Chapter 22

2.5K 73 2
                                    

Ziah's POV:)
Naglalakad na ako sa hallway ng school ngayon at halos lahat ng estudyante na madadaanan ko ay nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong masama.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad sa hallway, nakarating na ko sa classroom. Nung binuksan ko na ang pintuan, lahat sila napatingin sa akin.

Napatingin naman ako sa dati kong inuupuan at nakita kong dun nakatabi sila Viel at Dia. Yung iba naman ay nasa normal nilang mga upuan. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Para bang hinihintay nila akong gumalaw. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinara yung pintuan at naupo malapit doon.

"Hi Ziah!" Bati sa akin ni Viel

Hindi ko siya pinansin at tumingin sa paligid. Wala si Ruki ngayon. Siguro hindi ko muna siya aayain ngayon. Sasamahan ko na lang muna si Damon.

"Hey Ziah." Sabi ni Jin

Gustong gusto ko silang kausapin pero hindi ko pa rin talaga makalimutan yung pagsisinungaling nila sa akin. May mga nasabi din sila sa akin kahapon na masasakit na salita.

Hindi din ako umuwi kahapon sa amin dahil wala ako sa mood makita si Zander, Kuya Javier tsaka si Z. Syempre kung nandoon si Zander, hindi mawawala ang mga kabarkada niya. Palagi naman silang dun tumatambay e.

"Bakit hindi mo kami pinapansin? Dahil ba to sa nangyari kahapon?" Tanong ni Jin

Tanga ba siya? Not to be harsh naman. Alam naman nating matalino siya. He should be able to answer his own question.

"Why don't you ask yourself." Maiksing sagot ko

Ganito ako pag galit. Hindi ko gustong nakikipagusap sa mga tao. Mas lalo naman akong naiinis kapag kinukulit nila ako. Hangga't hindi sila nagso-sorry sa akin, hindi ko sila kakausapin. Zander on the other hand remained silent about the situation. Siya naman dapat nagke-kwento sa akin.

"Alam mo, hindi kita maintindihan." Sabi ni Jin

Umupo si Jin sa tabi ko pero nanatili akong nakatingin sa harap dahil pag nilingon ko siya, baka hindi ko mapigilan sarili ko. Baka masampal ko siya.

"You don't need to understand my side." Sabi ko

Hindi ko naman ipipilit sa kanila na intindihin ako. Kung naintindihan naman nila ako in the first place edi sana wala kami sa sitwasyon na to ngayon diba? Kung nag explain lang sana sila edi sana magkaayos na kami.

"Kung dahil lang yan sa issue tungkol kay Zander, would you please cut it off? Ang dami mong arte. Tapos na nangyari na, wala na tayong magagawa." Sabi ni Jin

Sa tingin niya ba ganon lang kadali yun? Kung ganon lang kadali yun edi sana hindi nagiging ganito sitwasyon diba? Paano niya naman nasabi na nagiinarte lang ako?

"No. Kung wala ka nang sasabihin pwedeng manahimik ka na lang? Naiirita ako sa boses mo e." Sabi ko

Oo, gusto kong ayusin pagkakaibigan namin pero sa ngayon ayoko munang makipagusap sa kanila. Kailangan ko munang huminahon. Kakausapin ko naman sila kapag handa na ko.

Tumayo na si Jin mula sa pagkakaupo niya at bumalik na sa pwesto niya. Lumapit naman si Kit sa akin at naupo sa tabi ko. Kung mangiinis lang siya, pwede bang wag ngayon.

"Ano nanaman bang kaartehan to, Ziah?" Tanong ni Kit

Napairap naman ako. Kung wala siyang magandang sasabihin pwede bang umalis na siya sa tabi ko. Anong kaartehan naman yang sinasabi niya? Pagkatapos niyang magbitaw ng mga masasakit na salita sa akin kahapon, lalapit siya sa akin ngayon?

"Pwede kung wala kang masasabi na matino, wag ka munang lumapit sa akin." Sagot ko

Bakit ba kasi lapit ng lapit tong mga to? Mas lalo lang akong naiirita sa presensya nila. Gusto ko lang naman maging normal tong araw na to pero sila mismo sumisira dito.

Tinignan niya muna ako ng masama bago siya bumalik sa pwesto niya. Mukha ba kong nagiinarte? Hindi naman diba.

Hindi ba nila alam na nasaktan ako sa mga salitang binitawan nila kahapon? Dadagdagan pa nila yun ngayon. Hindi rin ba nila alam kung gaano kasakit malaman na may tinatago pala sayo yung mga taong pinagkakatiwalaan mo.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng classroom. Dinala naman ako ng mga paa ko sa garden. Napaupo ako dun sa usual na upuan na pinagtatambayan namin ni Dia. Bigla kong naramdaman na may tumulong luha mula sa mga mata ko.

"What are you doing here?"

Nagulat ako nung may biglang nagsalita. Agad naman akong napatingin sa likod ko at nakita si Damon. Meron pa rin siyang cast sa kamay at paa niya. Bigla naman siyang umupo sa tabi ko at nagabot sa akin ng panyo.

Tinanggap ko naman ito at pinunasan ang mga tumulong luha. It's nice to have him here. At least may tao akong maiiyakan.

"You shouldn't be crying. You'll look ugly if you do." Sabi ni Damon

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong mapula ang mga mata niya. Siya ang kauna-unahang lalaki na nakita kong umiyak. He's telling me not to cry pero siya mismo ang umiiyak.

"Ikaw talaga nagsasabi niyan sa akin? Ikaw nga umiiyak ka din." Natatawang sabi ko

Tumawa din siya. Akala ko talaga nung una fuck boy tong si Damon. Hindi naman pala.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Damon

Hindi man kami masyadong close ni Damon at least diba, mag kaibigan kami.

"Alam mo ba yung feeling na akala mo parehas niyong pinagkakatiwalaan isa't isa pero sa huli, ikaw lang pala ang nagtitiwala sa kanya. Pwede naman nilang ipaliwanag sa akin e pero hindi e. Instead, galit din sila. Nasabihan pa nila ako ng mga masasakit na salita. Hindi nila alam kung gaano ako naapektuhan sa mga salitang pinakawalan nila." Sabi ko

"Don't let them bring you down. Besides, this is just a challenge between you guys. You'll get through this. Kaya wag kang susuko. Wag mo silang sukuan dahil kahit ganyan sila, mahal ka pa rin ng mga yan." Sabi ni Damon

Tumayo siya at nginitian ako. Ginulo niya muna yung buhok ko bago siya umalis.

"I'll see you later. Lunch Time." Sabi ni Damon bago naglakad paalis

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon