Kabanata 24

21.3K 1.5K 862
                                    

LAHAT na marahil ng mura sa mundo ay nabanggit na ng isip ni Choleng habang pinagmamasdan niya ang pinto ng kubo na gumagalaw sa bawat balyang ginagawa ni Lucas mula sa labas. Napapatlang na kasi ang isip niya at natatakot siya sa kadahilanang nasa labas lamang ang lalaking palaging nagpapakaba sa kanyang puso.

"Maria! Buksan mo ito!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Lucas mula sa labas at hindi pa rin sumusuko ang binata sa paggiba ng pinto.

Hindi siya tumugon. Napuna rin niyang na nagsisimula nang mabiyak ang kahoy na nagsisilbing kandado ng kubo. Kaya nagmamadaling nilapitan uli ni Choleng ang pinto at sinubukan niyang isagwil ang kanyang sarili roon upang hindi tuluyang masira ang kandado. Subalit siya naman ang nasasaktan sa bawat pagtulak ni Lucas ng pinto mula sa labas─

Napatili nang malakas si Choleng sa labis na gulat nang tumagos sa pinto ng kubo ang isang bala. Naramdaman din niyang dumaplis iyon sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy tumama ang bala sa kawayang pader ng kubo.

"Bakit ka nagpaputok?! Paano kung matamaan mo si Maria sa loob?" Galit na bulyaw ni Lucas.

"P-Paumanhin, Gobernador-Heneral.Ibig ko lamang na makatulong." Tugon naman ni Tenyente de la Cuesta habang mababakas sa tinig ang kaba nang dahil sa bulyaw ni Lucas.

"Tonto! Hindi maaaring mamatay si Maria, maliwanag? Gamitin mo iyang utak mo nang maayos!"

Mayamaya ay muling naramdaman ni Choleng ang pagbalya ni Lucas. Hanggang sa tuluyang nabiyak ang kandado ng pinto. Sinubukan pang ipinid ni Choleng iyon. Subalit higit na malakas sa kanya ang binata. Kaya nagawa pa rin ni Lucas na mabuksan ang pinto at muli na naman silang nagkaharap. May halo nang pag-aalala ang nakabalatay sa mukha ngayon ng Gobernador-Heneral. Marahil ay nakita nito ang sugat sa kanyang pisngi na gawa ng balang tumagos sa pinto kanina. Patuloy pa rin ang kaguluhang nagaganap sa labas ng kubo.

"Maria..." sambit ni Lucas na tila ba ilang taon itong nangulila sa kanyang pagkawala.

Sinubukan din siyang lapitan ni Lucas. Subalit umurong lamang si Choleng nang ilang hakbang habang puno ng nakabalatay sa kanyang mukha ang labis na takot.

"May sugat ka." Tukoy ni Lucas sa sugat sa kanyang pisngi.

"P-Pakiusap, 'w-wag kang lalapit." Nanginginig ang kanyang tinig na pakiusap niya kay Lucas.

"Sumama ka sa akin. Mapanganib na rito, Maria. Kailangan na ring magamot ang iyong sugat." Wika sa kanya ni Lucas habang nakalahad ang kamay nito sa kanyang harap.

Sunod-sunod siyang umiling. "A-Ayokong sumama sa 'yo! Masama kang tao!"

"Sila ang masama. Kasapakat nila si Clarita kaya ka naririto." Paliwanag ni Lucas upang makuha ang kanyang simpatya.

"Hindi sila masama! Kayo ang masama! Kayo ang dahilan kung bakit sila nagkakaganyan!" Paninisi niya kay Lucas.

"Hindi ito ang tamang oras upang tayo ay magpalitan ng argumento, Maria. Ang mahalaga ngayon ay ligtas ka na. Kaya sumama ka na sa akin." Nasa tinig ni Lucas ang pagpipigil na siya ay bulyawan.

Nainip si Lucas na hintayin abutin ni Choleng ang kamay nito. Kaya ang binata na mismo ang kusang lumapit upang hawakan ang kanyang braso. Nakipagmatigasan si Choleng at sinubukan din niyang bawiin ang kanyang braso. Subalit humigpit lamang ang pagkakahawak sa kanya ni Lucas.

"Huwag nang matigas ang iyong ulo! Lalo ka lamang mapapahamak sa pook na ito kung hindi pa tayo aalis!" Humulas na rin ang natitirang pasensiya sa kanya ni Lucas.

"Ayoko sabi!─"

Subalit ang walang hiya! Hindi siya pinakinggan ni Lucas. Kinaladkad pa siya nito palabas ng kubo habang siya ay hindi pa rin tumitigil sa pagkukumawala na kanyang ginagawa. Si Tenyente de la Cuesta naman ay inabala ang sarili na pagbabarilin ang iba pang mga kalaban na nagbabalak lumapit.

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon