Kabanata 39

5.8K 119 108
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw...iyong ilang araw na absent ni Alexander ay naging isang linggo. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na wala ito pero oo, nagawa ko...kung paano? Hindi ko alam.

Masakit pa rin, bago matulog at paggising ng umaga ay siya lang ang laman ng utak ko.

Hindi ko na nga alam kung mas iisipin ko ba iyong sinabi sa'kin ni Stephen o ang pag-aalala ko kay Alexander dahil ang tagal na nitong wala.

Marami akong tanong, oo sobra na tingin ko ay sasabog na nga ang isipan ko tuwing gabi na mag-isa ako at pinagdudugtong-dugtong ang mga dahilan kung bakit ako pinaasa ng ganoon ni Alexander.

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko habang tinatahak ang gusali sa unang klase ko, simula nitong nalaman ko na si Vanessa pala ang girlfriend ni Alexander ay araw-araw sa pagpasok ko, bawat hakbang ay sobrang bibigat. Gusto ko na lang sumuko, gusto kong umayaw ngunit para saan at bakit pa? Naranasan ko naman na ang maaaring pinakamalalang maranasan ng isang tao...ang mawalan ng pamilya, maliit lamang itong nararamdaman ko kung para doon sa pagkawala ni Tata at kuya.

Kaya ko 'to...wala lang siya sa akin...sana. 

Ang hirap maging positibo, ang hirap lalo na kung nawala bigla iyong liwanag mo.

Ayoko na. Ayoko na ng mga bulungan ng mga tao kay Vanessa, palagi na lang siya ang pinaguusapan at hangga't maaari ay ayaw kong maalala na hindi ako ang girlfriend ni Alexander pero alam kong hindi mangyayari iyon...hangga't nandito ako sa Larkspur. 

Tulad ng dati ay naglakad ako papaloob ng KL Building ng nakayuko upang iwasan ang tinginan ng mga estudyante ng matigil na lang ako bigla dahil may nakita akong paa sa harapan ko na humaharang sa'kin ngayon, kahit ayaw ko ay napilitan akong itaas ang paningin ko sa taong iyon.

Sandali akong napaanga ngunit mabilis ko ring na-kontrol ang sarili ko kahit na tila hindi ako makahinga sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

Isang linggo...isang linggo na walang pakiramdam o kahit na ano, wala lang talaga ako para sa kaniya. 

Ang duga-duga talaga...bakit ba tayo nagmamahal ng mga taong wala namang paki sa atin?

Inayos ko ang mukha ko at diretsong tinignan si Alexander....iyong mukha nito na malaki ang ngiti, iyong mata niya na kumikinang.

Bakit siya ganito?

Bakit ba ang hirap hirap niyang maabot?

Bakit pa kasi siya ang inibig ko?

Nilunok ko ang laway ko at binaba na ang paningin ko, mabilis akong kumilos at lumiko upang lagpasan lamang si Alexander na sinisigaw na ang pangalan ko ngayon. "Mahalia? Mahalia! Mahalia!?" Sigaw nito ngunit mas binilisan ko pa ang takbo ko at dahil sa dami na rin mga estudyante sa hallway at liit ko ay mabilis naman akong nakaalis sa paningin ni Alexander.

Sandali akong napahinto sa isang gilid kung saan wala masyadong mga tao upang habulin doon ang hininga ko. Ang sikip...sobrang sikip ng dibdib ko.

Napapikit ako ng dalawang mata ko at naramdaman ko na lamang ang mga luha kong tumulo na lang bigla na mabilis ko namang pinunasan, wala nga lang iyon nagawa dahil patuloy lang ang mga luha ko sa pagpatak na akala mo ay isang ulan, malakas na malakas na ulan.

Ang sakit...ang sakit isipin na hindi naman magiging kami kahit kailan kasi hindi ko siya abot...malayo siya sa akin. Hindi mangyayari iyong gusto ko, siguro sa panaginip oo, p'ede ba, pero hanggang doon na lang iyon.

Hindi ko na ulit siya mahahalikan. 

Hindi ko na ulit maaaring isipin kahit sa isip lang na magiging kami kasi mali iyon.

That Probinsiyana GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu