Kabanata 55

5.5K 102 38
                                    


Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ipikit na lamang ang dalawang mata ko na akala mo sa pagpikit kong iyon ay mawawala iyong sakit ng nararamdaman ko... pero hindi ba okay na iyon? Hindi ba't mas ayos na iyon kaysa sa makitang pinagtataksilan ka ng taong mahal mo at inaasahan mong hindi ka lolokohin?

Nagsisimula nang mahulog ang mga luha sa dalawang mata ko ng bigla na lamang akong mapatigil dahil sa pagkakarinig ko sa boses ni King.

"Giovanni." Tawag niya sa isang pangalan.

Giovanni? Ano daw!?

Agad kong pinunasan ang luha ko.

Doon ko pa lamang nakita ang lalaking kasing katawan ni Alexander dahil mabilis itong lumayo sa dalawang babae na katalik niya at sinuot na ang short nito na na'sa lapag lang kanina, malaki ang ngiti nitong naglakad papunta kay King ng sandali siyang mapahinto dahil malamang ay napansin nito ang maliit kong kabuuan na katabi lang ni King.

Habang lumalapit siya ay doon ko napagtanto na hindi lamang siya kasing katawan ni King ngunit parehas na parehas rin sila ng matangos na ilong at itim na itim na mata! Akala ko ay halos iisa lang ang mukha nila ni Alexander ng sa wakas ay makalapit na talaga ito at napagtanto ko na hindi naman pala sila gaanong magkamukha, sa malayo ay siguro mapagkakamalan silang iisa ngunit sa malapitan ay mapapansin mo na nag pagkakaiba nila. Ang kilay ni Alexander ay mas makapal, samantalang ang labi ni Giovanni ay mas manipis naman, ang bibig nila ay hindi rin parehas ng sukat.... Ang hindi ko lang maitatanggi ay parehas na nakakamatay ang kagwapuhan nila ni Alexander.

"You brought a girl cous? Thanks but no thanks... you know I don't do short girls." Panglalait pa nito sa tangkad ko matapos niya akong suriin sa paa hanggang ulo.

"No."

"Yeah, then why are you here?" Itinaas ni Giovanni ang isa niyang kilay na parang si Alexander lang....oh my god.... agad akong tinaasan ng balahibo sa biglang pumasok sa isipan ko.

Magkapatid ba sila!? Kaya pala pamilyar ang Giovanni... ito ba iyon? Iyong kapatid niya sa ama?

Siya ba!?

"She's your brother's girl."

Tama nga ako...kapatid nga ito ni Alexander. Ang kaniyang nakakabatang kapatid.

Nangliit ang mga mata ni Giovanni na tinignan ako. "Fuck." Mura niya.

Talaga bang na'sa dugo nila ang mahilig magmura? Kasi kahit hindi naman kailangan 'e mura sila ng mura!

Mas lumapit na si Giovanni at sinuri ako, nagulat pa ako ng bigla nitong itaas ang kamay niya at itaas ang panga ko upang tumingala ako at makita ang mukha niya gamit lamang ang isang daliri nito.

"Fuck." Mura pa nito ngayon diretso sa mukha ko kaya mabilis akong umatras palayo dito. "Dinala dito ni Alexander!?" Gulat nitong tanong patungo kay King.

Alexander?

Nasaan ang paggalang niya kay Alexander ko?

Bakit wala man lang 'kuya' sa simula ng tawag niya?

"Ask your older brother what her hoe is doing here." Matalim na sagot pa ni King. "Where is he anyways?"

Nalipat na sa akin ang paningin ni Giovanni na tila hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. "This is my brother type of girl? Seriously King?"

"Fuck, yeah." Natatawang sagot ni King. "Where's your brother?" Ulit niyang tanong na nakapagbalik ng paningin ni Giovanni sa kaniya.

Napatahimik na lamang ako at napakagat ng ibabang labi habang kino-kontrol kong hindi umiyak sa mga lait nila sa harapan ko.

That Probinsiyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon