Kabanata 59

5.1K 99 12
                                    



Ayokong maniwala... pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga narinig kong usapan ng mga kaklase ko kanina ngunit hindi ko magawa.

Si Alexander? Nagbabalik na sila ni Vanessa?

Imposible... imposible lang, maayos kami ni Alexander na naghiwalay, hindi pwedeng ganoon lang iyong magbago sa sandaling oras.

Baka pinaglalaruan lang nila ako, tama hindi iyon totoo at gusto lang akong paglaruan ng mga tao sa school.

Ipinikit ko na muli ang dalawang mata ko sa hindi ko na mabilang na beses, kanina ko pa sinusubukang matulog ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga magawa, patuloiy lang akong ginugulo ng mga usapan ng kaklase ko kanina.

Hindi iyon magagawa sa akin ni Alexander kailanman... hinding-hindi.

Nakita ko na lamang ang sarili ko linggo ng umaga na wala pa ring balita kay Alexander, may mga naririnig pa rin akong usapan na lagi daw magkasama si Alexander at Vanessa dahil nga nagbalikan na sila pero hindi pa rin ako naniniwala doon... ayaw kong maniwala.

Halos minu-minuto akong tumitingin sa phone na ibinigay sa akin ni Alexander pero napapasimangot na lamang ako tuwing nabibigo ako dahil hindi naman ito nagte-text pabalik.

Ilang araw na rin... parang noong nakaraan lang na bigla na lang siyang nawala at hindi nagparamdam.

Ano bang gingawa niya?

Nanood na lamang ako kay Ate Carla na lagyan ng kung anong puting cream ang buhok ng isang babae, nandito ako ngayon sa Parlor na pinagtratrabahuhan ni Ate Carla dahil wala naman akong magawa sa bahay at nag-aya si Ate Carla kaya sumama na rin ako.

Na'sa gitna ng isang palengke ang Parlor na pinagtratrabahuhan ni Ate Carla, hindi ito ganoon kalaki at lima lamang sila na trabahador dito ngunit ayon sa kaniya ay maganda naman daw ang pasahod ng amo niyang kaibigan.

"Mahalia gusto mong tinapay?" Bigla sa'king tanong ng nagiisang lalaki na nagtratarabaho sa parlor, ang apat kasing ibang kasama si Ate Carla ay mga bakla.

Nahihiya akong umiling at napatingin na lamang sa sapatos ko... hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na kinakausap ng mga hindi malalapit sa'kin.

Kailan kaya ito mawawala?

"Sigurado ka---" Hindi pa natatapos si Bitoy, ang nagtanong sa'kin nang putulin kaagad ito ni Ate Carla.

"Huwag ka lalaki." Ika ni Ate Carla habang sinusuklay iyong mahabng buohok ng costumer niya. "May boyfriend 'yang alaga ko kaya lumayo-layo ka na." Napangiti ako ng patago sa sinabing iyon ni Ate Carla.

Hindi ko alam pero tuwing sinasabi nilang boyfriend ko si Alexander ay hindi ko maiwasang maging masaya, sino ba naman kasing tao ang hindi magiging masaya doon 'diba?

"Eto naman! Nagtatanong lang!" Depensa pa ni Bitoy at sandali akong nginitian bago nagpatuloy ng paglalakad niya papasok sa isa pang kwarto kung saan sila tumatambay kapag break nila.

"Baka nabo-bored ka na?" Biglang tanong ni Ate Carla.

"Hindi naman mare!" Sagot noong babaeng inaayusan niya ng buhok.

"Hindi ikaw, si Mahalia!" Natatawang ika ni Ate Carla at pabirong sinabunutan iyong costumer niya.

"A-ako po?"

"Ikaw nga." Kita ko ang pagtaray ni Ate Carla sa may malaking salamin na kaharap niya.

"Hindi naman po."

"Kung gusto mo ikot-ikot ka muna diyan sa labas, maraming mabibili diyan kuha ka na lang doon sa wallet ko sa may cabinet."

Napakagat ako ng bibig dahil kahit ilang oras na ako dito nakaupo ay mas pipiliin kong umupo pa ng walang ginagawa kaysa sa lumabas sa labas na alam kong sobrang raming tao.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now