Kabanata 35

6.7K 141 68
                                    


"I wish I could tell you how much you mean to me...you are so amazing Mahalia and I thank you very much for making me complete every single day."

Iyon ang mga katagang sinabi ni Alexander matapos ko siyang yakapin ng mahigpit. Tama nga ang hinala ko dahil bago niya ako hinatid pauwi ay umamin na ito nang nararamdaman niya sa akin.

Gaanoon ang akto niya kasi gusto niya rin ako...gusto niya ako. Tama ang matagal ko nang hinala.

Hindi ako makapaniwala sa katotohang magkakagusto ang tulad niya sa akin ngunit hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Hindi man niya sinagot ang tanong ko kung boyfriend ko ba siya ay hindi ko na lang iyon binibigyan ng halaga, paano ba naman kasi ay hanggang ngayon rinig na rinig ko pa rin ang pag-amin niya sa akin.

Hindi na ako makakahiling ng kahit ano pa...sobrang saya ko na.

'I think I like you Mahalia...I've never felt this way for a girl before, b-basta palagi na lang...noong unang beses pa lang kitang nakita, alam ko na, alam ko nang magiging malaki ang parte mo sa buhay ko. I'm not sure where we are going but I know that I'll never regret spending time with you.' Ayon ang eksaktong sinabi ni Alexander sa'kin kahapon na hindi lamang nakatatak sa isip ko ngunit pati na rin sa puso ko.

Napangiti ako sa harapan kong maliit na salamin habang sinusuklay ang basa ko pang buhok, kakatapos ko lang maligo dahil sabado ngayon at ipapasyal daw ako ni Alexander.

Hindi ko tuloy mapigilan ang malalaki kong ngiti nang sa wakas ay lumabas na ako ng kwarto at salubingin si Nanay Lorna. "Aalis ka?" Pansin agad nito sa itim kong dress na regalo ni Ate Carla, kabisadong-kabisado na nila ako at alam na nilang iyon lang ang nagiisa kong magandang damit kaya paulit-ulit ko iyong sinusuot tuwing lumalabas kami ni Alexander.

"Opo kasama ko po si A---"

Hindi na ako natapos sa pagsasalita nang marinig ko agad ang boses ni Ate Carla na pinutol ako. "Alexander na naman?" Tinaas nito ang isang kilay niya at naglakad palapit sa'kin galing doon sa kusina. Huminto lang siya noong isang hakbang na lang siya sa akin. "Ano ba talaga kayo?"

Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa mukha nitong tila nakagawa na ng desisyon na hindi maniniwala sa kung ano mang sasabihin ko. "Magkaibigan po." Mahina kong ika.

"We?" Gumawa ito ng nakakatawang mukha kaya mahina akong napatawa. "Liar. Marunong ka nang magsinungaling sa'kin ngayon 'a?" Umalis na ito sa harapan ko upang umupo sa isang sofa sa sala kung saan ay kita niya pa rin ako.

"Hay nako, Carlo! Tigilan mo nga 'yang si Mahalia!" Saway ni Nanay Nerie dito. "Ikaw naman," Sabay harap niya sa akin. "Sa baba mo na hintayin ang kaibigan mo at makalat ang apartment, nakakhiya kay Alexander." Nginitian ko si Nanay Nerie at tumango dito.

Nang magsimula na akong tumungo sa may pintuan naming upang lumabas n asana ay bigla na lang akong nahinto dahil bago pa ako tuluyang makaapak sa labas ay may naramdaman na ako kaagad na humahawak sa braso ko.

Hindi nga ako nagkakamali sa taong inaasahan ko dahil ng sa wakas ay humarap na ako dito ay Nakita ko si ate Carla.

Hindi ko maipaliwanag ang mukha niya...hindi ko tuloy alam kung nang-aasar ba ito o seryoso.

"Ate?" Nagtatakang tanong ko.

"Ssssh ka lang kay Nanay huh?" Mahina ngunit mariing ika nito. "Bukas palad." Dagdag niya pa niya ikinanoot ng noo ko.

Bukas palad?

Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ko siya naiintindihan.

"P-po?"

That Probinsiyana GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora