Kabanata 61

5.2K 105 13
                                    



"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tama ba ako nang narinig? Hindi ba ako nabibingi?

Sila na ba muli at kinukumpirma niya na ba talaga iyon ngayon?

Diretso lamang ang tingin sa'kin ni Alexander na walang halong kahit na anong ekspresyon kaya hindi ko maiwasan ang bigatan ng pakiramdam.

Hindi ba't dapat tumatawa na ito ngayon at sinasabihan akong biro lang iyon?

Bakit seryoso pa rin siya? Bakit ayaw niya pang sabihin na nagbibiro lang siya?

Gulat akong nakatingin ng diretso sa mukha ni Alexander ngunit ng bigla na lamang niyang itaas ang dalawa niyang kamay ay agad akong napagalaw, akala ko ay kung anong gagawin nito ngunit hinawakan niya lang pala ang aking dalawang pisngi.

Napapikit siya sandali at pinagpatuloy lamang ang paghawak nito sa pisngi ko, hindi ko alam kung dinadama ba niya ang paghawak sa pisngi ko o nahihirapan na siya dahil sa pagpikit niya bigla. "For your sake...for our sake."

Napakunot ang noo ko at hindi maintindihan ang agad na naramdaman, hindi ko alam kung mas lamang ba iyong pagkakahgulo ko o iyong pagkainis ko bigla.

Para sa akin1? Para sa amin ay makikipagbalikan siya kay Vanessa!? Nakalimutan niya na ba ang mga sinabi namin sa isa't-isa?

"A-alexander...hindi tama 'to, ayoko----' Hindi pa ako natatapos ng biglang lumipat ang isang daliri niya sa may labi ko na nagsisimbulong 'wag muna ako magsalita.

"Please listen to me... please understand my reason."

Kahit kating-kati na ako magsalita at masagot ang mga katanungan ko ay ginawa ko ang pakiusap ni Alexander... nanahimik ako at pinanood na lang itong tila nakikipagtalo sa sarili niya sa isipan hanggang sa wakas ay ibukas niya na ang bibig niya.

"I didn't want it to happened, fuck you know how loyal I am to you right?" Tanong nito. "I did it because of Ignazio, my father approved of her. It's just like a barricade Mahalia... trust me, trust my plan, it's all an act. It's why I was absent for almost a week, I've been with them pretending that I'm curious and interested in our family business, akala talaga nila nagising na daw ako at nagiging totoong Larkspur na." Pagtatapos niya sa sinabi na sa totoo lang ay wala akong maintindihan.

"A-act?" Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Kunwari lang ang lahat? H-hindi mo siya mahal?"

"Yes! You finally got it... please don't get jealous nor angry... it's just for the meantime, wala na akong choices, it's the only way. I want to make my father satisfied, I'll follow his advice for now we won't be obvious."

"A-ano?"

Kailangan niyang pasayahin ang tatay niya? Bakit? 

Anong pinaplano niya? Para saan?

"I'm running away... I've been a good son for a month now, dati ko pa 'to pinaplano, ayaw ko na nang kahit na anong koneksiyon sa kanila pero mas lumalala lang 'yung pagpupursigido kong makahiwalay sa kanila ng makilala kita. I don't want you near them Mahalia, they're dangerous not only to you but for our love."

Napaanga ako sa lahat ng inamin nito. "A-alis ka sa bahay niyo?" Paninigurado ko.

"Sa lahat...sa buhay nila... I've been discussing with a friend about this, he's the one helping me about my new identity whenever I want to leave my real life behind."

"B-bakit...pe-pero----"

"I just can't live with them anymore." Nakapikit na ika ni Alexander dahil alam kong nahihirapan itong magpaliwanag. "I can't bear with this any longer. My conscience is eating me since the very first day... it's so bad... it's so bad Mahalia I can't even explain it by words, I don't want to live my life with them, I don't want to live my life making other people lives miserable... I want you, I want to be with you, I know our relationship won't be perfect, just like everyone, there'll be ups and down but it's okay... it's okay as long as I'm with you."

Sandali akong napaanga dahil hindi ko talaga tunay na maproseso ang lahat ng sinabi niya. Ano bang sasabihin ko? Anong gagawin ko?

"S-sigurado ka ba sa plano mo? Sabi mo sa akin... makapangyarihan sila, sila ang nagpapagalaw sa mundo mo. Paano ka makakatakbo."

Tumango si Alexander na sumasangayon sa sinabi ko. "Very true," Sandali siyang napatingin sa kung saan. "I'm willing to take the risk.....'coz if I won't ? I'll just rather die."

Napalaki ang dalawang mata ko sa sinabi nito... ganoon kalala ang pagkamuhi niya sa sarili niyang pamilya?

"I understand it if you can't fathom it Mahalia... I'm actually wishing na hindi mo naiintindihan... kasi kung naiintindihan mo kung ano ang nararamdaman ko? I don't know how you can sleep at night." 

Napapikit na lamang akong sandali dahil hindi ko alam ang sasabihin... hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako at susuportahan siya o magaalala dahil baka madiskubre ang plano niya.

"I can do it. Trust me sweetheart." Ika pa niya at nilagay ang kamay niya sa may pisngi ko upang dahan-dahan lang ito kurutin. "How 'bout you eat? I know you're hungry."

Napasimangot ako kahit na ang laki ng ngiti niya sa akin. "Oo kanina... ngayon hindi na."

"I'm fine, we will be fine, you trust me right?"

Tumango na lamang ako kahit nakasimangot pa rin.

Bakit niya ba ako pinagiisip ng mga bagay na hindi ko naman naiintindihan? Tatakbo ba siya? Kung ganoon... magtatago siya, kapag nagtago siya makikita ko pa ba siya? Paano iyon? Paano kami?

"How's your week without me?" Biglang pagbabago ni Alexander ng usapan upang subukan akong pangitiin.

"Okay lang." Walang ganang sagot ko.

"Hindi ka ba masaya na nandito na ako ulit?" Ngiti nitong tanong.

"Masaya."

"Talaga ba?" Tanong niya pang ulit. "Parang hindi naman? Why won't you give me a smile?" Sabay taas nito ng dalawa niyang kamay at lagay ng daliri niya sa dalawang gilid ng labi ko upang pilitin iyong gumawa ng ngiti.

Natatawang inalis na lang ni Alexander ang daliri niya sa labi ko ng sa wakas ay bumigay na ako at binigyan siya ng pilit na ngiti. 

"Have I told you already? I just got home from Iceland, binaunan kita ng yelor doon, I put it in a jar pero nalusaw na kaya naging tubig." Bigla nitong sabi at labas nga ng jar sa bag na dala-dala niya.

Napalaki ang mata ko sa binigay niya sa akin at natatawang hindi makapaniwala na sinuri iyon.

"Like it?" Napakagat ako sa bibig ko upang kontrolin ang tawa ko... baliw ba siya?

Tumango na lamang ako at sinuri pa ang jar ng muli na naman siyang magsalita.

"I also got you a lot of books... I don't know what to get. I thought you'll like books but stupid me, puro Icelandic langguage book pala ang nakuha ko, kaya 'di ko na dinala... but here's the good part. Chocolates."  Biglang abot niya sa akin ng bag niya kaya napasilip ako doon at nakita ang mga chocolates na punong-puno nga.

"Keep my bag." Natatwang ika nito samantalang ako hindi ko magawa.

Ayoko man iyong banggitin muli dahil kita ko naman kay Alexander kung gaano niya ako sinusubukang pangitiin ay di ko pa rin maiwasan.

"Hanggang kailan?" Bigla kong tanong dahil kahit anong dala niya ng ibang mga usapin ay hindi pa rin naaalis sa isipan ko ang kaninang sinabi niya.

"Ang?" Kumunot ang noo niya.

"Pagkukunwari mo, ang pagsunod sa kanila at kailan? Kailan ka tatakbo?"

"Ngayon."

"Huh?" Napalaki ang dalawang mata ko.

"Didn't I tell you? I'm running away with you tonight."


That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon