Kabanata 36

6.6K 113 77
                                    


Matapos namin panoorin ni Alexander ang halos tatlong oras na concert ng kung sino mang korean boy band daw ang nag-perform ay lumabas naman kami ng penthouse niya. Sinabi nitong nagpa-reserve daw kasi siya sa isa sa mga Restaurant sa unang palapag ng Hotel.

Kahit kanina pa natapos ang pagbigay ko sa kanya ng durex? Durex daw ay hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ni Alexander.

May mali!

Alam kong may mali dahil sa reaksiyon nitong nagulat ngunit noong tinanong ko siya kung ano iyon ay umiling lang siya at iniba niya agad ang usapan, kinuha naman nito ang binigay ko sa kaniya ngunit nakita kong agad rin nito iyong nilapag kung saan lang.

Nakakaloka, hindi ko alam kung ano iyon at kung baka nakakahiyang bagay pala iyon ay hindi ko alam ang gagawin kay Ate Carla! Baka kasi pinaglalaruan pala ako nito...magtatanong na lang ako kay Nanay Nerie mamaya kung ano nga ba talaga ang durex.

"Hey, you okay?" Tanong ni Alexander nang makababa na kami sa elevator at medyo mapanganga ako dahil ngayon ko lang nakita ang unang palapag...ngayon lang kasi ako dito nakapunta, doon kasi kami sa may Parking Lot madalas bumababa at diretso na kami agad sa elevator.

Hindi ko tuloy inaasahan na marami palang tao sa unahang palapag ng gusali, siguro ay kumpleto dito ang lahat. May mga bata, magkasintahan, matatanda at pati mga turista na may mga malalaking lagguage bag na hawak.

"Come on." Ngiti ni Alexander habang hawak-hawak niya ang kamay ko ngayon at pinapangunahan ako papunta doon nga sa tingin ko na Restaurant na sinasabi niya.

Hindi nga ako nagkakamali dahil ng makalipas lang ang ilang minuto ay pumasok kami sa isang kainan na sobrang sosyal, halos lahat ng tao doon ay naka-suit at ang mga babae naman ay nakasuot ng magagarang dresses, pakiramdam ko tuloy sandali na hindi ako nababagay doon.

Kung ako iyong Mahalia na hindi pa nakikilala si Alexander ay malamang yumuko na ako...baka ay sobrang lumakas na ang tibok ng puso ko ngunit hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

Ibang-iba.

Sobrang iba dahil sa alam kong katabi ko ngayon na hindi ako iiwanan kundi binibigyan ako ng ako ng lakas ng loob. Ang Alexander ko.

Sandaling nakipagtalastasan si Alexander sa isang waiter na nakasalubong namin at maya-maya pa ay nakita ko na lang ang sarili ko hawak-hawak pa rin ang kamy ni Alexander habang sinusundan namin iyong waiter.

Gusto ko nang magsalita at magtanong lalo na nang makita kong nakalabas na kami sa loob ng Restaurant ngunit pinilit ko na lang ang sarili kong manahimik.

Pinagkakatiwalaan ko si Alexander...alam ko namang hindi ako nito pababayaan. Pero ano naman kaya ang gagawin namin dito sa labas? Uhm.

Habang mas lumalayo kami doon sa Hotel ay mas naiintindihan ko naman ang mga pangyayari dahil unti-unti ay may nakikita na akong espesyal na dinner table sa loob ng isang tila tolda.

Napanganga ako nang sa wakas ay huminto na kami sa  paglalalakad at ng makita ko na ng mabuti ang loob ng tolda.

Halatang pinaghandaan ito ni Alexander at espesyal talaga ito dahil malayong-malayo kami sa loob ng Restaurant...tingin ko ay kinausap pa ni Alexander ang kung sinong namamahala ng Restaurant para lang magawa ito.

Napupuno ang buong tolda ng magagandang ilaw na nakakatulong sa buwan na magbigay sa'min ng liwanag...masarap rin ang simoy ng hangin dahil bukas ang tolda at wala na akong ihihiling pa ngayon.

Malaki ang ngiti kong hinarap si Alexander pagkatapos ay tinulungan na agad ako nito na umupo sa isa sa mga dalawang upuan na na'sa tapat ng mesa.

Sandaling walang nagsalita sa'min ngunit ilang segundo pa ang lumipas ay biglang  may inabot na sa'min 'yong kasama naming waiter na menu na kanina pa nitong hawak.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon