Kabanata 62

5.2K 98 8
                                    


"K-kasama ako Alexander?" Paninigurado ko at napaturo pa sa sarili ko.

Tumango ito. "I'm sorry if I didn't ask for your opinion but this is the only way Mahalia." Napapikit siya ng mata at tila nahihirapang magpaliwanag. "I won't force you though," Dagdag pa nito at sandaling nanahimik. "Will you come with me? Do you trust me?" 

"P-pinagkakatiwalaan kita--" Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay may bigla na lang inilagay si Alexander na passsport sa may mesa. "My friend did all of the paperwork, may koneksiyon siya sa loob, they'll find me immediately if we're here in the country, it will at least buy us some time if we keep on moving to different countries.."

"P-pero si Nanay Lorna...si Ate Car---"

"That's it." Tango ni Alexander na may seryosong ekspresyon. "You have to make a choice, this is why I find it hard to ask you because I know this is so selfish... don't worry sweetheart I'll still love you and will do my best to contact you even if you don't choose to be with me."

"P-pwede ko bang pagisipan Alexander?"

Napapikit ako ng ata.

Ang dami... ang dami-dami niya agad sinabi sa isang upuan lang na ito! Hindi ako makakadesisyon kaagad! Hindi ko alam ang gagawin!

"The flight is tonight babe, I'm afraid I can only give you some time."

Sandali akong napapikit dahil sa rami ng biglang ala-alahanin na pumasok sa isipan ko. Inaruga at tinuri akong tunay na pamilya ni Nanay Nerie at Ate Carla... kaya ko ba silang dalawang iwanan?

Ngunit paano naman iyong mga masasamang lalaki na hinahabol pa rin ako ngayon? Hindi ba't kung mananatali ako kila Nanay at Ate ay malaki ang pagkakataon na madadamay sila?

Napalaki ang dalawang mata ko sa naisip kong iyon. Ilang gabi na ako 'di makatulog sa kakaisip no'n. Hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag nagkataon.

Eto na ang sagot, eto na... sana.

Agad ko nang binuksan ang mata ko upang salubungin ang kay Alexander . "Sasama ako Alexander kahit saan ka magpunta." Siguradong tugon ko.

Sasama ako sa'yo kasi mahal kita, sa sobrang pagmamahal ko sa'yo ay natatakot na ako... hindi para sa sarili ko pero para sa'yo, natatakot akong maiwan kita sa mundong itong nagiisa.





*****



Hindi na namin tinapos ni Alexander ang klase, walang kasiguraduhan, oo aaminin kong baka magkamali kami pero hindi ba't iyon ang parte ng buhay?

Iniwanan ko lang nang sulat si Nanay Lorna... tulad ng ginawa ko kay Lola at sa mga kamag-anak ko sa probinsiya noong bigla akong umalis. Hindi kumpleto ang paliwanag ko sa papel pero alam kong sapat na iyon para maintindihan nila ako, wala akong maibibigay sa kanila sa mundo na magpapakita kung gaano ako nagpapasalamat sa kabaitan nila.

Ayon ang pinakamahirap sa'king parte ng pag-alis. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaninang umaga lang ay ginugulo ang isipan ko ng mga nabasa ko sa kwaderno, iyong katotohanang papalapit na ng papalapit sa akin ang mga lalaking gusto akong saktan pero ngayon ay tumatakbo na ako palayo sa kanila.

Gumising ako ngumaga na kinakabahan sa buhay ko at pilit na tinatanggap na makakasama ko na rin ang mga magulang ko pero ngayon ay tumatakbo na ako papalayo sa kanila.

That Probinsiyana GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt