Chapter 25

2.5K 67 6
                                    

Ruki's POV:)
Iniwan ko si Ziah sa garden para sagutin yung tawag. Hindi ako masyadong nakakapasok dahil marami akong inaasikasong paper works na galing kay mommy. Hindi naman magiging problema ang mga grades ko sa school dahil inasikaso na rin yun ni mommy, kaya wala na kong po-problemahin.

Tinignan ko yung cellphone ko para tignan kung sino yung tumatawag sa akin at napansin kong hindi si mommy or daddy ang tumatawag sa akin, isang unknown number.

Unknown Number
Unknown [ Hello. ]

Ruki [ Who is this? ]

Unknown [Hello Ruki! This is Marielle. ]

Ruki [ What do you need? ]

Unknown [ Cold as always. Anyways I called you because I have a deal for you. ]

Ruki [ I'm not interested. ]

Unknown [ You don't have a choice but to make a deal with me. ]

Ruki [ I will always have a choice. Stop wasting my time. Call someone else who will be willing to listen to all your bullshit. ]

Unknown [ Of course you do have a choice. Now give me a minute to explain the deal. ]

Ruki [ I told you, I'm not interested. ]

Unknown [ Oh, you will be. Now listen. Papayag kang balikan ako ulit or I'll use my connections to hurt Ziah. Now, you choose. I'll be waiting for your response. I hope you will choose wisely. ]

|CALL ENDED|

Gusto ko si Ziah, yes. Hindi ko siya pwedeng hayaang masaktan. Napahinga ako nang malalim. Nothing can prevent this from happening kung hindi ako papayag kay Marielle.

Hindi naman sa hindi ko siya kayang protektahan sa tamang paraan pero sa ngayon, hindi ko pa kaya kahit na marami din akong connections. I'm too busy to be able to handle this situation. Kung hindi ko lang sana siya nakilala edi sana hindi mangyayari to ngayon.

Hindi naman sa nagsisisi ako na nakilala ko si Ziah but it's just that, hindi na dapat siya nadadamay sa mga gulong to dahil wala naman talaga siyang kinalaman dito. Gusto ko nga rin siyang pasalamatan dahil natulungan niya kong makapag move on kay Marielle.

Gusto ko mang protektahan si Ziah pero naisip ko na, hindi na worth it na maranasan niya pa lahat ng sakit na to dahil sa akin. Ayoko nang masaktan siya dahil alam kong kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan pa rin siya. Ang huling paraan na lang na magagawa ko ay ang pakawalan siya.

Gusto ko man siyang protektahan, hindi ko magagawa dahil marami ding pinagagawa sa akin si mommy. Hindi ko kayang hatiin oras ko para sa kanya. Alam kong hindi sapat na rason yun pero ayoko nang maranasan ni Ziah ang sakit na naranasan ko noon. Hindi ko rin naman siya pwedeng iwan kayla Jin at Kit dahil hindi maganda ang relasyon nila ngayon.

Ziah's POV:)
Noong umalis si Ruki, hindi na nga siya nakabalik tulad nang sinabi niya. Naging busy na siya nung mga nakaraang araw. Hindi pa rin maalis sa utak ko yung pag amin niya sa akin. Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at binuksan ang twitter account.

@/RSUnknown
ZiahhhOng [ Oi! ]

ZiahhhOng [ Pwede ba kong mag kwento sayo? ]

ZiahhhOng [ Kahit bigyan mo lang ako ng ilang minuto mula sa oras mo, okay na. ]

RSUnknown [ Sure. ]

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now