Kabanata 44

17.7K 898 625
                                    

"CLARITA, labis akong humihingi sa iyo ng paumanhin tungkol sa aking mga nasabi kahapon. Hindi ko ibig na saktan ang iyong damdamin. Ngunit umaasa pa rin ako na ako ay iyong patatawarin." Hininging paumanhin ni Joaquin kay Clarita na bahagyang nakayuko ang ulo habang ang isang kamay nito ay may hawak na isang piraso ng puting rosas. He's waiting for Clarita to reach the rose and accept his sincere apology.

Katatapos lang nina Choleng at Clarita magmiryenda nang katukin sila ni Liwayway—nakatira lang sa katabi nilang silid. Sinabihan sila na may isang guwapong guwardiya sibil daw ang naghahanap sa kaibigan ni Choleng at madali naman niyang natukoy na si Joaquin 'yon dahil bukod kina Rafael at Lucas, alam niyang si Joaquin ang huling hahanap sa kaibigan niya.

Nang hindi kumilos si Clarita para tanggapin ang rosas na iniaabot ni Joaquin ay palihim namang siniko ni Choleng ang kaibigan para ipaalam dito na tanggapin na nito ang paumanhin ng binata. Akala nga ni Choleng ay hindi na talaga papansinin ni Clarita ang rosas, pero sa huli ay nilapitan ng kanyang kaibigan si Joaquin at malugod nitong tinanggap ang puting rosas dito. Iyon na rin ang hudyat upang iangat ni Joaquin ang ulo nito sa bahagyang pagkakayuko at nahihiyang tiningnan si Clarita.

"M-Maraming salamat sa iyong pagtanggap sa rosas na iyan. I-Ibig ba nitong sabihin ay pinatatawad mo na ako?"

Isang marahang pagtango ang isinagot ni Clarita.

"Pinatatawad na kita, Joaquin."

Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Joaquin.

"Ibig ko ring humingi ng paumanhin sa aking inasal kahapon. Alam ko namang matalik mong kaibigan si Kuya Rafael kaya nauuwanaan ko kung bakit ganoon mo na lamang ipagtanggol ang aking kapatid. Subalit, nasaktan din ako sa iyong mga binitawang salita laban kay Kuya Lucas. Kahit na kilala siya sa buong bansa bilang pinakamasama at pinakamalupit na pinuno, sa kabila ng kanyang matapang na pisikal na kaanyuan, alam kong siya ang mayroong sensitibong damdamin sa aming magkakapatid. Naramdaman ko iyon nang minsang lumuhod siya sa aming harap ni Kuya Rafael mapatawad lamang siya at ayaw ko na iyong makita pa sa kanyang mukha na nasasaktan kaya umaasa ako na sana nauunawaan mo kung bakit ganoon na lamang ang aking reaksyon sa iyong mga sinabi. Paumanhin." Malungkot na paliwanag ni Clarita rito.

"Hindi ko dinamdam ang iyong mga sinabi sa akin kahapon. Mayroon din naman akong naging kasalanan at pangako, hindi ko na iyon uulitin. Ayaw ko rin namang nakikita kang nalulumbay dahil ako rin ang nasasaktan lalo pa at ako ang dahilan ng iyong ikinagagalit."

"Wala na iyon sa akin Joaquin. Tinatanggap ko na ang iyong paumanhin. Maraming salamat dito sa puting rosas." Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Clarita. "Napakaganda..."

Sumilay din ang nahihiyang ngiti sa mukha ni Joaquin at medyo namula pa ang pisngi.

Bakit ang cute mag-blush ni Joaquin?

"Mas higit kang maganda kaysa sa rosas na iyan..."

At ang mga tinamaan ng lintek na pana ni Kupido! Initsapwera na si Choleng ng dalawa nang mapansin niyang hindi na nag-iimikan sina Clarita at Joaquin. Tanging sa mga tingin na lamang nag-uusap at tila gumawa na ng sariling mundo dalawa.

Ang sakit! Kinalimutan na ng dalawa na merong Choleng na nag-e-exist sa tabi-tabi!

"Ahem! Ahem!" Nananadyang pag-ubo ni Choleng. "So ano na? Magtititigan na lang kayo ganern? Eh kung mag-aminan na lang kaya kayo para naman hindi na lang hanggang titigan 'yan?"

Pero walang sumagot isa man sa mga 'to.

"O kung gusto niyo, ako na lang magbubuking. Tutal kanina pa ako inip na inip—"

"H-Hindi na kailangan Choleng." Mabilis na tugon ni Joaquin. "Sapagkat bukod sa paghingi ng paumanhin sa iyong kaibigan ay handa na rin akong aminin sa kanya ang lahat."

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon