Kabanata 53

5.4K 96 4
                                    


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit si Alexander, ilang beses ko ng sinabi dito na maiintindihan naman ni Ate Carla kung ipapaliwanag ko dito ng malinaw kung bakit nasira ang phone ko pero hindi pa rin iyon nakapag-pakalma kay Alexander.

Naghiwalay kami kahapon na mainit pa rin ang ulo niya kay Stephen, hindi niya nga ako masyadong kinausap pauwi dahil sa inis na inis talaga siya. Mabuti na lamang ay maraming umawat sa kanila lalo na ang mga ka-temmates nila, sa dulo tuloy ay hindi na natapos ang laro ng dalawang school.

Gusto ko ngang sabihin kay Alexander na baka hindi naman iyon sinasadya ni Stephen pero alam naman naming dalawa ang totoo, si Stephen pa ba? Iyong ugali niyang iyon?

Alam kong hindi papasok ngayon si Alexander dahil bago kami naghiwalay kahapon ay nagpaaalam na siya sa akin. Kailangan daw siya kasi siya ng father niya kaya hindi raw siya makakapasok.

Hindi tuloy kataka-taka na sobrang boring ng buhay ko ngayon dahil wala ngayon ang liwang ko.... ang nagbibigay kulay sa buhay ko ngayon.

Gusto ko na nga agad magbukas upang makasama ulit siya.

Habang naglalakad ako papunta sa locker ko ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon, kalian ba kami pipigilan ni Stephen? Ano bang gusto niyang makamtan? Nagseselos ba siya, hindi ba't sila naman pala ng Vanessa na iyon? Bakit pa siya nanggugulo?

Kinakalikot ko lamang ang laman ng locker ko ng magulat na lamang ako ng may makita akong hindi pamilyar na box na nandoon, sinuri ko pa iyon ng mabuti pero hindi ko talaga alam kung saan o kung kanino iyon galing.

Sigurado akong hindi iyon sa akin!

Nang buksan ko ang box ay nanglaki ang dalawang mata ko ng mapagtantong bagong phone pala iyon....sigurado akong galing iyon kay Alexander, hindi ko nga lang alam kung kalian o paano niya iyon nalagay dtto dahil hindi naman siya pumasok ngayon.

Napaaanga ako sa laki at ganda ng phone pero sinara ko rin naman agad iyon.

Hindi. Hindi pwede.

Pumasok na sa isip ko na baka bilan ako ng ganito ni Alexander kaya kahapon ay sinabihan ko na itong 'wag na, ayoko...ayokong tumatanggap ng mga materyal na bagay sa kaniya. Kailangan ko 'tong mabalik sa kaniya ngayon.

Pero paaano?

Paano kugn hindi ko naman alam kung nasaan siya ngayon o nasaan ang father niya na kasama niya?

Napailing ko na lamang na sinara ang locker at naglakad na sa hallway nang bigla kong makasalubong si Alias, magisa lang ito hindi tulad ng dati na laging kasama si James o di kaya si Stephen kaya bumati ako sa kaniya buti na lang kahit papaano ay hindi ako napahiya, ngumiti ito sa'kin at binalik rin naman ang batik ko.

Lalagpasan ko na sana siya ng maaalaa ko 'yong box na hawak-hawak ko.

"Alias!" Tawag ko dito. "Alam mo ba kung saan ang bahay nila Alexander?"

Tumango ito na halatang nagtataka sa bigla kong pagtanong sa kaniya no'n.

"P-pwede bang pakibalik ito sa kaniya?" Sabay pakita ko sa kaniya ng box ng cellphone.

"I can't Mahalia sorry....pero kaya kitang dalhin doon sa bahay nila. Kung gusto mo ikaw na mismo ang magbigay sa kaniya niyan?"

Ano bang pagkakaiba? Bakit ayaw niyang siya na mismo ang magbalik kung sasamahan niya rin pala ako?

Napaisip ako sandali...paano kung nandoon nga ang tatay niya? Hindi naman siguro iyon ganoon kasungit o kung hindi naman ako gusto ng tatay niya ay hindi naman nito sa'kin papakita iyon ng harapan 'diba?

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon