Chapter 5

4.4K 122 2
                                    

Ziah's POV:)
Hinila ako ni Jin papuntang cafeteria, ilang beses kong sinabi sa kanya na hihintayin ko yung mga kaibigan ko. Ilang beses niya ring sinabi sa akin na magkakaiba yung schedule nang lahat ng sections ngayon. I had no choice, kaya sumama na ko sa kanya.

Kapag sinabi na ni Jin, let's admit it. We can't do anything to change his mind so wala akong magawa kundi magpahila na lang sa kanya. I'm also going to admit it, nagugutom na rin kasi ako. Nung nakarating na kami sa cafeteria, inupo niya ko sa isang table. Tinaasan ko lang siya nang kilay nung nakita kong hindi siya nakaupo.

"Stay here for awhile. I'll buy food for us." Sabi ni Jin

Tumango na lang ako, tinatamad na kasi akong maglakad. Kaya sige, siya na lang yung bumili. Ganito naman talaga ako pag nakaupo na, minsan mahirap na kong patayuin sa pwesto ko. Nagulat ako nung may biglang humawak sa wrist ko, napatingin naman ako sa kung sino yung humawak sa  akin. Hindi pamilyar yung mukha niya sa akin, hindi ko rin siya nakita kanina sa classroom.

"Wala ka yatang kasama, you could come with me instead then." Sabi nung lalaki, he had that creepy grin in his face

Hindi niya ba alam na nagmu-mukha siyang manyak dahil sa sinasabi niya? Hindi rin siya taga section namin dahil iba iba yung kulay ng uniform each section. Section 1- White, Section 2-Red, Section 3- Blue, Section 4- Grey, Section 5- Brown and Section F- Black. Yung suot nung lalaki ngayon is color Red na uniform so he's from Section 2.

"Ayoko nga." Matigas kong sabi

Bigla niya namang hinila yung wrist ko. Aray ah! Kala niya ba hindi masakit? Baka gustong makutusan neto. Pinilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sa akin pero nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay niya, mukhang sobrang higpit nung pagkakahawak neto. Napatingin naman ako, nakita ko si Ruki.

"Let her go kung ayaw mong mabasag yung mukha mo." Sabi ni Ruki with his monotonous voice

He has this dark aura around him right now, it's not like I'm scared. It's just weird. Why is he protecting me though? Hindi naman kami magkakilala. Bigla namang binitawan nung lalaki yung pagkakahawak niya sa akin. Bago umalis yung lalaki kwinelyuhan siya ni Ruki, nilapit ni Ruki yung mukha niya sa tenga nung lalaki; may binulong siya dito. Nung pinakawalan na siya ni Ruki, bigla siyang tumakbo papalayo.

Bigla namang tumingin sa akin si Ruki, blank parin yung expression niya. Nagulat ako nang bigla niya kong hilahin papalayo sa cafeteria. Teka lang naman! Kulang na lang kaladkarin na ko neto. May galit ba siya sa mundo? Kung meron wag niya na kong idamay.

I'm thankful dahil he helped me with the guy awhile ago but at the same time wala din namang nagsabi sa kanya na tulungan niya ako. So he did that on his own accord. Ano bang meron ngayon at ako yung napapagtripan nang mga tao? Alam ko namang gwapo siya pero grabe, ayokong bigla na lang akong hinihila.

Ilang minuto niya kong hinila, saan kami napadpad? Sa rooftop. Balak ba kong patayin neto? Kung meron pwede bang bukas na lang. Para malubos lubos ko na yung buhay ko ngayon. Masarap naman yung hangin dito but he's just ruining the mood. Mararamdaman mo kasi yung dark aura niya. What's his problem? Kung badtrip siya dahil tinulungan niya ko kanina well hindi ko naman hiningi yung tulong niya in the first place e.

"Do me a favor will you. Bakit hindi ka na lang umalis ng section namin? You're nothing but a nuisance to us." Sabi ni Ruki

Bakit ba ang dami niyang problema sa buhay niya? First of all hiningi ko ba yung tulong niya? Wala namang nagsabi sa kanya na tulungan niya ko? Kung gusto niya kong umalis, bakit hindi siya yung magadjust diba?

"Hindi ko naman hiningi tulong mo ah. Wala namang nagsabi sayo na tulungan mo ko in the first place. You helped me on your accord and then you have the guts to call me a nuisance. Kapal ng mukha mo, if you wanna get rid of me that badly; bakit hindi ikaw yung magadjust?" Sabi ko sabay irap

Tinanggal niya naman yung earphones niya. Narealize ko na ang lakas pala nung tugtog niya. Galing naman niya, narinig niya pa ko sa lagay na yan. Buti hindi pa siya bingi, rinig na rinig kaya yung kantang pinakikinggan niya e. Talas naman nung pandinig niya.

"We don't accept girls in our section." Sabi ni Ruki with his usual monotonous voice

Di tanggap? Why is Dia there then? Naglolokohan ba kami? Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin na hindi niya ko gustong makita dun sa section namin. Alam niyo kung hindi lang siya gwapo sinampal ko na siya.

"You don't accept girls in your section pero nandoon si Dia. She's a girl too so hindi din siya tanggap?" Tanong ko with a hint of annoyance in my voice

Wag siyang gumagawa nang ganyang dahilan dahil hindi yan gagana sa akin. It doesn't even make sense to me. Akala niya ba madadala ako sa mga ganyang dahilan? No.

"Dia has a brother in our section so she doesn't count in that rule." Sagot ni Ruki

Alam niyo napaka attitude talaga netong lalaking to no? Nakakairita na siya. Ayoko naman siyang patulan dahil alam kong masasayang lang yung effort ko.

"Nilagay ako sa section na to. You can't do anything to defy it. Kahit pa gusto kong umalis nang section na to, wala akong magagawa. Sad for you. Now, excuse me. Hinihintay na ko ni Jin." Sabi ko

Maglalakad na sana ako paalis pero bigla niya kong hinawakan sa wrist ko. Ano ba talaga yung problema nang lalaking to sa akin? Kung wala siyang magawa sa buhay, pwede bang wag niya kong idamay sa mga kalokohan niya.

"Wag mong kakausapin si Jin. Wala kang karapatan kausapin yung mga tao sa section natin." Sabi ni Ruki

Pati ba naman pagkausap ko sa mga tao sa section namin big deal sa kanya. In the first place hindi naman ako yung unang kumausap sa mga tao dun e. Tsaka ano ba siya boss?

"Alam mo naman yung salitang, Mind your own business diba? Kaya Mr. Sakamaki, Mind your own business. May sarili ka namang bibig no? Kaya pwedeng bibig mo na lang ang pakielaman mo." Sabi ko

Tinanggal ko yung mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko at bumaba na ko from the rooftop. He is normal pero masyado lang talaga malaki yung galit niya sa mundo. Kung may galit siya sa mundo, wag niya na kong idamay. Hindi naman ako tao. Alien ako! Alien.

Sure akong hinahanap ako ni Jin, pano ba naman kasi bigla bigla na lang akong hinihila nung kaibigan niya. Akala mo naman talaga may ginawa ako sa kanyang labag sa loob niya. Buti na lang hindi ganon yung ugali ni Jin.

Ruki is also as mysterious as Jin pero mas mysterious si Ruki. Si Jin kasi, he is kind of like an open book with a lot of mysteries to solve. Ruki on the other hand, hindi ko alam kung paano ko siya ide-describe. Probably a book, you wouldn't like reading in the first place.

Napansin ko naman na puro nakaputi na uniform na yung naglalakad sa paligid ko. Late na ko sa klase ko. Bwisit talaga yang si Ruki. Makakaganti din ako sa kanya, maghintay lang siya. One day, I'll be able to read him and his thoughts like an open book.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter.

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now