Kabanata 29

7.6K 206 44
                                    


Hindi ako makagalaw...hindi ko nga man lang magawang ibuka ang bibig ko upang makasigaw dahil tila naging isang estatwa na ako ngayon na walang ibang magawa kundi ang tumunganga lang sa lalaking na'sa harapan ko ngayon.

May harang kaming pader na salamin na malamang ay dahilan kung bakit hindi niya narinig ang pagpasok ko.

Kung-iihi ako ay nakatalikod naman ito...ngunit paano kung mahuli niya ako?

Napaanga ako sa kabaliwan ko at napagdesisyunang mabilis na lamang lumabas lalo na at hindi pa naman niya ako nakikita ngunit tumingin muna ako ng huling sandali sa perpektong hugis ng hubad nitong puwet at namumula na ngang tuluyang lumabas.

Sumalubong agad sa'kin si Alexander na nakakunot ang noo malamang dahil sa reaskiyon ko. "Sweetheart?"

Umiling ako dahil ayaw ko sabihin dito ang nangyari pero kung hindi ko sasabihin...paano naman ako? Ihing-ihi na ako!

"A-alexander k-kasi...may...m-may----" Hindi na ako natapos ng biglang magbukas ang pinto at halos mapatalsik ako sa malayo dahil sa sobrang lakas ng impact ng pagkatama nito sa'kin.

Rinig ko ang malakas na mura ni Alexander. "PUTANGINA!" ika nito at agad na pumunta kung nasaan ako upang alalayan akong tumayo, nang masalo na ako nito ay parehas naming tinignan ang taong may gawa no'n na ikinalaki na naman ng dalawang mata ko dahil hindi pa rin nagbabago ang lalaking nakita ko loob kanina! Hubo't-hubad pa rin siya na binabalik ngayon ang tingin naming dalawa ni Alexander sa kanya ng walang halos ekspresyon...akala mo talaga ay hindi ito nakahubad at simpleng nakatayo lang.

Nahihibang na ba siya?

Nakalimutan ko na tuloy 'yong sakit ng pagkatama sa'kin ng pintuan.

Ilang sandali pa at bigla ko na lamang naramdaman ang malaking kamay ni Alexnder na tumakip sa dalawang mata ko na dahilan ng pagkakawala ng paningin ko.

"Fuck...King!" Bulalas ni Alexander na na'sa likod ko lang.

"What?" Wala na namang halong emosyon na boses no'ng King.

King...King? Hindi ba't pinsan niya iyon?

"Towel King! Use a fucking towel!"

Iyon ba ang pinsan ni Alexander na kahati niya sa penthouse? Akala ko ba ay na'sa Academy ito?

Wala akong narinig na sagot mula sa tinatawag ni Alexander na King ngunit maya-maya pa ay nakarinig na lang ako ng mga hakbang palayo sa'min at nang tuluyan na iyong maglaho ay kasabay noon ang pagkakakita kong muli dahil sa pagalis ng kamay ni Alexander sa dalawang mata ko.

Alam kong mas namula pa ang pisngi ko dahil sa mas pag-init nito ngayon dahil sa malalim na tingin sa'kin ni Alexander. "You saw that?" Tanong nito na tila alam na rin naman ang sagot dahil sigurado akong alam niyang salamin ang pader na harang ng banyo.

Nahihiya akong tumango. 

"Sorry for that...napag-usapan na naming walang pakielaman sa sarili naming palapag pero patuloy pa rin 'yong gagong 'yon sa paggamit ng kung saan gusto niya."

"A-ayon ba ang pinsan mo?" Tanong ko dahil talagang hindi ko alam ang sasabihin dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon.

Gusto ko na lang lamunin ng lupa.

"Yup." Kumpirma pa nito. "He's a psycho little brat." Dagdag pa niya. "Are you okay?" Tanong nito.

"O-okay lang." Nahihiya akong tumingala upang makita ang mukha ni Alexander. "P-pwede ba akong gumamit ng banyo?" Sabay tingin ko naman sa pinto ng banyo na hindi ko naiihian kanina.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon