Kabanata 36

21.5K 1.1K 546
                                    

"NAKATITIYAK ka ba sa iyong sinabi, Maria?" Salubong ang kilay na paniniyak ni Lucas. Isang tango ang naging tugon ni Choleng habang nakatitig sa mga mata ng kasintahan.

"Oo. Kitang-kita ko na ikaw ang lalaki sa panaginip ko na paulit-ulit binaril. Hindi ko alam kung ano ang pinag-ugatan ng lahat kung bakit gano'n ang sinapit mo pero isa lang ang gusto kong sabihin sa 'yo." Kinulong niya sa mga palad niya ang mukha nito. "Mag-iingat ka Lucas." Isang nag-aalalang tingin ang binigay niya rito. "Sa tingin ko, hindi pa tapos ang panganib sa buhay mo kaya hangga't maaari, mag-iingat ka."

Marahang inalis ni Lucas ang kanyang mga kamay sa mukha nito saka siya pinakatitigan. "Sino? Sino ang taong papaslang sa akin?"

Bahagyang napayuko siya sa tanong nito. "Paumanhin. Hindi ko nakita kung sino siya."

"Binitay na sina Anastacio, de la Cuesta, at Padre Hurtado. Kaya wala na akong maisip kung sino pa ang taong maaaring pumaslang sa akin. Maaaring isa lamang iyong payak na panaginip at walang anumang kahulugan iyon."

"Alam kong panaginip lang 'yon pero iba ang dating sa 'kin. Totoong-totoo na para bang nandoon din ako sa pinangyarihan ng pagpatay sa 'yo. Saka sinabi ko na ito sa 'yo noon, hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari sa buhay mo. Baka 'yong nakita ko sa panaginip ko ay maaaring nagpapahiwatig ng isang babala. Isang babala na dapat mong iwasan para hindi mangyari."

"Subalit paano ko iyon iiwasan kung hindi ko alam kung sino ang taong papaslang sa akin?"

"Kilala ka ng lahat bilang masamang tao Lucas. Kahit sabihin natin na may ilan sa mga nasasakupan mo ang sumusuporta sa iyo sa kabila ng kasamaan mo, marami pa rin ang may lihim na galit sa 'yo at handa kang patayin makaganti lang sila laban sa 'yo."

Mahigpit na hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.

"Wala ka bang nakitang anumang palatandaan na maaaring makapagturo sa taong may tangka sa aking buhay?"

"Kagaya siya ng kasuotan mo Lucas. Iyon lang ang naaalala ko sa suot niya at ang iba ay malabo na sa panaginip ko."

Mabilis ba nagsalubong ang kilay nito sa kanyang ipinagtapat.

"Isa ring Gobernador-Heneral?"

"Ganoon na nga. Isa ring Gobernador-Heneral ang papaslang sa 'yo."

Isa namang katok mula sa labas ng pinto ang pumutol sa kanilang pag-uusap kaya sabay silang napabaling doon.

"Gobernador-Heneral? Naririto sa labas si Binibining Lolita. Nais niya raw kayong makita at makausap." Boses iyon ng guwardiya sibil sa labas.

Biglang kinabahan at nataranta si Choleng nang malamang nasa labas lang ng opisina ang kanyang karibal.

"Bakit ba kasi ang wrong timing ng Lolita na 'yon—"

Hindi na siya pinatapos pa ni Lucas sa kanyang pagsasalita dahil tinakpan na ng kaliwang palad nito ang kanyang bibig at mahinang bumulong sa kanyang tenga.

"Huwag kang maingay, Maria. Hindi ka maaaring makita ni Lolita rito."

Inalis ni Choleng ang pagkakatakip ng palad nito sa bibig niya at muli niya itong hinarap.

"Nasa labas ng opisina mo si Lolita kaya paano ako makakalabas dito nang hindi niya nakikita?" Mahina subalit naiinis na tanong niya rito. "Alam mo, mas maganda kung gagawa ka ng schedule mo para sa aming dalawa hindi 'yong ganito na dapat nasa akin ang oras mo pero bigla siyang mang-iistorbo."

Hindi nagawang makatugon si Lucas sapagkat muli nilang naulinigan na may nagsalita mula sa labas.

"Lucas?" It's Lolita this time knocking on the door. "Paumanhin ngunit ako ay papasok na sa loob."

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon