Chapter 12

3.2K 108 6
                                    

Ziah's POV:)
After namin magharutan sa loob ng classroom kanina and since wala naman ding dumating na teacher, nag desisyon kami na mag break time nang maaga. Marami kaming kasabay na sections na magbe-break time ngayon kasi tapos na naman ang first day. Kada first day lang daw naiiba ang schedule namin.

Kasama ko ngayon si Dia pero hindi namin kasama ngayon si Viel. Sinama yata siya nila Ruki. Kasama ni Ruki ngayon yung buong section namin bukod saming dalawa ni Dia. Hindi din naman nila sinabi sa amin kung saan sila pupunta.

Ayoko rin naman itanong sa kanila dahil hindi naman ako mahilig mangielam. Curious lang talaga ako kung saan mapapadpad ang mga yun dahil alam kong bawal lumabas sa school. Siguro naman hindi sila susunod kay Ruki kapag lumabas siya nang school no?

Nagulat ako nang may biglang lumapit sa akin. Mukhang hingal na hingal siya. Bakit siya nandito? Hindi bat dapat kasama ni Ruki lahat ng kaklase namin?

"I'm Nixon Gonzales. May nangyari kasi. Kailangan mong sumama sa akin." Sabi sa akin nung lalaki habang hinahabol parin ang kanyang hininga

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Ganon din ang ginawa ni Dia. Napansin ko na papunta kami ng clinic. Binilisan ko naman ang lakad ko nung nakita kong lahat sila nandoon. Napatigil ako sa paglalakad nung napansin kong may galos si Viel.

Lumapit ako sa kanya at pinalo siya sa braso.

"Aray! Bakit ka namamalo?" Tanong ni Viel

"Anong nangyari dyan sa pagmumukha mong gago ka?" Tanong ko

Hinawakan ko ang pisngi niya at sinuri yung sugat niya sa may labi. Bakit pa kasi sinama ni Ruki si Viel e? Kung gagawa lang sila nang kalokohan, sana hindi na nila sinama si Viel.

"Doesn't matter. Maliit na galos lang to. Puntahan mo na lang si Ruki dun." Sagot ni Viel bago niya tinuro yung kwarto

Hinampas ko ulit siya sa braso niya ng isang beses at binigyan siya nang isang matalim na tingin. Sa susunod na gagawa sila nang ganitong kalokohan, sisiguraduhin ko na hindi na nila isasama si Viel.

Pumunta naman ako dun sa kwarto na tinuro ni Viel. Hindi ko na naisipang kumatok at bigla na lang ako pumasok. Nakita ko naman si Ruki na mahimbing na natutulog. Yung balikat niya nakabalot ng bandage.

Napahinga ako nang malalim bago ako lumapit doon sa bintana na malapit sa kama niya at tumingin sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ruki

Napatingin ako sa kanya. Yung mukha niya ngayon mukha siyang pagod na pagod. Alam niyo minsan ayoko na lang awayin si Ruki. Hindi ko naman kasi alam lahat ng pinagdaanan niya sa buhay, kaya siya naging ganito e.

"What happened?" Tanong ko

Nagaalala talaga ako pero nabawasan ng konti yung pagaalala ko nung nakita kong wala namang galos yung iba kong mga kaklase. Si Jin tsaka si Kit, wala din silang mga galos. Mukhang si Ruki tsaka si Viel lang ang nagalusan sa kanilang lahat.

"I did what I have to do. Prinotektahan ko si Marielle pero muntik nang masaksak si Viel. Bigla kitang naalala. Alam kong hindi mo magugustuhan kapag nakita mong may galos si Viel sa kahit anong parte ng katawan niya, kaya prinotektahan ko din siya. Alam kong hindi ko na dapat prinotektahan si Marielle pero hindi naman ako ganon kasama para pabayaan na lang siya." Sagot ni Ruki

Bakit ka naman ganito Ruki? Bakit hindi mo inisip yung sarili mong kapakanan? Alam ko namang may mga tao kang gustong protektahan sa buhay mo pero hindi naman ibig sabihin nun, kailangan mo nang isugal yung sarili mo.

"Alam ko namang may mga tao kang gustong protektahan pero hindi mo namang kailangan isugal yung buhay mo. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong isipin ang ibang tao. Isipin mo rin ang sarili mo. Alam ko namang importante sa akin si Viel pero kailangan mo ding alagaan yung sarili mo. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang magsasakripisyo para sa kanila." Sabi ko

Alam ko namang gustong protektahan ni Ruki lahat nang tao sa section namin pero paano na lang kung may mangyaring masama sa kanya? Tsaka baka yung tao pang prinotektahan niya yung sisihin dahil sa nangyari sa kanya.

Bigla siya napaupo sa gilid nang kama niya. Nagsusuot siguro siya nang tsinelas. Buti na lang at hindi siya nasaksak sa mga vital organs niya. Kundi baka kung ano nang nangyari sa kanya.

"I didn't know that the person who annoys me the most, would be able to cheer me up." Sabi ni Ruki

Nagulat naman ako. Hindi ko naman ine-expect na sasabihin niya yan sa akin. Dahil ba sa pagkakasaksak niya kaya siya nagkakaganito? Pwede bang saksakin niyo ulit siya para mas lalo pa siyang bumait sa akin.

Tumayo naman siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ko sa balikat. Buti nakakatayo pa siya nang maayos. Masakit kasi yung pagkakasaksak niya. Kung ako yan mas gugustuhin ko pang humiga.

"Dati gusto kong umalis ka ng section namin but I take that back. Please stay with us." Sabi ni Ruki

Di ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko or matutuwa ako. Eto ba yung epekto nang pagkakasaksak sa kanya? Pwede bang saksakin niyo siya ulit para palagi na siyang mabait sa akin.

"Please stay with me." Sabi ni Ruki

Feeling ko nananaginip ako. Nangyayari ba talaga to ngayon? Parang gusto kong sampalin sarili ko para tignan kung nananaginip ba ako o hindi. Nagulat naman ako nung bigla niyang nilagay ang mga kamay niya sa bewang ko. Naramdaman kong papalapit siya sa akin kaya lumayo ako ng konti. Ano naman ang plano niyang gawin?

"Stay there. Stay still." Sabi ni Ruki

Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap. Sinubsob niya yung ulo niya sa leeg ko. Ano namang ginawa ko? Bakit niya ko niyayakap? Naramdaman ko na mas lalong humigpit yung yakap niya sa akin.

"Stay." Bulong niya

Hindi ko alam kung bakit niya ko niyayakap ngayon pero niyakap ko na lang din siya pabalik. Hindi ko ine-expect na may kabaitan pala tong si Ruki. Siguro nga masyado lang siyang nasaktan nang taong minahal niya noon.

"I'll stay." Bulong ko

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
so i'm going to give you another cliffhanger, i hope that you guys enjoyed this chapter #ZiKi!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now