Chapter 3

4.9K 141 6
                                    

Ziah's POV:)
Nagising ako dahil may naramdaman kong mabigat na nakadagan sa akin. Nung medyo hindi na ko makahinga, binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko na si Kuya Javier yung nakadagan sa akin. Feeling niya ba sobrang gaan niya kasi sinasabi ko talaga sa inyo, hindi siya magaan. Ginigising niya naman ako kasi may pasok na daw at kailangan ko nang magising sa katotohanan na hindi niya ko mahal. Joke.

Nung narealize ko na hindi siya aalis hangga't di ako bumabangon, tumingin ako sa bed side ko. Nakita ko namang nakapatong yung cellphone ko dun, kinuha ko yung cellphone ko at yun yung ginamit ko na pang hampas sa ulo niya. Napatayo naman siya habang nakahawak sa ulo niya, binigyan niya naman ako nang isang matalim na tingin. Napaupo naman ako sa kama ko at binigyan ko siya nang isang pilit na ngiti.

"Akala mo ba hindi masakit?!" Sabi ni Kuya na medyo pasigaw

"Akala mo ba ang gaan mo? Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag mo kong idamay sa kagaguhan mo." Sabi ko na may onting hint nang annoyance sa boses ko.

Padabog siyang lumabas nang kwarto ko. Nung nakalabas na siya nang tuluyan, dun lang ako tumayo at nagpunta nang CR. I did my daily routines, kailangan ko pa ba i-explain kung anong ginagawa ko sa CR?

~ TIME SKIP: SCHOOL ~

When we entered the gates of our new school, napansin ko na lahat sila nakatingin sa amin. Para naman nila kaming pinapatay sa tingin nila. Ano naman kasing tinitingin tingin nila? Para naman may malalaman sila na sikreto sa akin kapag tinitigan nila ako. Sarap dukutin nung mga mata nila.

After passing by a few hallways, naghiwalay na kami nang landas nila Kuya tsaka ni Z. Magkaklase naman sila so parehas lang yung way na pupuntahan nila. Ako lang naman nahiwalay sa kanila. Nagpapahatid nga ako sa kanila sa classroom ko e kaso parehas nila akong tinanggihan.

Sige, magsama silang dalawa. Napatigil naman ako sa dulo nang hallway, mukhang eto na yung last classroom dito. Napatingin naman ako sa signage na nasa tabi nang pinto ng classroom. Nakalagay dun Section F, mukhang hindi ako naligaw ah. This is the sixth and last section dito sa batch.

Huminga muna ako nang malalim bago ko hinawakan yung doorknob, mabagal ko naman itong binuksan. Sumilip muna ako sa classroom bago ako pumasok, muntik nang malaglag yung panga ko. Guess what! Lahat nang kaklase ko gwapo. Akala ko mamalasin din ako sa mga kaklase ko e.

"Look, there's another girl." Sabi nung isa kong kaklase

Tinignan ko lang siya nung sinabi niya yun, there's something different about this section though. Ang weird ng mga itsura nila kasi yung isa sa kanila may bandage sa wrist. Yung isa naman sa kanila may hawak nang teddy bear na mukhang ginawa nang unan. I mean that's fine pero anong klaseng section ba tong napasukan ko.

Dahan dahan ako pumasok ng room at nung pumasok na ko meron akong nakitang isang pamilyar na mukha. It's Mangaagaw. Nakasalamin siya ngayon, hindi niya kasi suot yan nung nagkita kami sa mall. He looks so different with his glasses on.

Napansin ko na pa C yung pwesto nila. Sobrang spacious sa gitna and wala ding nakaupo malapit sa pintuan. Sa gitna na lang siguro ako uupo dahil ayoko namang umupo malapit sa pintuan. Dahan dahan akong pumunta sa gitna at doon naupo.

Ang awkward kasi lahat sila pinapanood ang bawat galaw ko. Tatlo lang yata yung hindi nakatingin sa akin e. Parang feeling ko tuloy wala nang effect yung beauty ko. Yung mga hindi pumapansin sa akin ay si Mangaagaw na nakatingin lang sa labas nang bintana. Yung lalaking naka earphones then yung lalaking nagbabasa nang libro.

Nagulat naman ako nung may biglang tumabi sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, napaawang ng konti yung bibig ko. Ang ganda niya, she looks like a goddess. Parang ang sarap tuloy magpakatibo. Joke. Hindi natin pwedeng sayangin yung blessings na nasa paligid ko, ang daming gwapo tapos papakatibo lang ako?

"Hi there! I'm Dia Alvarez." Pagpapakilala niya na may kasamang malaking ngiti, nakalahad yung kamay niya sa akin

Tinanggap ko naman yung nakalahad niyang kamay at nakipag kamay sa kanya. Kawawa naman siya e, baka nangangawit na siya. Joke. I just want to have friends kahit isa lang.

"Hey, I'm Ziah Ong." Pagpapakilala ko naman at binigyan siya nang maliit na ngiti

Nagra-rhyme pala yung pangalan namin, infairness baka maging magka-close kami neto in no time. Baka amazona din siya actually halos lahat naman nang babaeng may pagka amazona e.

"So anong ginawa mo at napadpad ka dito sa section na to?" Tanong ni Dia habang nakataas nang konti yung kilay niya

Nagulat naman ako nung may biglang tumabi sa kabilang side ko. Si Dia kasi nasa left side ko nakaupo tapos etong lalaking kakaupo lang nasa right side ko naman.

"Curious lang din ako." Sabi nung lalaki

Ang weird niya but whatever. I think that I could handle him naman kasi you know, malay mo mas weird pa ko sa kanya. I'm not just comfortable in showing them that side of me yet.

"Mababa kasi yung grades ko." Sagot ko

Yun din naman yung dahilan kung bakit sila nandito diba? Eto lang naman yung purpose kung bakit nila ginawa tong section na to diba?

"Ang lame naman nang reason mo. I'm Viel Tan by the way. " Pangaasar sa akin nung lalaking katabi ko sabay pagpapakilala niya sa sarili niya

Ano namang lame dun? Pare-parehas naman kami nang rason kung bakit kami nandito. Baka gustong masabutan netong lalaking to.

"Ano namang lame dun? Pare-parehas lang naman tayo ng rason kung bakit tayo nandito sa section na ito." Sabi ko sabay irap sa kanya

Wala yatang magawa sa buhay to at nangaasar siya. Lakas mangasar pero kung makayakap sa teddy bear na hawak niya wagas, dinaig pa yata neto sanggol e.

"Actually, I'm not so sure about that." Sabi ni Dia

Bakit ba ko ine-english nang mga tao dito? Ano ba to? Nasa America na ba ko? Nakakanosebleed naman pala tong mga kaklase ko. Wala pa man din akong tissue, binigay ko na dun lahat sa mga taong may issue sa buhay. Joke. Okay, I'm sorry. My bad.

"Hindi lang naman mga taong may bagsak sa grades ang napapadpad dito e. Minsan mga violators din ng school rules. Kaya mag ingat ka. Di mo alam baka ikaw na bubugbugin nang mga tao dito." Sabi ni Viel

Bugbugan ba gusto nila? Why not? Palaban naman ako. Feeling gang ah. Gang-gangan pwede pa pero kung gang talaga tingin nila sa sarili nila, saksak na nila sa baga nila gang nila. Kala naman nila nakakatakot sila.

"Not even scared kahit pa sabihin mong gang sila." Sabi ko

Napatingin naman ako sa paligid ko. Nung napatingin naman ako kay Mangaagaw hanggang ngayon nakatingin parin siya sa labas ng bintana, ano kayang nakikita niya dyan? Tinanggal ko yung tingin ko kay Mangaagaw at napatingin naman ako dun sa lalaking naka earphones. Nagulat ako dahil napatingin din siya sa akin, blank lang yung expression na pinakita niya. Napaiwas ako ng tingin. Awkward. Tinignan ko naman yung lalaking nagbabasa nang libro, sakto binaba niya yung binabasa niyang libro. Parang sobrang bored na bored naman yung itsura niya.

Iniwas ko na yung tingin ko sa kanya at napatingin na lang ako sa iba kong kaklase. Iba iba yung mga ayos nang uniform nila, yung iba sa kanila maluwag yung necktie. Yung iba naman walang nakasuot na necktie, yung iba naman nakabukas yung buttones.

They all act weird. Sobrang weird din nang atmosphere dito. Para silang hindi binabantayan or pinagsasabihan ng teacher sa mga inaakto nila. I wonder what things will happen to me this school year.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
so nanonood ako ng anime tapos sabi ko gusto kong magsulat ngayon so here's a chapter for you guys!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant