Kabanata 33

6.7K 148 45
                                    



Kakaibang halik iyong ngayon, hindi tulad ng una naming halik habang umiiyak siya at mabilis na naputol ni Stephen.

Ibang-iba iyong ngayon.

Matapos kong tanungin si Alexander ay ibinaba nito ang ulo niya upang maabot ko ang mapupula niyang labi, ang mga kamay nitong kanina ay malayo sa'kin ngayon ay kung saan-saan na lumilibot sa buong katawan ko. Tila isang kumot ang dalawa nitong kamay na nagpapainit ng buong katawan ko.

Sandali kaming huminga matapos ang unang halik namin ngunit agad-agad ay ibinababa na naman niya ang labi niya sa akin...hindi na ito tulad ng kanina, mas madiin na, mas malalim at punong-puno ng emosyon na akala mo talaga ay sa halik na iyon naka-depende ang buhay naming dalawa.

Siguro nga...siguro nga doon na.

Kasi gagawin ko ang lahat 'wag lang iyong matapos. Gagawin ko ang lahat manatili lang kami doon habang buhay.

Ngunit na'sa totoong takbo kami ng mundo at tulad ng lahat ay lahat may katapusan.

Biglang may nagbukas ng pinto.

"Fuck." Rinig kong mahinang mura ni Alexander ng agad kong pinutol ang paghahalikan namin at dumistansiya ako sa kaniya dahil sa biglang pagbukas ng pinto. "King." Bati nito sa pinsan niya kahit hindi niya pa nakikita kung sino ang nagbukas dahil nakatalikod siya sa pinto.

Tama naman siya...si King nga iyong nagbukas ng pinto. Nakikita ko ito sa pwesto ko.

Nginisian ako nito kaya mas lalong namula ang pisngi ko.

"Can your little girlfriend here handle threesome?" Tanong ng pinsan nito na hindi ko nakikita ngayon dahil hindi ko na ito matignan sa hiya ko.

Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga paa namin ni Alexander. 

Mabilis na kumilos si Alexander at mukhang tumakbo kaya itinaas ko na ang paningin ko, sobrang bilis ng kilos nito na hinabol si King na sobrang bilis rin namang tumakbo.

Sa gulat ko ay ilang segundo pa ang nakalipas bago ko napagtanto na ako na lang pala ang mag-isa sa media room....hindi ko naintindihan ang sinabi ng pinsan ni Alexander ngunit pakiramdam ko ay nanag-asar ito kaya napikon si Alexander ko.

May pagka-siraulo ba ang pinsan niya?

Bakit nito pinapasok si Stephen noong sabado at hinayaan na makipag-sakitan ang pinsan niya?

Tapos bakit lagi niya akong nginigisian ng nakakaloko?

Lalabas pa lang sana ako sa pinto ng kwarto, sa media room nang matigil ako kaagad dahil sa biglang pagpasok ng hinihingal na si Alexander. "Sorry for that asshole's mouth."

Kinurap ko ng ilang beses ang dalawa kong mata. "Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya Alexander," Nahihiya kong ngiti dito. "Okay lang."

Mahina siyang natatawang lumapit sa'kin. "That's good." Sabay nakaw nito ng mabilis lang na halik sa labi ko at kinuha na ang kamay ko upang sabay na kaming lumabas sa media room. "Don't worry about King... he's stupid and childish but I'm sure that he knows how much I like---er...respect you. Hindi ka na niya ulit guguluhin. I don't even know why that fucker is here, he's supposed to be in Academy."

"Baka malungkot siya doon." Ika ko na lang.

Napailing itong tumatawa. "Every student in Leysword Academy is his toys. Nagsawa lang siguro kaya ang buhay ko naman ang gustong bwisitin."

Nilunok ko na lang ang laway ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko dito.

Masyado pa rin akong hindi makapaniwala sa halikan namin...normal lang ba iyon?

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now