Kabanata 22

8.6K 242 14
                                    


"Pero paano 'yan Alexander? May klase pa ako, may klase ka rin hindi kaya tayo palalabasin." Pagpipilit ko dito na maiba pa ang utak niya ngunit nang buksan na nito ang pintuan ng katabi ng driver seat ay alam kong wala na akong ibang magawa kundi ang umupo doon.

Mabilis na umikot si Alexander sa kabilang upuan upang maupo sa driver seat matapos iyon ay tinignan niya ako sandali. "Got ya Mahalia." Kumindat pa ito na nakapagpamula na naman ng dalawang pisngi ko.

"I'm a Larkspur remember?" Tanong nito kaya napasimangot na lang ako... kinakabahan ako kahit na alam kong wala namang masamang gagawin sa'kin si Alexander. Kinakabahan lang ako kasi baka...baka lumalim pa itong nararamdaman ko sa kanya at masaktan lang naman pala ako sa dulo.

Nanahimik na lang ako sa tabi nito habang patuloy siyang nagmamaneho na natigil lang nang hindi bumukas ang gate ng paaralan.

Palapit na sana ang isa sa mga guard upang tignan kung sino ang na'sa loob ng ibaba ni King ang bintana ng tabi nito at nagmamadling binuksan na agad ng iilang guard na nandoon ang sasakyan. "See?" Nakangiti nitong tanong sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ng itsura nito habang ako ay piplit na lang kumalma kahit tila sasabog na ang puso ko.

Bakit ba ako ganito tuwing kasama ko siya?

Malala na ba ako?

"Alexander?" Tawag ko dito na hindi nakatingin sa kaniya dahil sa hiya, sa harapan ko na lamang ipinopokus ang panignin ko, sa may kalsada.

"Yes?"

"B-bakit," Sandali pa ako huminto nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba ang tanong ko. "ang bait mo sa'kin?" Dagdag ko pa.

Hindi ko nakita ang eaksiyon nito. "Bakit ako magiging masama sa'yo?" Pabalik nitong tanong. "Calm on... don't be shy nor nervous just chill." Ika pa niya.

"S-saan ba tayo pupunta?" Hindi pa rin makatingin sa mata nitong tanong ko.

"Funfair. Perya." Nanglaki ang dalawang mata ko sa sagot ni Alexander.

"Agad?" Tanong ko pa.

"Agad." Kumpirma nito.

"Malapit lang ba iyon?" 

"Malapit lang." 

"May perya talaga?" Narinig ko ang mahina nitong tawa kaya kahit anong pagpipigil ko ay hindi ko na rin maiwasang titigan ito upang makita ang mala-anghel niyang mukha.

Hays. Ano bang ginagawa mo sa akin Alexander?

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Just wait and see." Sandali itong tumingin sa'kin upang ngitian ako na nakapagpalakas na naman ng tibok ng puso ko.

Makatao ba 'yong ngiting iyon?

Bakit ang perpekto niya?

Sandaling walang nagsalita sa'min ng ilang minuto ng muli ko na naman iyong basagin. "Alexander?" Tawag kong muli.

"Uhm?"

"Hindi ba sila magagalit sa'tin?"

"Sino?"

"Iyong mga guro natin."

"Hindi naman tayo mapapansing nawawala." Komento pa nito. "Gusto mo bang bumalik sa school?" Mabilis akong umiling kahit ang tingin niya ay na'sa harapan ng kalsada.

Gusto ko 'yong nararamdaman ko ngayon tuwing kasama ko siya.. gusto ko 'yong paglakas ng tibok ng puso ko tuwing ngumingiti siya sa'kin... gusto kong marinig iyong kalmado nitong boses na tila hinehele ako...gusto ko iyong segundong ito na kasama ko siya.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now