Chapter 11

3.4K 117 3
                                    

Ziah's POV:)
Lahat ng mga kaklase ko ay nakapalibot sa akin ngayon. Si Ruki naman ang naging katabi ko at hindi si Viel and si Dia. Hindi ko rin alam ang rason sa kung bakit ako hinila ni Ruki papalayo kay Zander.

"Ano bang problema niyo kay Zander?" Tanong ko

Parang sobrang laki ng galit nila sa pinsan ko. Wala naman akong nakikitang mali sa kanya, ang bait kaya ni Zander. Etong section na to hindi mo maintindihan lahat na lang kaaway nila, hindi naman ako pwedeng kumampi sa kanila dahil sobrang bait ni Zander sa akin.

"He ruined Ruki's life." Sagot ni Kit

I'm surprised that Kit spoke up for Ruki. Ang alam ko magkagalit sila sa isa't isa ngayon e. Ano namang ibig sabihin niya sa 'he ruined Ruki's life'? Mukha namang maayos na namumuhay si Ruki.

"How did he ruin Ruki's life?" Tanong ko

I need to know. Hindi ko din naman ine-expect na madami palang sikretong tinatago tong section na to. If Zander really ruined Ruki's life, ibig sabihin hindi talaga mabait si Zander? Pero paano kung nagbago na siya?

"Siniraan ni Zander si Ruki sa first love niya. That's why she left. The sad part here is boyfriend niya si Ruki pero bakit mas naniwala pa siya sa ibang tao? Diba dapat mas kilala niya ang boyfriend niya." Sagot ni Jin

Paano nagawa ni Zander yun? Kung hindi siniraan ni Zander si Ruki sa first love niya, sana masaya parin si Ruki ngayon. Sana nakita ko yung ngiti niya. Sana hindi ganito kasama turing niya sa akin.

"I'm sorry, I wasn't there when it happened. I can't take sides. It would be unfair." Sabi ko habang nakayuko

Kung marami pa silang nililihim mula sa akin, sana masabi na nila sa akin. Para naman wala na akong malapitang maling tao sa susunod. Masyado silang maraming sikreto na dapat kong malaman.

"Ruki loved her so much na kahit paalis na yung first love niya hinabol niya parin ito. She ignored him though. Nung mga panahon na nasa ibang bansa na siya, palagi siyang tinatawagan ni Ruki kahit alam niyang hindi ito sasagot. At isang araw, tinigil na ni Ruki ang pagtawag sa kanya. Ngayon na bumalik na siya, narealize niya na hindi pala siya worth it." Sabi ni Dia

They seem to know so much about Ruki. Gaano na ba sila katagal dito sa section na to? Gaano din katagal nasaktan si Ruki? Hindi ko alam na nasaktan pala si Ruki nang ganito kalala. I never really knew him in the first place pero na-judge ko na siya agad. Baka tama nga si Wayne. Kailangan kong tulungan si Ruki para makita ulit siya na masaya.

"Zander may be my friend pero marami na siyang nasaktan. I'm not happy about it but I still stayed quiet and if you want to go against him you can but don't expect me to go against my friend, you guys had also been my friend since I got transferred here in this section but I can't help you or him go against each other." Sabi ni Constantine

I can see that Constantine is a good friend and I understand kung bakit ayaw niya kaming tulungan, ayoko din magalit kay Zander dahil lang sinira niya ang buhay ni Ruki noon. Wala naman kasi ako nung nangyari yun, kaya wala akong karapatan makisali sa away nila.

"Wala akong karapatan na magalit kay Zander dahil hindi ko naman nakitang mangyari yun. Umasa na lang tayo na pinagsisihan niya ang mga ginawa niya noon " Sabi ko

Possible naman yun diba? Ang pagsisihan ng tao yung pagkakamaling ginawa niya. Ginagawa ko to para wala nang away na maganap sa pagitan nilang dalawa. Ayokong makita silang pareho na nagaaway dahil parehas silang mahalaga sa akin. Ayokong dumating sa punto na kailangan ko nang pumili ng kakampihan.

"Kapag si Zander ang gumawa ng isang kasalanan, wala siyang pinagsisisihan." Sabi ni Constantine

Kaibigan siya ni Zander, kaya mas kilala niya si Zander. Siguro nga tama siya, may ganon naman tayong mga desisyon sa buhay e kung saan may mga bagay tayong ginawa na hindi natin pinagsisihan pero siguro naman may rason siya sa kung bakit niya ginawa yun.

"Siguro naman may rason si Zander sa kung bakit niya ginawa yun." Sabi ko

Sa totoo lang hindi ko na alam. Mukha bang pinaglalaban ko si Zander? Hindi ko alam kung kanino ako kakampi sa mga panahong to.

"Kung may rason man siya kung bakit niya ginawa yun, hindi niya naman kailangan siraan si Ruki. Pwede niya naman itong kausapin ng maayos." Sabi ni Viel

Hindi ko alam kung anong pinaglalaban nila pero hindi ko na alam kung ano pang kailangan kong gawin para lang mapigilan silang magaway.

"Hoy Ruki! Sabay tayo mamayang lunch." Sabi ko

Napagpasyahan ko na lang na tulungan si Ruki sa issue niya. Wala na kong pake kung anong isipin nila basta matulungan ko lang si Ruki sa problema niya.

"Yeah sure." Sabi ni Ruki

Ngayon ko na lang siya ulit narinig magsalita. Hindi manlang siya sumabat sa pinaguusapan namin kanina. Siguro kasi kilala na naman nila ang isa't isa. Wala naman sigurong mali sa mga sinabi sa akin. Tsaka si Constantine na msimo nagsabi na si Zander nga talaga ang sumira sa buhay ni Ruki.

"Paano naman ako?" Tanong ni Viel habang naka pout

Palagi kasi kaming magkasabay kumain niyan kasama si Dia tsaka si Kit pero kailangan ko talagang matulungan si Ruki. Desidido akong makita siyang nakangiti ulit.

"Ako nga ang gusto niyang makasama diba? Wag kang makiepal bata ka." Sabi ni Ruki

Grabe naman to! Hindi ko na nga rin nakakasama yung mga kaibigan ko na taga ibang section dahil tutulungan ko na tong pinakamamahal nilang hari ng mga demonyo e.

"Next time na lang Viel pero sa ngayon bibigyan muna kita ng chocolate." Sagot ko

One thing you need to know mahilig sa chocolates yan si Viel tsaka sa soda so everytime na may baon ako nakikihingi siya pero ngayon hindi ko siya masasamahan kaya ibibigay ko na lang sa kanila.

"Yehey!" Sabi ni Viel

Tignan mo to! Parang bata talaga. Okay lang yan at least maeexperience mo kung paano magalaga ng bata.

"Paano naman kami?" Tanong ng iba kong mga kaklase

Anong paano naman sila? Bumili na lang sila sa cafeteria! Ano sila chicks? Bata ba sila? Bata?

"Anong paano kayo? Nanay niyo ba ko?" Tanong ko

"Oo." Sagot nila

Aba't— siraulo tong mga to ah! Baka gusto nilang makatikim ng kutos! O kaya pag di ako nakapagpigil sasapatusin ko sila.

"Che! Magdusa kayo!" Sigaw ko sa kanila

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i was supposed to update yesterday kaso nakatulog na ko and narealize ko na hindi pala ako nakapag update so here's the update!!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now