Chapter 17

2.8K 88 1
                                    

Ziah's POV:)
After naming magusap ni Kit sa garden, pinilit niya kong pumasok. Sinabi ko sa kanyang wala ako sa mood pero nagdahilan siya sa akin na isang subject na lang naman daw ang papasukan namin.

Kung dati gusto ko si Kit, ngayon best friend ko na lang siya. Palagi kasi siyang nandyan sa tabi ko. Nandyan siya para gabayan ako tuwing may problema ako bukod kay Jin. Hindi ko alam kung nasaan si Ruki pero si Jin naman natutulog dun sa pwesto niya.

Sila Viel at Dia naman, nakaupo sa likod ko. Siguro nandyan sila dahil ayaw nilang guluhin yung paguusap namin ni Kit. Katabi ko kasi siya ngayon at nagke-kwentuhan lang kami.

"May kapatid ka ba na nagaaral dito or kakilala bago ka pumasok ng school na to?" Tanong ni Kit

It was actually Kit's idea na mag get to know each other muna kami ngayon dahil hindi pa namin masyadong kilala isa't isa.

"May kapatid ako na nasa Section 1, Javier Ong yung name niya. May best friend din ako sa Section 1, Z Smith naman name niya. Although sabay kasi kaming pumasok dito. The only person I know na nagaaral na dito dati pa is my cousin, Zander Davis. Kilala mo naman na siya." Sagot ko

Lahat kami nakatira sa iisang bahay pero these days hindi na kami masyadong nakakapagusap or nagpapansinan dahil busy kami sa mga sari-sarili naming buhay.

"I see. Ikaw naman magtanong. Isang tanong lang para makauwi na tayo." Sabi ni Kit

"Bakit iba ang trato ng school sa section natin?" Tanong ko

Lahat nang teachers minsan ayaw kaming turuan. Ang mabait lang sa amin ay yung class adviser and co-ad lang namin. Palagi nga nila kaming kinakamusta tuwing homeroom period e. Napansin ko lang talaga na parang iba yung turing ng teachers sa amin nung one time pinapunta ako ng class adviser namin sa ibang class para manghiram nang gamit.

"That's because were violators. Hindi naman tayo kasing talino ng ibang section e. Joke. Tamad lang talaga mga tao dito. Besides, do you know that Ruki's father owns this school? This school thinks na wala na tayong pagasang magbago just because we committed a small crime. Feeling naman nila hindi din gagawin nang ibang sections mga violations na ginagawa natin. Hindi na tayo makakaalis ng section na to unless kusa kang ililipat ng school sa ibang section." Sagot ni Kit

If Ruki's father owns this school, bakit nandito si Ruki sa Section F? He obviously has the power to place his son in the first section. Isn't it weird kasi kung ako yung magulang ni Ruki, I wouldn't place my own child sa pinakahuling section.

"Kung tatay ni Ruki ang nagmamayari ng school nato, bakit sa pinakahuling section niya nilagay si Ruki?" Tanong ko

"Ruki isn't that close with his father, in fact iba pa nga ang last name na ginagamit ni Ruki. He's using his mother's last name which is Sakamaki. He did go against his father once kaya siya napunta dito and he doesn't hate his mother as much as he hates his father so." Sagot ni Kit

So hindi niya pala tunay na last name yung ginagamit niya. Does he really hate his father that much? To the point na last name na nung nanay niya yung ginagamit niya.

"Uwian na!" Biglang sigaw nang mga kaklase ko

Ang ingay talaga nang mga to kahit kailan pero okay lang. Sila naman yung dahilan kung bakit buhay na buhay section namin e. Tumayo na ko sa pwesto ko at sinukbit sa balikat ko yung bag ko. Nagpaalam muna ako kay Kit bago naglakad paalis.

~ TIMESKIP: STREET ~

Naglalakad ako ngayon pauwi magisa dahil wala yung mga kasabay ko ngayon. May pupuntahan pa daw sila. Sinasama nga nila ako pero sinabi ko sa kanilang hindi pwede dahil hahanapin ako ni Kuya Javier, hindi naman ako nakapagpaalam.

Nagulat ako nang may biglang naglagay nang panyo sa bibig ko. Bigla kong naramdaman na bumibigat yung pakiramdam ko at unti unti kong nararamdaman na sumasara na ang mga mata ko.

Javier's POV:)
Nakakailang oras na ang nakalipas at hindi pa rin nakakauwi si Ziah. Hindi naman siya nagpaalam na may pupuntahan siya dahil wala akong natanggap na text na galing sa kanya.

Tinawagan ko si Ruki para tanungin kung kasama ba nila si Ziah.

Ruki Sakamaki
Ruki [ What? ]

Javier [ Kasama niyo ba si Ziah ngayon? ]

Ruki [ No, why? ]

Javier [ Hindi pa siya nakakauwi hanggang ngayon. ]

Ruki [ I'll go look for her. ]

|CALL ENDED|

Nasan ka na Ziah?

Ziah's POV:)
Nagising ako at napansin kong nasa isa akong hindi pamilyar na lugar.

"Gising ka na pala." Sabi ng isang pamilyar na boses

Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at nakita si Damon. Ano ba to kalokohan? Prank ba to? Kasi kung prank to, hindi nakakatuwa. Gusto ko na lang umuwi at matulog sa bahay imbes na makipaglokohan sa kanila.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko

Bigla kong napansin na nakatali ako sa isang silya nung sinubukan kong gumalaw. Kinidnap niya ba talaga ako?

"Ruki and his gang." Maikling sagot ni Damon

Ruki and his what? Gang? Seriously? Tinutukoy niya ba yung Section F? Mukha bang gang yung section namin?

"Bakit ako yung kinidnap mo? Do I look like I'm part of his gang?" Tanong ko

"Girlfriend ka ni Ruki." Sagot ni Damon

Girlfriend? Ako ni Ruki? Is this some sick joke? Gustuhin ko mang maging girlfriend ni Ruki, hindi ng hindi mangyayari yun.

"Nababaliw ka na ba? Kailan pa ko naging girlfriend ni Ruki?" Sabi ko na may onting pagkairita sa boses ko

"Bakit naman hindi, e palagi ko kayong nakikita magkasama tuwing break time." Sabi ni Damon

Ang kulit naman neto. Sinabi ko nang hindi ako girlfriend nung isang yun e. Paulit ulit siya sis? Hindi makaintindi?

"Ang kulit mo din e no. Hind nga kami. Friends lang kami. Ano bang pinaglalaban mo? Hindi porket magkasama kami tuwing breaks, magjowa na agad." Sabi ko

Hindi naman sa galit ako pero paulit ulit na lang. Nasiksik ko na sa kokote ko na magkaibigan lang kami. Matagal ko nang tanggap. Hindi ko naman pinangarap na maging kami.

"Kahit na hindi kayo. Magkaibigan pa rin kayo. Ngayon, tatawagan ko siya at kakausapin mo. Sabihin mong pumunta sila dito." Sabi ni Damon

Tinawagan niya ito at nilagay sa tenga ko yung cellphone niya.

Ruki Sakamaki
Ruki [ Hello? ]

Ziah [ Pumunta ka dito. Isama mo buong section natin. ]

Ruki [ Where are you? ]

Ziah [ Hindi ko alam. Itanong mo kay Damon. ]

Damon [ I'll send you the address. If you don't come here, hindi ako magda-dalawang isip na saktan si Ziah. ]

|CALL ENDED|

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
sorry kung bitin nanaman, i hope that you enjoyed reading this chapter though!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now