Kabanata 48

5.7K 111 5
                                    

"We shouldn't be doing this." Biglang sabi ni Alexander at agad na lumayo sa'kin na nakapagpalungkot naman sa damdamin ko, hindi ko alam ang gagawin ko matapos ang mainit naming pagpapakita ng pagmamahalan kaya napaanga na lang ako at yumuko...kasalanan ko ba? Bakit?

Nang may marinig akong kaunting ingay at biglang lumiwanag ay alam kong binuksan niya na muli ang ilaw.

Ano daw?

Bakit niya binuksan ang ilaw?

Tapos na ba?

Ayaw niya na?

Nakakunot ang noo ko at naguguluhan ngunit kabaliktaran naman ang mukha ni Alexander na parang nagpipigil ng tawa.

Pero bakit?

May nakakatawa ba sa ginawa ko? Hindi ba ako magaling humalik? Hindi ba siya doon nasasarapan tulad ng nararamdaman ko kapag hinahalikan niya ako? Hindi ba ako magaling? Ano iyon?

Magsisimula na sana akong magtanong dito upang masagot ang gumugulo sa isipan ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Agad akong pinuntahan ni Alexander upang isuot sa'kin 'yong nahubad kong pangitaas kanina at sandali pa nitong inayos ang sarili namin hanggang sa wakas ay makuntento na siya at pumunta na doon sa may pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

Hindi ko makita kung sino ang kumatok dahil nakaharang doon si Alexander kaya nakasimangot at naguguluhang tumungo na lang ako doon sa kama na na'sa gitna lamang ng kwarto, pinagmasdan ko na lamang si Alexander na makipag-usap doon sa kung sino mang kinakausap niya hanggang sa wakas ay matapos iyon at isarado niya na ang pinto.

Nakangiti itong tumungo papunta sa akin at umupo din sa kama.

"Bakit ka huminto?"

Mas lumaki ang ngiti niya at bigla akong niyakap ng mahigpit. "Kasi...mahal kita?" Tanong niya sa akin pabalik. "We shouldn't rush things Mahalia."

Pilit na lamang akong ngumiti sa sinabi ni Alexander at binalik rin ang yakap niya kahit ang totoo ay gusto ko pa talaga sana ipagpatuloy ang kaninang naudlot naming paghahalikan. "Okay, sabi mo 'e." Ika ko.

Nang matapos na ang yakapan namin ay muli akong nagsalita. "Sino iyong nakausap mo kanina sa labas ng pintuan?" Usisa ko.

"James." Maiksing sagot nito.

Nanglaki ang dalawang mata ko sa sagot niya...James? Si James? "Hindi ba't kakampi iyon ni Stephen?"

Natatawang ginulo ni Alexander ang buhok ko. "They're still friends with Stephen...yes pero ibig sabihin ba no'n ay hindi na rin kami p'wedeng tatlo maging magkaibigan kasama si Alias? I've known them half my life."

Napatango na lamang ako kahit hindi ko naman naiintindihan ang sinabi niya.

"Sigurado ka ba doon?"

Mabilis na tumango si Alexander. "Yeah....what are you worried about?" Nagsisimula nang magtaka si Alexander sa panghihinala ko kaya ikinibit balikat ko na lamang iyon.

Ewan ko...basta ako ay wala lang akong tiwala sa dalawang kaibigan niya, ayoko namang pagbawalan si Alexander na makipagusap sa mga ito dahil baka magalit siya at mas lalong hindi sumunod.

"They invited me to a party but I'm not sure if I'm going....alam mo na, hindi naman na tulad last year na single life ako...may Mahalia na akong inuuwian." Ngisi niya.

Agad akong natawa sa sinabi nito. "Hindi pa naman tayo mag-asawa Alexander...hindi naman kita pinagbabawalan."

Seryoso ang mukha ni Alexander kaya nahinto ako sa tawa ko at tinignan ito nang magsalita siya. "But we're going there aren't we?"

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon