Kabanata 41

6.4K 120 115
                                    


"Paano nga ba kasi naging kayo!?" Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na iyong natanong kay Alexander ngayong araw pa lang.

Sabado ngayon at na'sa penthose niya kami, tulad noong hindi pa kami nag-away balik na kami ngayon sa dati at halos araw-araw sa school man o kahit weekends ay kami na naman dalawa ang laging magkasama.

"Why does it matter? It's not like we were in a serious relationship. Laro lang 'yon bakit ba ang kulit mo?" Nginisian ako nito at pinasukan ng ubas ang nakaanga kong bibig. "Cute." Dagdag niya pa sa ginawa niya.

Nginuya ko muna iyong ubas bago nagsalita. "Gusto ko malaman! PAANO NAGING KAYO!?" Sigaw ko na dahil kanina ko pa ito tinatanong kung paano nga naging sila ng first girlfriend niyang si Vanessa ngunit hindi niya naman ako sinasagot. "Mahal mo pa siya ano?" Napatigil si Alexander sa pagnguya ng kinakain nitong ubas at hindi makapaniwalang tinignan ako.

"You serious?"

"Mahal mo pa siya? Kaya ayaw mong pag-usapan natin 'to?"

Napailing na lang ito at napataray sa kawalan. "I don't want to talk 'bout her or Stephen or anyone...gusto kong tungkol lang sa atin ang pag-usapan natin kaya pagkatapos kong mag-kwento hindi ka na mangungulit, okay?"

Mabilis akong tumango sa sinabi nito kaya ginulo niya sandali ang buhok ko "Good girl." Komento niya kaya nginitian ko siya at mabilis na hinalikan sa labi.

"Okay, where do I start?" Sandali pa siyang nagisip. "I knew her since we were babies, family friends. Almost everyone in our school are our family friends anyways." Sandali itong tumawa ng mahina. "Last year, we became friends. Close siya kay Stephen kaya iyon. Noong una binibiro lang nila kami? Pero to make the long story short we had sex in one of her father's resort." 

Nanglaki ang bunganga ko sa biglang sinabi nito kasabay ang mata ko.

Sex? Sex? Iyong paggawa ng baby?

Paano!? Ang bata-bata pa nila!?

Natawa si Alexander sa reaksiyon ko at sinara ang pagkakabuka ng labi ko sa pagtulak nito sa baba ko pasara. "It's just a fuckin' sex, nothing more, nothing less. Casual sex lang. It's both our first time."

"Alexander!" Saway ko na dito. "Ayokong marinig iyong parteng iyan!" Sabay takip ko ng tenga at tinignan ito kung isasara niya na ang bibig niya, nang ginawa niya na iyon ay doon ko pa lang inalis ang mga kamay ko sa tenga ko.

"Paano mo maiintindihan?"

"Basta!"

"Okay." Napailing na lang ito at mahinang tumawa. "Well--- I thought casual lang iyon, pero sineryoso niya. After that incident, lagi niya na akong sinusundan, she acts like we were married or something. Nakakasakal. Ewan kung bakit naging kami, hindi ko alam kung dahil sa pangutngutya ng friends namin or na-enjoy ko rin."

"Enjoy?" Tanong ko.

"The sex."

Namumula ang pisngi ko na tumango na lamang dito.

Tiga-Manila si Alexander kaya baka normal lang iyon sa kanila? Pero sakin...hindi iyon pede, ayaw kong magka-anak bata pa ako.

Nginitian ako nito at hinaplos iyong umiinit ko pang lalong pisngi. "When I'm with her I felt horny all the time... sorry for the word sweetheart but that's honestly what I always felt. But when I'm with you? I don't feel the need to kiss you every minute...your smile, your face and your presence are just enough for me." 

Mabilis akong hinalikan ni Alexander sa labi at inalok pa ng ubas na kinakaiin nito ngunit tinanggihan ko siya dahil sa hiya. Hindi ko tuloy magawang tignan ito ngayon sa mata.

"Okay ka na?" Tanong ni Alexander. "Ikaw naman kuwentuhan mo ako sa first boyfriend mo." 

Napangiti ako sa tanong nito. "Kaharap ko siya ngayon." Binalik ko na ang paningin ko kay Alexander at nilagay ang isang daliri ko sa kilay nitong nagbibigay sa kaniya ng seryosong imahe, binaba ko rin agad ang mga daliri ko sa ilong naman niyang kinaiinggitan ko sa tangos. "Gwapo siya Alexander, mapupula iyong labi niya...malambot rin kaya masaya ako tuwing hinahalikan niya ako." Sabay paggigil ko at niyakap na lang ito ng mahigpit, nakaupo kami sa kama niya at hanggang sa dibdib lang naman ako nito abot tuwing niyayakap ko ang malaki niyang katawan. "Mahal ko siya."

"Mahal ka niya rin...sobra." Ika naman ni Alexander. "Your first boyfriend's love is just getting stronger everyday Mahalia...he doesn't even know how is that possible." Medyo nilayo ako sandali ni Alexander upang makita nito ang mukha ko at maya-maya pa ay ibinaba niya na ang mukha niya sa akin upang bigyan ako ng halik sa noo ko na bumaba sa ilong hanggang sa wakas, sa naghihintay kong labi.




****



"Ilang babies gusto mo Alexander?" Bigla ko na lang naisip na tanungin habang kinakain ko iyong niluto nito ngayon na hapunan namin. 

Nakalimutan ko na kung ano ang tawag doon ni Alexander dahil ngayon ko lang iyon narinig pero mukhang chicken lang naman iyon na may kanin na kakaiba ang kulay. Masarap magluto si Alexander, 'di ko nga masagot kung mas masarap ba iyong luto niya o 'yong labi niya 'e.

Perpekto talaga siya at ang suwerte ko.

"Why? Gusto mo na?" Asar nito kaya mabilis akong umiling at nilunok muna ang nginunguya kong pagkain bago ipagtanggol ang sarili ko.

"Nagtatanong lang!"

"Okay." Nagkibit balikat siya at halatang hindi naman naniniwala. "I don't know...kung ilan gusto mo, ayon din ang gusto ko." Sabay ngiti niya sa akin.

Nginitian ko ito pabalik. "Bakit ba ang bait-bait mo?"

Natawa siya ng mahina, mabuti na lang ay hindi ito kumakain at pinagmamasdan lang ako dahil palatawa siyang tao.

"Ewan. Everyone's asking me that. It's just that...I believe there's good in every one? We just need to understand them. Masyado nang magulo ang mundo...bakit pa ako sasali?" 

Tumango na lamang ako.

"Hindi na ako ang lowest kahapon sa English test namin." Bigla ko ulit sabi.

"Good. How's your score?"

"Thirty-two over fifty sir." 

Natawa ito ng mahina. "Sir? Isn't weird calling your boyfriend sir?"

"No...I don't think so." 

Kinindatan ako ni Alexander sa sagot ko."You're getting better sweetheart. Next time you'll perfect those shitty exams." 

Napakunot ako ng noo. "Shitty? Bakit? Why?" 

"Ugh," Kumamot ito sa batok niya. "I don't like examination, I don't like the fact that it just tests how good your memorization is rather than your intelligence." 

Tumango ako sa sinabi ni Alexander at napangiti na lang dito. Magsasalita na sana ako ng bigla akong mapahinto dahil sa biglang rinig naming may nag-bell.

Napatingin ako doon sa may pintuan pabalik kay Alexander na mabilis ring tumayo. "Wait here." Ika niya sa'kin at iniwanan na ako upang buksan nga iyong pintuan.

Malaki ang ngiti ko habang iniisip 'yong mga pinagsamahan at pinag-usapan namin ngayon lang ni Alexander ng biglang mawala iyon ng makita ko ang babaeng pumasok sa penthouse.

Si Vanessa.

That Probinsiyana GirlWhere stories live. Discover now