at nagtatakang pinagmasdan itong nagmamadali.

"You awake?" Sandali siyang napatingin sa'kin at pinagpatuloy rin agad ang kaniyang ginagawa. "Get ready Mahalia, we're going back to the Philippines."

Napalaki ang dalawang mata ko sa sinabi nito.

Tama ba ang narinig ko? Babalik na daw ba kami ng Pilipinas? Pero bakit!? Akala ko ba ay tinatakbuhan namin ang pamilya niya? Pati iyong... iyong mga lalaking gusto akong alisin sa mundong ibabaw?

"A-alexa----"

"I can explain it to you in Airplaine but what you need to do right now is to get ready, naghahabol tayo ng flight sweetheart, please?" Kita ko ang pagmamakaawa sa mata niya kaya mabilis akong tumango at tulad nito ay tinulungan din siyang magligpit.

Hindi na rin naman kami nagtagal na ligpitin ang lahat ng dala namin, matapos iyon ay pumasok naman ako sa banyo upang ayusin kahit sandali ang sarili ko.

Mabilis lamang ako sa mga ginawa ko kaya ilang minuto pa lang ang nakakalipas simula ng gumising ako ay parehas na kaming handa agad, kahit sa elevator at paglabas ng Apartment namin ay nagmamadali si Alexander kaya mas lalo lang akong kinabahan... anong nangyayari?

Tahimik lamang si Alexander buong biyahe namin papunta sa Auckland Airport kaya hindi ko na lang ito ginugulo kahit kating-kati na ako malaman ang katotohanan, bakit ba parang hindi siya mapakali at papikit-pikit pa siya habang minamasahe ang noo niya?

Anong mali ang nangyari?

Pagbaba na pagbaba namin sa Airport ay kung hindi lang siguro ako tumakbo mawawala na siguro ako ni Alexander sa sobrang bilis nitong maglakad, mabuti na lamang ay siya lang ang nagiisang may dala lahat ng gamit namin.

Pagtapos na pagtapos namin madaanan ang mga security check ay saktong-sakto lang kami sa flight namin dahil naga-announce na sila na ilang minuto na lang daw ay isasara na ang gate, mabuti ay nakahabol kami ni Alexander dahil tumakbo kami papasok sa gate.

Hingal na hingal kaming dalawa pagupo na pagupo namin doon sa nakatalang pwesto namin, mabuti na lamang at agad kaming sinalubong ng isang flight attendant at binigyan kami ng tubig, nagtanong pa ito ng mga kailangan daw namin na agad naman naming tinaggihang dalawa.

Noong magsimula ng umandar ang eroplano at tumaas ay wala sa'ming nagsasalita ni Alexander, ayoko namang basagin ang katahimikan dahil parang gulong-gulo si Alexander sa isipan niya.

Siyaka pa lamag ako unang nagsalita ng alam kong lagpas isang oras na kaming na'sa ere, hindi naman ito tulog at nakatulala lang na nakatitig sa bintana kaya nagsalita na ako. "Alexander?"

Hindi ito sumagot.

"Alexander?"

Hindi na naman siya sumagot, hindi ko tuloy alam kung hindi nya lang naririnig o wala talaga siyang ganang makipagusap sa akin ngayon.

"Alexander?" Pangatlong beses ko ng tawag sa kaniya at hinawakan na ito sa kaniyang balikat, dooon pa lang siya tila nakarinig at siyaka ako binigyan ng pokus.

"Uhm?" Tanong nito.

"B-bakit tayo biglang babalik? Akala ko ba may tinatakbuhan tayo?" Kung alam mo lang Alexander...kung alam mo lang na may iba rin akong tinatakbuhan.

"Ignazio called me." Maiksing sagot lang nito na wala namang paliwanag.

Kinunot ko ang noo ko. "'Diba hindi nga nila tayo dapat makita?"

"He offered me a deal." 

Napaanga ako sa sinabi niya, ano daw?

"Basically he'll let me marry you and leave us in peace for one condition." 

Napaaanga ako. Marry me? Papakasalan niya ako?

"I'm legal now. I can marry you now." Ngiti sa'kin ni Alexander na hindi man lang tumatagos sa tenga niya, kita ko pa sa kaniyang dalawang mata na sobrang naguguluhan din siya sa mga pangyayari.

"Anong kundisyon daw?"

"That's why we're going back... he told me if I didn't come back until the end of October 31 he'll start playing with me... that's the worst thing that can happen Mahalia. I can't let him hurt you, never."

"A-anong oras ba tayo makakabalik ng Pilipinas?"

"Approximately 7:00 PM... mayroon ako no'ng limang oras na makakausap si Ignazio but I'm not so sure, anything can happen. We should just be always ready to run when something goes wrong."

Napatango na lamang ako at naramdaman ang puso kong sobra kung tumibok, bakit ganito? Bakit hindi na ako umaasang magkakaayos pa? Bakit sa loob-loob ko ay sumusuko na ako?

"A-anong tingin mo ang kundisyon ng tatay mo Alexander?"

"I don't know... one thing is for sure though, he plays dirty."

Napakagat ako ng bibig ko at niyakap na lamang ang katabi kong si Alexander upang iparamdam dito na sinusuportahan ko siya at sasamahan sa kahit anong desisyon niya. Maging maganda man o hindi kanais-nais ang resulta, palagi ko siyang susuportahan.

"Alexander?" Muli kong tawag dito makalipas ang ilang minuto ng katahimikan.

"Uhm?"

"Huwag kang malulungkot kapag wala na ako, okay? Please... please lang sana lagi kang maging masaya para sarili mo."





A/N: LAST CHAPTER!!! EPILOGUE LEFT :D


That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now