Kabanata 14

24.8K 1.6K 1.1K
                                    

WALANG imikan sina Choleng at Clarita habang sila ay naglalakad papasok sa Calle Ezpleta. Nakasunod naman sa kanilang likuran sina Celerina at Luvidila na gaya nila ay tahimik din. Nasaksihan din kasi ng dalawang tagapagsilbi ang ginawa ni Choleng kaya hindi pa nakaka-move on sa naganap ang kanyang mga kasama. Lahat ng mga taong nakasasalubong ni Choleng ay nakangiti at magiliw na bumabati sa kanya.

Sa katunayan, doon pa lamang sa merkado ay daig pa ni Choleng ang artista na pinagkakaguluhan. At siya naman, muntimang sapagkat na-extend ang pagiging feelingera niyang girlfriend kuno ng Gobernador-Heneral. Simula nang i-announce niya iyon sa lahat ay mabilis na kumalat na tila ba sunog ang chismis na iyon. Kaya habang wala pa sila sa hacienda, sasamantalahin na ni Choleng ang sandaling iyon.

"Ikinagagalak naming makilala ang kasintahan ng Gobernador-Heneral." Nakangiting pagbati ng mga ta okay Choleng.

"Salamat po. God bless me." Isang alanganing ngiti ang iginanti naman ni Choleng sa mga tao.

Yeah, God bless talaga sa kanya sapagkat batid niyang mayayari talaga siya kay Lucas kapag nabatid ng binata ang tungkol sa maling aliwaswas na iyon. Wala pa namang kaalam-alam iyong tao na nagkaroon ito bigla ng instant girlfriend at kasalanan niya iyon kung bakit naging talk of the town ang love life ni Lucas. Grabe, nagtatrabaho iyong tao nang marangal, pagkatapos, gagawan lamang niya ng issue ang kapita-pitagang Gobernador-Heneral?

Simulan na kaya niyang maghukay ng kanyang libingan?

"Magandang tanghali, Binibini. Tunay pala ang nakarating sa amin na balita na kay ganda nga ng kasintahan ng Gobernador-Heneral. Ako ay nagagalak na ikaw ay aking makilala."

"You're welcome. Imbitado ka na sa kasal ko." Binigyan pa ito ni Choleng ng alanganing ngiti. Sige! Push mo pa, Choleng!

"Napakapalad ng Gobernador-Heneral na makatagpo siya ng isang magandang dilag na mula sa isang magandang angkan."

"Choco mucho po."

Nagsalubong lamang ang kilay ng mestizang ginang sa kanyang naging tugon.

"'Di ba, choco mucho po ang maraming salamat sa wikang Kastila?"

Natawa ang ginang kay Choleng. Tila natuwa pa ang ginang sa kanyang patawang-kalbo. "Naku, hija. Muchas gracias ang maraming salamat sa wikang Kastila, hindi choco mucho. Ano pala ang ibig sabihin ng choco mucho?"

"Ahm...ano, joke lang po 'yon...muchas gracias na lang po. Imbitado rin po kayo sa binyag ng mga anak namin ni Lucas."

Grabehan na ito, Choleng!

Tuluyang natawa ang ginang sa kanya bago siya tuluyang nilagpasan. Sasabunutan talaga siya ng kanyang nanay kapag nabatid nito ang pinaggagagawa niya!

"Ito na talaga, Choleng, ang nakakalurkey na kahihiyang ginawa mo sa buong buhay mo!" Hindi napigilang kausap niya sa kanyang sarili.

Subalit habang papalapit nang papalapit sila sa bulaos patumpa sa Hacienda Rueda ay nagsisimula na ang parada ng kaba sa kanyang dibdib.

"Ano sa tingin mo, Clarita? Alam na kaya ito ni Lucas?"

"Kalat na ang balita sa buong Maynila, Binibini."

"Maaaring nakarating na marahil ang tungkol sa paksang iyon sa Senyorito." Komento naman ni Ludivila.

Hindi naiwasan ni Choleng ang mapabuntong-hininga sa gitna ng kanyang kaba. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng maaari niyang idahilan, eh, ang ipagkalat pa sa buong merkado na siya ang kasintahan ng Gobernador-Heneral? Kung hindi ba naman siya kalahating stupid at kalahating dumb, eh, 'no?

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon