Kabanata 69

16.8K 883 1.2K
                                    

NANLALABO pa ang mga mata ni Choleng nang dahan-dahan siyang magmulat. Makailang beses ding napakurap-kurap ang kanyang mga mata nang masilaw siya sa fluorescent light mula sa puting kisame. Nang makapag-adjust sa liwanag ang kanyang mga mata ay unti-unti na ring nanumbalik ang linaw ng kanyang paningin. Mayamaya ay dumako ang pansin niya sa dextrose na nakasalpak sa kanyang kamay.

Ramdam din ni Choleng ang pananakit ng buo niyang katawan maging ang pagkirot ng mga sugat na tinamo. Nalalanghap din niya ang pinaghalong amoy ng mga gamot maging alkohol sa buong paligid. Doon lang niya nakumpirma na kasalukuyan siyang naroroon sa loob ng isang private room ng ospital na pinagdalahan sa kanya. Hindi na rin nasundan ni Choleng kung ano ang nangyari sa kanya dahil nawalan na rin siya ng malay.

"Your daughter is safe now, Mr. Magsalin. We already removed the bullet on her left arm. We also treated again her other wounds that were not properly attended. Wala rin kaming nakitang anumang fractured sa kanyang katawan. Na-overfatigue din siya and she needs more rest so her body can regain back her energy."

Marahang ibinaling ni Choleng ang kanyang ulo sa kabilang gawi ng silid at nakita niya ang kanyang mga magulang maging ang kanyang kuya na kinakausap ng babaeng doktor para ipaalam ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Nakatalikod sa gawi ni Choleng ang kanyang pamilya kaya walang nakapansing gising na siya.

"Thank you so much, Doc, for giving us the update of her health. We were informed by the police that she was kidnapped after their class according to a woman who witnessed the scene before my daughter went missing that day and we are so grateful she came back alive." Malugod na pasasalamat ng ama ni Choleng habang masasalat sa tinig nito ang relief na ligtas siyang nakabalik.

"The kidnap incident was a huge nightmare for your daughter. She has been traumatized by what happened based from the injuries she gained from that incident. She really needs your love, care, and support. Those things will help her for her fast recovery." Dagdag pa ng babaeng doktora na nasa mid-forties.

"We will, Doc." Nakangiting tugon naman ng ina ni Choleng. "Alam kong iyon ang kailangan ng anak namin ngayon. Ever since she went missing, I can't eat properly and I never had enough sleep thinking about the safety of our daughter. Kung ano-ano na ring masasamang bagay ang tumatakbo sa isip ko na baka isang araw makita na lang namin siya na tinapon kung saan-saan na wala nang buhay. Kaya masaya ako na nakabalik siya sa amin nang ligtas."

"Iba na rin kasi ang panahon ngayon maging ang kabataan. Hindi gaya noon, isang beses mo lang sila pagsabihan o paluhurin sa asin ay sumusunod na agad sila. Ngayon, kulang na lang lumuwa ang mga mata ng kanilang magulang kasisigaw para ipaunawa sa kanila na mali ang tinatahak nilang landas. Hindi ko ito sinasabi dahil suwail ang anak niyo o nagkamali kayo ng paraan kung paano siya didisiplinahin kaya wala ako sa posisyon para husgahan ang sinuman. Ang sa akin lang ay pagbutihin niyo pa lalo na maging isang mabuting magulang para sa kanya. Marami sa mga bata ngayon, kung hindi maagang pinapa-abort o lumalaki sa ampunan ay namumulat naman sila sa mapang-abusong kamay ng mga tao. Kaya napakasuwerte ng anak niyo dahil meron siyang mga magulang na tulad niyo." Nakangiting komento ng doktora.

"You're right, Doc. Aminado rin naman kami ng asawa ko na makulit at pasaway din ang anak namin. Pero kahit gano'n pa siya ay tanggap pa rin namin kung sino siya and I really love our daughter."

"Ehem! And son." Singit naman ni Gabrielle sa usapan dahilan para matawa ang doktora.

"Huwag kayong mag-alala, magiging okay din ang lahat. Makabubuti kung sasabayan niyo rin ng panalangin para mapabilis niyon ang pagbuti ng kanyang kalagayan. Alam kong hindi pababayaan ng Panginoon ang inyong anak. Magtiwala lang tayo sa Kanya." Nakangiting payo ng doktora. "Puwede niyo na rin siyang i-discharge after four days para sa bahay na niya ituloy ang kanyang pagpapahinga. Anyway, if ever you encountered any problem, please don't hesitate to call me for further assistance. I'll go ahead so you can have your time with your daughter."

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon