Chapter 28

2.1K 66 1
                                    

Ziah's POV:)
Wala na sana silang balak tumigil pero narealize nila na nasapak ako ni Ruki. Napasandal ako ng onti kay Jin dahil medyo nahilo ako.

"Ziah, okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Jin bago niya hinawakan yung mukha ko

"Wag na kayong magaway. Ayokong nakikita kayong nagaaway. Di na bale na ako na lang yung masaktan." Sagot ko

Nilapitan ni Marielle si Ruki. Hindi ko alam kung ako lang yun pero yung mukha ni Ruki, parang gustong gusto niya kong lapitan.

"Sinaktan ka niya, Ziah." Sabi ni Jin

Hindi pwedeng masira ang pagkakaibigan nila ng dahil sa akin. Sino ba naman ako diba? Dumaan lang naman ako sa buhay nila.

"Sino bang nagsabi sayo na nasasaktan ako, Jin?" Tanong ko

"Akala ko feeler ka e." Sabi ni Marielle

Simula pa lang, ayoko na kay Marielle. Hindi naman dahil kay Ruki pero dahil nakita ko na yung tunay niyang ugali. Paano kaya siya natitiis ni Ruki? Sabagay. Ganon naman talaga pag mahal mo yung tao kahit saktan ka man niya, gagawin mo ang lahat para sa kanya.

"Hindi ako feeler. Hindi rin ako nag expect." Sabi ko bago umalis

Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Damon.

"Pinapatawag ka sa Principal's Office." Sabi ni Damon

Na-mention ko ba na officer si Damon dito sa school na to. Magkaroon man siya nang offense dito, walang pakielam yung school dahil matalino siya. Ang ginawa lang sa kanya, ay ibinaba siya nang section.

Tumango na lang ako bilang sagot at nagsimula nang maglakad papunta sa Principal's Office. Sinamahan ako ni Damon. Ang daming nangyari ngayong araw na to at medyo nakakapagod. Napahinga na lang ako ng malalim.

~ TIMESKIP: PRINCIPAL'S OFFICE ~

Nang makarating kami sa Principal's Office, agad akong kumatok. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko sa pag punta ko dito. Nararamdaman ko lang na may hindi magandang mangyayari.

Nung walang sumagot sa unang katok, kumatok ulit si Damon. Ilang minuto ang hinintay namin bago kami papasukin ng Principal. Agad namang binuksan ni Damon ang pintuan. Lolo ata ni Ruki yung Principal sa school. Hindi ko alam. If I remember correctly.

"Ikaw pala si Ziah. The talk of the whole school. I've heard a lot about you, iha." Sabi nung Principal na may kasamang ngiti

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon pero sa tingin ko naman, wala namang mangyayaring masama diba? Feeling ko lang naman yun.

"Should I thank you po? I mean, ano po ba yung naririnig niyo tungkol sa akin?" Tanong ko

Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Damon. What? Hindi ba dapat ako nagtatanong ng mga ganito? Wala namang masama kung magtatanong ako ng tungkol sa sarili ko diba? Nagulat naman kaming pareho nung biglang tumawa yung Principal.

"It's okay, Damon. Actually I heard na gusto mo si Ruki. My Grandson changed a lot because of you. I'm happy. I want to thank you." Sagot nung Principal

Yes, I do like Ruki pero nalulungkot lang ako dahil nagsinungaling siya sa akin. Siguro talaga normal na yun. Hindi lang ako makapaniwala na si Ruki nagbago dahil sa akin? Ruki didn't change because of me. He changed because of Marielle.

"I'm not really sure about that. If you don't mind me asking, bakit niyo po ba talaga ako pinatawag dito?" Tanong ko

Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon naman sobrang seryoso na nang mukha niya. Bigla akong nakaramdam nang kaba.

"Wala nang paligoy ligoy pa. Kailangan mo nang lumipat nang ibang section dahil naipasa mo na lahat ng subjects mo." Sagot niya

Biglang tumigil yung mundo nung sinabi niya yun. Oo galit ako sa mga tao sa section na yun ngayon pero ayoko silang iwan. Hindi pa ko handang gawin yun. Mahal na mahal ko yung section na yun.

"Pero-"

"Ka-section mo na si Damon ngayon! Congratulations! Yun lang naman ang gusto kong sabihin. You may now go. Damon, please assist her." Sabi nung Principal

Wala na akong choice kundi lumabas na ng office niya. Baka mapagalitan pa kaming dalawa kapag pinagpilitan ko pa siyang kausapin. Ayoko talagang lumipat ng section. Kailangan kong makaisip nang paraan para hindi ako ilipat.

"Kung ano man yang iniisip mo wag mo nang ituloy dahil pag sinabi niyang lililipat ka, lilipat ka. Sinubukan ko rin siyang kausapin kanina pero walang nangyari." Sabi ni Damon

Dapat na lang ba akong sumuko ng ganito? Ayokong masabi ng mga ka-section ko na tinatalikuran ko na lang sila. Ayoko silang iwan.

"Kailangan na nating kuhanin ang mga gamit mo." Sabi ni Damon

Hindi pa ko handang iwan sila. Hindi pa ngayon. Kailangan ko munang magkaroon ng maraming oras kasama sila.

"Could you at least give me a few minutes to talk to them?" Tanong ko

Tumango na lang si Damon bilang tugon bago siya maglakad palayo. Naglakad naman ako papunta sa classroom. Noong makarating ako sa classroom, agad ko namang binuksan yung pintuan. Napangiti ako dahil nakikita ko silang nakikipagusap sa isa't isa.

Mami-miss ko to. Lalo na kapag dinadaldal ako ni Dia tsaka ni Viel. Yung mga kulitan din nila at yung mga pangungulit sa akin ni Viel.

"Oh! Nandyan ka na pala, Ziah! Saan ka nagpunta?" Tanong ni Viel

Mami-miss ko yung mga ingay nila. Sa totoo lang kahit magkagalit kaming lahat ngayon, gusto ko pa rin silang makasama.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Matt

Hindi ko napansin na may tumutulo na pala na luha mula sa mga mata ko. Eto yung pinaka ayaw kong mangyari.

"I-I'm sorry." Sagot ko

Yun lang ang tanging salita na nasabi ko. Hindi ko naman talaga sila gustong iwan. Hindi ko aakalain na dadating din pala yung araw na mahihiwalay din ako sa kanila.

"Bakit ka nagso-sorry? Kami dapat yung nagso-sorry sayo." Sabi ni Dia

Alam ko naman na wala akong ginawang masama sa kanila pero sa totoo lang, wala na sa akin yun. Kahit hindi na sila magsorry sa akin okay lang.

"Okay lang. Hindi na importante yun. Ang importante ngayon ay yung sasabihin ko sa inyo." Sabi ko

Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Sa totoo lang, ayoko talagang makita yung magiging reaksyon nila. Kumpleto pa sila ngayon. Walang ni isang kulang sa kanila.

"Ano ba yung sasabihin mo sa amin?" Tanong ni Wayne

Nandito rin si Jin, hindi sila nagpapansinan ni Ruki pero ang nakakagulat dito ay nandito din si Ruki.

"I hope you guys will still be my friends after netong sasabihin ko sa inyo." Sabi ko

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
here's another update for you guys! i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to dm me!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now