Kabanata 50

16.5K 811 271
                                    

"WALA NA bang ibibilis ang takbong ito?" Mainit ang ulo at may kataasan na ang boses ni Lucas nang pagalitan nito ang pobreng kutserong kinakabahan sa estado ng mood nito.

"P-Paumanhin po. Ngunit hindi natin maaaring bilisan nang husto ang takbo ng kabayo. Maaari tayong mapahamak—"

"Sa akin, ikaw ba ay hindi natatakot?" Lalong lumala ang masamang mood ni Lucas kaya sumingit na si Choleng sa usapan ng dalawa.

"Lucas, ano ba?" Saway ni Choleng sa kasintahan. Katabi lang siya ni Lucas sa loob ng karwahe. "Hindi agad tayo makararating sa hacienda ninyo kung tinatakot mo si manong."

Si manong kutsero naman ang sunod na binalingan ni Choleng.

"Pasensiya na po, manong, kung puwede sana ay makikibilisan lang po nang kaunti ang takbo ng kabayo. Nagmamadali po kasi kami." Mahinahong pakiusap ni Choleng na malugod na sinunod naman ng kutsero.

Wala siyang komentong narinig kay Lucas. Marahil ay nakuntento na rin ito sa bilis ng takbo ng kabayo. Muling binalik ni Choleng ang tingin niya kay Lucas. Hayun na naman ang poker face nitong mukha. Hindi tuloy niya alam kung ano na naman ang tumatakbo sa isip nito nang mga oras na 'yon pero ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.

Kanina lang masaya pang nagkukuwento sa kanya si Lucas tungkol sa bonding time nilang mag-ama. Pagkatapos, sa isang iglap lang, pinawi lang nang masamang balitang iyon ang ngiti sa mukha nito. Magmula rin nang umalis sila sa paupahan ay hindi na niya ito nakausap dahil napansin niyang nananahimik na ito at hindi nagsasalita. Naisip niyang baka ayaw na muna nito na may kausap kaya hinayaan na lang niya si Lucas na tiisin na naman ang cold treatment uli nito.

Sa huli, pinili na lamang ni Choleng ang hawakan ang kamay nito at pinisil iyon. Kahit sa ganoong paraan ay maiparating niya rito na nasa tabi lang siya nito kahit na ano'ng mangyari.

Hindi naman nagtagal ay natanaw na nila ang Hacienda Rueda. May kalayuan pa lang ang kanilang sinasakyang karwahe ay natatanaw na ni Choleng ang mga bantay na guwardiya sibil na tila dumoble yata ang bilang. Naroroon din si Hidalgo at iba pang mga kaibigan ni Joaquin na kabilang din sa nakapalibot sa buong hacienda.

Nang huminto ang karwahe ay unang lumabas doon si Lucas at maingat siyang inalalayan nito upang makababa. Naging alerto naman ang lahat ng mga guwardiya sibil at sabay-sabay na sumaludo nang makita ang Gobernador-Heneral.

"Magandang araw, Gobernador-Heneral—"

"Ano ang maganda sa araw na ito guwardiya?" Bad trip na tanong ni Lucas nang makalapit ito sa isang minalas na guwardiya. "Masaya ka ba na pumanaw ang aking ama?" Lalong humigpit ang pagkakakuwelyo nito sa uniporme ng guwardiya na nagmamakaawa na sa takot.

"H-Hindi po. N-Nagkakamali po kayo..." nahihintakutang paglilinaw ng guwardiya.

"Lucas tama na 'yan. Binati ka lang naman. Walang ibig sabihin 'yon—"

Kaagad ding binitiwan ni Lucas ang guwardiya na nawalan ng balanse. Maigi na lang ay nasalo ito ng mga kapwa guwardiya.

"Lumayas kayo sa aking daraanan kung ayaw ninyong masaktan." Malamig na banta ni Lucas na nagdala ng kilabot sa lahat.

Mabilis na nahawi ang mga guwardiya na nakaharang sa harap ni Lucas. Bahagya pang yumuko ang mga ito upang magbigay-galang bago tuluyang pumasok sa loob ng hacienda ang Gobernador-Heneral. Ni hindi na rin nagawa ni Lucas na yayain siyang pumasok dahil na rin sa pagmamadali nitong puntahan ang ama nito.

"Segundo." Tawag ni Choleng nang makita niya ang binata na kasa-kasama sina Ignacio at Karyo. "Anong meron? Bakit ang daming guwardiya sibil dito sa labas ng hacienda?" Takang tanong niya sa tatlo nang makalapit siya.

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon