Kabanata 20

26.4K 1.6K 757
                                    

GABI. Nagising si Choleng nang hampasin ang sarili niyang pisngi nang may dumapong malanding lamok at sinubukan siyang aswangin. Ipinagdasal na lamang ni Choleng ang kaluluwa ng nasawing lamok sa kanyang kamay bago siya tuluyang bumangon sa kanyang hinihigaang papag at pinagmasdan ang kanyang paligid.

May isang lamparang nakita si Choleng na nakapatong sa ibabaw ng mababaw na mesa na yari sa kawayan. Iyon ang nagsisilbing liwanag sa buong kubo at iyon lamang din ang nag-iisang bagay na interesante sa kanyang paningin. Wala kasing kalaman-laman ang kubong iyon maliban sa lampara, papag, mesa, durungawan, at kawayang sahig. Sobrang nakababagot. Ingay lamang ng mga kuliglig ang maririnig sa buong paligid. Sa totoo lamang, nagsisisi siya kung bakit pinagpilitan pa niyang tumakas sa Hacienda Rueda.

Kung hindi siya tumakas, hindi siya madarakip at hindi siya sa papag ngayon matutulog. Isa pa, hindi siya sanay sa ganoong pook. Malamok, makati, walang malambot na kama, at komportableng kumot. Taga-Basey, Samar ang Mama niya at taga-Lopez, Quezon naman ang kanyang Papa. Subalit ni minsan ay hindi pa niya naranasan na matulog sa kubo. Modernong bahay-pahingahan ang mayroon sila kaya hindi siya sanay na mamuhay sa isang kubo.

Pinagalitan din siya ni Joaquin kaninang tanghalian nang hatiran siya nito ng kanyang makakain. Humiling kasi siya ng kutsara at tinidor. Subalit sinermunan lamang siya ni Joaquin na huwag daw siyang mag-inarte sapagkat habang nananatili siyang bihag ng pangkat ay hindi raw siya nito ituturing na isang Senyorita. Tss! Kung puwede nga lamang sanang batukan ang lalaking iyon ay baka nagawa na niya. Kaso hindi naman maaari. Kapag ginawa niya iyon, maaaring totohanin na ni Joaquin ang sinabi nito sa kanya kaninang tanghali na tatalupan daw siya nito nang buhay.

Ewan ba niya sa isang iyon! Laging naka-mega phone at mainit ang ulo sa kanya, eh, wala naman siyang ginagawang masama sa lalaking iyon. Nananahimik nga lamang siya sa kubong iyon ngunit kung makatingin sa kanya, eh, tila ba ibig siya nitong ibaon nang buhay sa hukay. Pasalamat ang Joaquin na iyon at guwapo, kung hindi ay naku! Magsu-Super Saiyan times four, times four na talaga siya!

Sa labis na pagkabagot ay nagpasyang tumayo si Choleng sa papag at dumungaw siya sa nakaangat na takip ng durungawan. Saka lamang niya napuna na marami palang mga lalaki sa labas na mahimbing nang natutulog. Kanya-kanya silang may latag ng dahon ng saging na nagsisilbing sapin sa likod at may munting siga sa gitna upang magbigay liwanag sa madilim na paligid. Muli nawang magmumukmok si Choleng sa papag. Ngunit alipalang may kaisipang namutawi sa kanyang isip. Tamang-tama! Magandang oportunidad iyon upang makatakas!

"Ang talino mo talaga, Choleng!"

Yes! Tatakas siya! Sa ikatlong pagkakataon. Haha! Pero promise talaga, mga tsong! Magiging matagumpay na talaga ang kanyang pagtakas. Titiyakin niya iyon. Saka, hatinggabi na at tulog na rin ang mga kalalakihang kasama niya sa paligid ng kubo. Idagdag pa na wala na siyang tali sa kamay at paa. May lamang pagkain na rin ang kanyang tiyan. Kaya sasamantalahin ni Choleng ang pagkakataong iyon upang tuluyang lumayas sa pook na iyon.

Marahang pumanaog mula sa papag si Choleng. Dahan-dahan din niyang inihakbang ang kanyang mga paa sa sahig upang hindi siya makalikha ng ingay na gigising sa mga tao mula sa labas. Narating naman kaagad ni Choleng ang pinto ng kubo at nasasabik niya iyong binuksan. Subalit mabilis ding bumagsak ang kanyang mga balikat nang makita niyang may taong nakasagwil sa kanyang daraanan. Nakaupo ang lalaki sa unang baitang ng hagdan ng kubo at nakatalikod sa kanyang gawi.

Hindi naman nagtagal ay narinig niya ang lalaki na nagsalita. "Gabi na. Bakit ikaw gising pa?"

Oh, no! Si Rafael pala! Huhu! Tapos na ang kanyang maliligayang araw!

"A-Ano...ahm...kasi..." putakteng iyan! Wala siyang maisip na palusot!

"Kasi..?"

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon