Kabanata 8

12.7K 385 55
                                    


Nakapikit ngayon ang dalawang mata ko habang pinapakalma ko ang sobrang lakas na tibok ng puso ko.

Hindi ba ako mamamatay nito sa lakas?

Hindi ko talaga alam kung papaano ko nagawang muling pumasok sa gusaling ito habang marami akong kasabay na naglalakad kanina papasok. 

Kasalukuyang nandito ako sa isa sa mga banyo ng paaralan at nagtatago sa loob ng isang maliit na kompartment kung saan ay kinukulong ko ang sarili ko.

Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong orasan dito ngunit ang alam ko lang ay malapit nang magsimula ang pangalawa kong klase pero paano ako makakapunta doon kung naginginig ang buong katawan ko?

Unang beses kong lumabas ngayon matapos ang isang buwan at hindi ko pa rin maiwasan ang matakot... paano kung na'sa labas lang pala ang masasamang lalaki na kumitil sa buhay ni Tata at Kuya? 

Alam ko naman na paaralan ito at sobrang higpit ngunit takot talaga ako... sa probinsiya pa lang ay hindi na ako nakakausap ng hindi umuutal.

Paano pa kaya dito sa isang lugar na bagong-bago sa akin?

Ano bang magagawa ko kung gaanon ako lumaki?

Sanay lang ako sa presensiya ni Tata, Kuya at ng mga hayop na inaalagaan namin... hindi ako sanay na magulong siyudad dito sa Quezon City... sa jeep pa lang kanina ay hiyang-hiya na ako.

Bihira lang ako makakita ng maraming tao, ayon lang ay tuwing pumupunta kami sa Bayan ngunit dito sa siyudad ay sa bawat lakad mo ay palaging may tao sa bawat gilid, nakakakaba... nakakahiya at nakakatakot.

Paano kung pagtawanan ako ng mga estudyante?

Napapikit ako ng mata... kung kanina ay nakayanan ko... makakayana ko ulit ito ngayon.

Tiwala lang.

Nagpakawala na ako ng isang malalim na hininga bago ko tuluyang binuksan ang pintuan ng maliit na kompartmeng pinagtaguan ko ng ilang minuto.

Sigurado akong may mga tao sa loob ng banyo nang lumabas ako sa kompartment na iyon base na rin sa mga boses na naririnig ko ngunit hindi ko alam ang bilang nila dahil tanging sa lapag lamang ako nakatingin... nakayuko pa rin ako hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng banyo.

Sinigurado ko rin na na'sa pinakagilid ako at halos nakadikit ang gilid ng katawan ko habang naglalakad ako ngayon paakyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang pangalawang klase ko.

Ayon sa skedyul na papel na ibinigay sa akin ay sa Room 210 raw ang room ko, paano ko kaya iyon makikita ng hindi itinataas ang ulo ko?

Napakagat ako ng ibabang labi ng muntik na akong may makabunggan ngunit buti na lang ay mabilis akong nakaiwas at lakad-takbong lumayo bago pa ito magalit sa'kin.

Nakahinga lang ako ng mluwag ng makarating na ako sa isang pasilyo na walang mga tao... sa wakas ay maiaangat ko na rin ang ulo ko.. habang naglalakad ay lagi kong tinitigan ang mga numero na nakadikit sa mga pintuan.

Room 208....

Sa tabi nito ay 209... at doon sa pinakadulo ay sa wakas. Room 210.

Huminga ako ng malalim habang hawak-hawak na iyong pihit ng pinto... kaya ko 'to... kaya ko 'to... bubuksan mo lang Mahalia at makakapasok ka na. Kaya mo 'yan.

Sandali kong ipinikit ang dalawa kong mata upang kumuha ng lakas at nang buksan ko na 'yon ay nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga.

Kaya ko 'to.

That Probinsiyana GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora