Kabanata 30

27.1K 1.3K 279
                                    

"MAGMULA sa araw na ito, ibig kong makatanggap ng araw-araw na ulat mula sa mga gawaing inatang sa inyo ni Sarhento Manriquez." Iyon ang mahigpit na kautusang binitawan ni Tenyente Ruiz habang kaharap ang pangkat ng mga guwardiya sibilI sa loob ng Cuartel Guardia Civil. Isa iyong himpilang gusali kung saan doon idinudulog ng mga tao ang kani-kanilang mga hinaing at iba't ibang mga kasong kriminal.

Pinupulong ng mga oras na iyon ni Rafael ang mga guwardiya sibil. Iyon ang paraan ng Tenyente upang masubaybayan nito kung sino-sino sa mga nasasakupang guwardiya sibil ang sumusunod sa utos. Noong isa pa lamang na sibilyan ang binata at wala pang katungkulan ay walang ibang napupuna si Rafael sa mga guwardiya sibil kundi ang magkuwentuhan, mag-inuman, mangikil, manakit, at mang-abuso. Ngayong isa nang Tenyente si Rafael, hindi na hahayaan ng binata ang ganoong uri ng kalakaran.

"Nais kong tiyakin na ginagawa nga ninyo nang buong husay ang inyong mga tungkulin. Bilang bago ninyong Tenyente, ibig ko ring baguhin ang masamang imahe na tumatak sa isip ng mga mamamayan sa mga guwardiya sibil. Nitong mga nakalipas na araw ay sinimulan kong pag-aralan ang mga kaso na noon ay iniulat dito sa kuwartel. May ilan sa inyo ay sangkot sa iba't ibang mga gawaing ilegal na isinawalang bahala.

"Madalian ding ipinasara ang mga kasong iyon ng inyong dating Tenyente nang dahil na rin sa panunuhol na kanyang natatanggap mula sa mga akusado. Subalit sa puntong ito, hindi ko hahayaan ang ganitong maling gawain. Magbibigay ako ng karampatang kaparusahan sa mga guwardiya sibil na mapatutunayang gumagawa ng kamalian sa batas. Nauunawaan ba ng lahat ang aking mga ipinahayag?" Dagdag pa ni Rafael.

"Aming nauunawaan, Tenyente!" Sabay-sabay na tugon ng limang kaibigan ni Rafael na nakahanay lamang sa unahang hilera.

Tanging ang pangkat lamang nina Joaquin ang tumugon sa pahayag ni Rafael habang ang iba namang mga guwardiya sibil ay tila ba bingi na walang narinig. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rafael. Nawaglit din pala sa isip ng Tenyente, mga Kastila pala ang iba sa mga guwardiya sibil at tanging sina Joaquin lamang ang tanging nakaiintindi.

Kaya walang nagawa si Rafael kundi ang isalin sa wikang Kastila ang mga paalalang kanyang binanggit mula sa umpisa. Halo-halong reaksyon naman ang natanggap ni Rafael sa mga Kastilang guwardiya sibil. May ilan sa mga guwardiya sibil ang nagulat, namangha, at may iba naman na tila ba nayabangan sa ginawa ng Tenyente. Subalit hindi na lamang iyon pinuna ni Rafael.

"¿Todos ustedes entienden?" (Do you all understand?) Muling tanong ni Rafael sa mga guwardiya sibil matapos isalin sa Kastila ang mga paalala.

"¡Entendemos, Teniente Ruiz!" (We understand, Lieutenant Ruiz!)

"¡Qué arrogante!" (How arrogant!) Saad naman ni Desiderio Esqueda—na mas kilala sa tawag ng ibangguwardiya sibil na Derio na isang mestizo—na may himig na yamot satinig at kasalukuyang pinupukulan ng masamang tingin si Rafael. "Ako naang nagsasabi sa iyo, indio, hindi mo mahihigitan ang pamumunong ginawa ni Tenyente de la Cuesta at hindi kita kikilalanin bilang bago namingTenyente."

"Lalong hindi kailangan ng aming pinuno ang isang suwail na guwardiya sibil. Nariyan lamang ang pinto ng himpilan, bukas-palad na hinihintay na umalis ang gaya mong taliwas sa pagbabago." Pasaring na wika ni Joaquin.

Hindi naibigan ni Derio ang mainit na patutsada ni Joaquin. "Ako ba ang iyong pinaparunggitan, Joaquin?"

"Hindi ba halata?" Walang palikaw-likaw na pag-amin ni Joaquin nang lingunin ang gawi ni Derio. "Tutal hangang-hangang ka sa kawalang hiyaan ni de la Cuesta, bakit hindi ka na lamang tumabi sa kanyang hukay upang mayroon siyang nakakasama?"

Isang mahihinang bungisngisan ang nagmula sa pangkat nina Ignacio at sa iba pang guwardiya sibil. Subalit bago pa muling makapagsalita si Derio laban kay Joaquin ay maagap na iyong inapula ni Rafael.

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon