Kabanata 2

17.7K 517 103
                                    


Kinagat ko ang ibabang labi ko habang inilalagay ang lahat ng damit na makuha ko sa bag ni kuya... ayoko nang umiyak...  ayoko na sa kubong ito, hindi ko kakayaning tumira dito pagkatapos ng lahat...hinding-hindi ko na kaya.

Wala na akong paki kung magulo man at halos hindi na magkasya sa imitasyong jansport bag ni kuya ang mga damit ko... ang alam ko lang kailangan ko ng umalis dito, kailangan ko ng manghingi ng tulong.

Habang pilit kong sinasara ang pekeng jansport bag ay bigla na lang ako napahinto dahil muling tumama sa akin iyong reyalidad.

Iyong katotoohan na wala na akong pamilya.

Iyong katotohanang paggising ko ay wala na ang mga pagpapaalala ni Tata at ang alaga ni kuya.

Wala na iyong dalawang lalaki na pino-protektahan ako. Wala na sila... hinding-hindi ko na sila muling makikita o makakausap. Iniwan na nila ako.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang maluha dahil alam kong kung magsisimula na naman ako ay baka hindi na ako matapos sa kaiiyak at hindi makahingi ng tulong.

Kailangan ako ni Tata at ni Kuya para mabigyan sila ng hustisya.

Kailangan nila ako sa huling pagkakataon upang malibing sila ng maayos... kahit pakiramdam ko ay hindi ko kaya, kailangan kong kayanin, kakayanin ko para sa kanila.

May kamag-anak kami sa bayan, nandoon si lola at ilang kapatid ni Mama sigurado akong papatuluyin at tutulungan nila ako kapag tumungo ako sa kanila.

Sa ngayon, ilang oras na ang nakalipas at pansamantalang huminto ang akala ko kaninang walang katapusang luha ko, kahit may mga segundo na gusto ko na lang biglang umiyak ng umiyak ay pilit kong kino-kontrol ang sarili ko, maliban sa wala akong magagawa kapag umiyak lang ako ay ramdam ko na rin ang pamamaga ng mata ko sa katagalan ko nang umiiyak... nakakalungkot, napakasakit pero ano bang magagawa ng isang hamak na tulad ko? 

Tutulungan naman ako nila Auntie 'diba? Hindi naman nila ako papayagang mag-isa dito sa kubo 'diba? 

Ipinikit ko ang dalawang mata ko at sobrang diing kinagat ang ibabang labi ko... 'wag kang umiyak Mahalia... 'wag kang umiyak... please... kontrolin mo ang sarili mo huwag kang umiyak.

'Tatagan mo ang loob mo. Kayanin mo para sa kanila. Kumilos ka.' Bulong ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at pekeng ngumiti, ngumiti ako kahit na ang sakit sakit sa pakiramdam at ang totoong gusto kong gawin ay tumakbo pabalik kita Tata at kuya... samahan sila doon hanggang sa... hanggang sa pati ako ay kuhanin na rin ng panginoon..

Kailan kaya ako ulit makakangiti ng totoo? Mangyayari pa kaya 'yon matapos ang lahat? 

Sa huling beses ay iniikot ko ang paningin ko sa kabuan ng kubo namin, hindi ito malaki pero marami akong masayang alaala dito, noong nandito pa si mama at tinatali niya ang buhok ko tuwing aalis kami, noong mga gabi na maglalaro lang kami ni kuya hanggang hapon at hihintayin si Tata na may dalang pasalubong... 'yong mga ganoong bagay na hindi ko naman masyadong pinapahalagahan noong bata pa ako na ngayon? Hinding-hindi na ulit mangyayari... hinding-hindi ko na ulit mararamdaman.

Kasi... iniwan nila ako.

Iniwan nila akong lahat.

Bago pa muling bumalik ang mga tubig sa dalawang mata ko ay nagsimula na akong maglakad at napahinto lang ako ng makita sa maliit naming lamesa ang notebook na nakita ko kanina malapit sa bangkay nila Tata. 

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now