Kabanata 26

7.3K 230 19
                                    


"A-are you okay?" Sa boses lamang ni Alexander na biglang umutal ako tila nagising sa reyalidad na nandito pa pala ako sa loob ng klasrum at napapaligiran ng mga kaklase ko.

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko na tumango at nang pupunasan ko na sana ang mga luhang tumutulo sa dalawang mata ko ay inunahan ako ni Alexander, ginamit nito ang dalawang hinlalaki niya."God." Ika pa niya.

"What happened Mahalia?" Tanong nito nang tuluyan niya ng mapunasan ang mga luha sa pisngi ko. Inilingan ko si Alexander bilang sagot.

"W-wala Alexander."

"You sure sweetheart?"

Tumango ako dito pero mabilis kong iniangat ang ulo ko ng mapagtanto kong hindi niya ako tinawag sa pangalan ko, tinawag niya lang ba akong sweetheart?

Sweetheart?

Napasapo ito sa noo niya ng mapagtanto din ang sinabi niya. "I mean--- your name, Mahalia." Nahihiya akong tumango dito.

"Alexander?"

Tinignan ako nito na may halong pagtatanong ang dalawang mata.

"H-hindi ko na kayang...palawakin pa iyong paksa." 

Tinanguan lamang ako nito at binigyan ako ng isang malaking ngiti na tila sinasabi na 'wag na akong mag-alala. "I got ya, don't worry." Kinindatan niya ako at inilagay pa ang isang daliri sa may labi niya.

Binigyan ko na lamang ito ng nahihiyang ngiti at tahimik nang bumalik sa upuan ko upang hindi ko ito maistorbo sa paggawa ng essay na ako dapat ang gumagawa.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas bago pa natapos si Alexander ngunit ng iabot niya na sa akin pabalik ang yellow paper ko ay sigurado akong 'yon pa lang ang unang natapos sa lahat dahil nang sandali kong iikot ang paningin ko sa buong klase ay lahat sila nagsusulat pa rin.

Napaanga kong tinignan si Alexander.

Paano niya iyon nagawa nang ganoon kabilis?

"What?" Tanong nito sa bigla kong pagbibigay ng pokus sa kanya.

"T-tapos na 'to?" 

Tumango siya sa tanong ko. "Yup. Passed it now Mahalia para makalabas ka na... I'll bring you somewhere. Want an Ice Cream again?" Sandaling namilog ang dalawang mata ko na napalitan rin naman kaagad ng malaking ngiti.

Babalik ba kami doon sa fun fair?

Kakain ba ulit kami ng masarap at malamig na Ice Cream?

Nang biglang lumakas ang tibok ng puso ko ay hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa excitement na baka pumunta ulit kami sa fun fair o sa katotohanang makakasama ko ulit si Alexander ng matagal.

Nang tinahak ko na tuloy ang harapan ng klasrum kung nasaan ang guro kong may ginagawa sa loptop ay hindi ko maiwasan ang malaking ngiti ko. Sinabi kasi nito kanina na ang makakatapos daw ay makakalabas na agad. Mukhang wala pang nakakatapos at nakakahiyang mauna ngunit dahil sa sinabi ni Alexander ay tila nagkaroon ako bigla ng lakas...basta katabi ko lang siya, alam kong magiging maayos ako kahit anong mangyari.

Nang ilang hakbang na lang ako sa guro ko ay muntik na akong mapatakbo sa likod pabalik at magtago sa likod ni Alexander, paano ba naman kasi akala ko ay hindi ako nito napapansin ngunit bigla-bigla ay itinaas niya ang paningin niya sa akin at tinasaan ako ng isang kilay. "Done already?" Hindi man lang nito tinago ang halong pagtataka sa boses niya.

"O-opo." Sagot ko habang tahimik na nagdadasal na hindi niya na iyon tignan kundi ay tanggapin na lamang.

Sana...sana hindi niya na rin basahin kasi sigurado akong malalaman niyang hindi ako 'yon dahil 'di nga ako makabuo ng isang english na sentence.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon