Kabanata 66

5.4K 85 2
                                    


Gusto kong sumigaw, gusto ko noon sampalin si Ignazio nang bigla niya akong halikan at hawakan ang isa sa mga maselan na parte ng katawan ko pero hindi ko iyon nagawa... sa gulat ko ay napatulala na lamang ako at huli na ang lahat, nang lumayo na siya ay doon ko pa lang napagtanto ang nangyari kaya nagmamadali akong tumakbo palabas ng kwarto nito habang naririnig ko ang tawa niya sa likod ko.

Kakaibang binata si Ignazio, hindi ko alam kung baka dahil galing siya sa Amerika o dahil baka masama lang talaga ang ugali niya.

Ilang beses kong sinubukang burahin sa isip ko ang mga nangyari ngunit hindi ko magawa, masyadong klaro ang lahat para hindi ko maalala.

Isang linggo na rin simula nang mangyari iyon at hanggang ngayon ay hindi pa ulit kami nakakapag-usap, sinasabi ko na lamang kay Tatay na hindi ako kumportable sa binatang lalaki kaya hindi niya na ako inuutusan doon... ang sabi rin kasi ni Tatay salbahe daw si Ignazio, masama daw ang talas ng dila nito.

Hindi naman lumalabas si Ignazio ng kwarto niya kaya wala naman akong masyadong problema dito, hindi ko alam kung anong ginagawa niya buong araw sa loob ng kwarto niya 'e hindi naman siya nag-iingay.

"Sophia... ang gwapo no'ng binata na nakatira sainyo 'a!" Biglang ika sa'kin ni Althea, iyong kasamahan ko sa pagkuha ng mga hinog ng dalandan sa malaking bakuran ni Mr. Sanchez, iyong nagmamay-ari ng pinakamalaking bahay sa buong bayan.

Nagparte agad ang bibig ko sa sinabi niya... ano raw? Paano niya nalaman na sinuwerte sa mukha si Ignazio 'e hindi naman iyon lumalabas ng bahay?

Hindi pa ako nakakatanong ng bigla na namang magsalita si Althea habang sinusungkit iyong mga dalandan sa puno. "Sinusuyo niya na agad si Haya, kilala mo? Iyong magandang anak ni Mang Lireo."

Mabilis akong napahinto sa ginagawa kong pagsuri ng dalandan... bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang naaasar ako 'e hindi naman kami malapit ni Ignazio? At least ba hinalikan niya akong isang beses ay may karapatan na akong makaramdam ng ganito?

Napailing na lamang ako. Hindi ko na makilala ang sarili ko, alam ko namang hindi lumalabas si Ignazio ng kwarto niya pero nagpapaganda ako lagi, masipag kong sinusuklay ang mahaba kong buhok upang mas maging tuwid pa at kulang na lang ay maglagay ako ng kolorete sa mukha... kung sapat lamng ang binibigay ni Mr. Sanchez na pera ay malamng ginawa ko na iyon.

"Nagkakamali ka lang siguro... imposibleng si Ignazio iyon, hindi siya pinapalabas ng bahay, bilin iyon ng tatay niya sa amin."

"Huh? Sigurado ako sa nakita ko Sophia! Palagi siyang nakatambay doon sa tindahan ni Haya nang mga sigarilyo at alak!" 

Napakunot na ako ng noo at napailing.

Imposible... hindi naman lumalabas iyong si Ignazio.

Iniling ko na lamang sa isipan ko ang sinabi ni Althea at tahimik nang ipinagpatuloy iyong pagsusuri ko ng mga maaayos pang dalandan sa sira at bulok na kahit ang totoo ay, sobrang binabalabag ako ng sinabi ni Althea.

Si Ignazio? Sinusuyo si Haya? Si Haya pa na lagi kong kalaban sa school pa pagdating sa mga pagandahang paligsahan?

Hindi... hindi iyon maaari.





*****


Madalas ay alas-singko talaga ako umuuwi ng bahay bago mag-gabi kasi delikado na, lalo na sa dinadaanan ko dahil walang mga tao doon, wala ring kuryente sa amin dahil pataas kami at sinasabi ng kumpanya ng kuryente ay baka sa susunod na taon pa daw nila kami malalagyan.

Bago ako pumasok sa bahay namin ay dahan-dahan kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko kahit na alam kong hindi ko naman makikita si Ignazio dahil hindi ito lumalabas ng kuwarto niya.

Pagpasok na pagpasok ko ay tulad nga ng inaasahan, tahimik sa buong bahay, naupo na lamang ako sa upuan na kahoy at sinindihan na ang isang lampara... marunong kaya si Ignacio na magsindi ng lampara? Hindi ko pa kasi kahit kailan na narinig itong tinuruan ni Tatay.

Napakalumbaba na lamang ako habang inilalagay sa gitnang mesa ng bahay ang lampara na sinindihan ko, nakakapagtaka talaga si Ignazio, hindi pa ba siya nababaliw mag-isa?

Napailing na lamang ako at kinuha na ang mga gagamitin ko upang makapag-saing ng kanin, sa labas ako nagsasaing dahil mausok iyon, si Tatay naman na lagi ang may dala ng ulan pag-uwi basta ang importante ay may kanin kami.

Minsan kung walang dala si Tatay ay umiinom na lang kami ng tubig na may kahalong asin upang magkaroon ng lasa ang kinakain namin.

Paglabas ko doon upang ipuwesto na sana ang kahoy kong mga dala na lalagyan ng kanin ay agad akong napakunot ng noo ng mapansin sa labas na bukas ang bintana ng kwarto ni Ignazio.

Pasimple akong sumilip sa loob pero parang wala naman siya doon... lumapit pa ako hanggang sa nahahawakan ko na ang pader ng loob ng kwarto niya.

Wala nga siya sa loob!

Agad na pumasok sa akin ang sinabi kanina ni Althea, palagi daw tambay si Ignazio sa tindahan ni Haya, hindi kaya't nandoon nga siya?

Mabilis kong binitawan ang hawak kong mga kahoy at tumatakbong pumunta doon sa may kalsada at mas binilisan pa ang kilos upang muling pumunta doon sa bayan, doon sa palengke kung saan mabibili ang karamihan ng gusto ng mga tao.

Mga trenta minutos ang lilipas para makarating ka sa Bayan pero dahil wala na akong pera para pambayad ng masasakyan ay mabilis ko na lamang tinakbo ang bahay namin papunta sa bayan, siguro ay mga ala-sais na ng gabi ng sa wakas ay narating ko na rin ang palengke, wala nang araw ngunit may mga tindahan pa namang nakabukas, ang karamihan nga lang ay nagsasara na.

Maaga ang gising at tulog ng mga tao dito kumpara sa Maynila.

Sanay na ako dito dahil minsan ay kung wala nang prutas na masusungkit o mabubunot sa bakuran ni Mr. Sanchez ay pinapatinda niya na lang kami dito sa palengke, alam ko rin ang eksaktong tindahan ni Haya dahil sikat na sikat iyon lalo na sa kalalakihan... sa ganda niya kasi naaakit ang mga lalaki at hindi naman sa tinitinda niya.

Nang sa wakas ay matanaw ko na ang tindahan ni Haya ay hindi nga akong nagkakamali na marami na namang lalaki doon, hindi ko nga makita sa loob si Haya dahil ang daming nakaharang na lalaki sa tindahan niya.

Pilit kong hindi ininda ang pagod at hingal upang makalapit lamang doon sa tindahan ni Haya.

Nang makalapit na ako doon ay siyaka pa lang ako nanghingi ng espasyo. "Padaan po...padaan." Mabuti na lamang at nakikinig naman sa akin iyong mga lalaki kaya ilang hakbang lang ay nakita ko na si Haya...at siya, iyong taong hinahanap ko...si Ignazio.

Naghahalikan sila ngayon ni Haya na ikinatutuwa ng mga kalalakihan... kaya pala sila nandito.

May pinapanood pala sila.

Napakagat ako ng ibabang labi sa sandaling sakit na naramdaman ko, akala ko ay gusto niya ako kaya niya ako hinalikan  ayon pala... ayon pala ay hindi niya lang sa akin iyon ginagawa. Bastos lang talaga siyang lalaki!

"H-huwag dito Ignazio...nakakahiya... lagot ako kay Tatay nito." Ngunit hindi tumigil si Ignacio, ilang segundo niyang hahalikan sa labi si Haya tapos lilipat naman ito sa alak na hawak niya, hahalikan ulit si Haya taopos sa kabilang kamay naman ay naninigarilyo.

"I-Ignazio.." Tawag ko, alam kong mahina lamang iyon pero narinig ni Ignazio dahil biglang nalipat ang paningin niya sa akin.

Niliitan ako nito ng mata, akala ko ay galit siya pero bigla niya akong nginitian, nagsimula na akong magtaka ng bigla siyang lumapit sa'kin, amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa katawan niya pero mas nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang pisngi ko at madiihn na naman akong halikan!

Sa harap ng maraming tao, pagkatapos ng ginawa niya kay Haya!

Pilit akong kumakawala pero ayaw tumigil ni Ignazio, naiyak na ako noong naririnig ko ang masayang sigawan ng mga lalaki pero walang tumitigil sa akin hanggang sa bigla na lamang huminto si Ignazio.

Hindi ko alam kung anong reaksiyon niya dahil umiiyak na pala ako pero alam kong natigil ito.

"S-sorry."

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now