Chapter 36

2.1K 63 1
                                    

Ziah's POV:)
Sabado ngayon at sinabi ko sa kanilang lahat na i-meet ako sa coffee shop malapit sa bahay ni Ruki. Wala siya dito kaya mamaya ko na lang siya kakausapin.

~ TIMESKIP: COFFEE SHOP ~

Nakita ko silang lahat na nakaupo sa iisang table doon sa loob ng coffee shop. Nandoon sila kasama si Kuya Javier, Z, Zander at ang mga kaibigan niya. Naging mga kaibigan ko rin naman sila e.

Wala doon si Damon dahil may inaayos siyang mga papel para sa akin. Sinabi niya sa akin na i-take ko ang oras ko na mag goodbye sa kanila. Hindi ko naman talaga gusto na ganito na lang pero wala naman akong choice.

Kailangan ko ring mabigyan nang oras ang sarili ko. Hindi ko naman mapasaya ang sarili ko dito. Narealize ko na hindi lang pwedeng ibang tao na lang ang iisipin ko.

Huminga ako nang malalim bago ako pumasok ng coffee shop. Agad naman akong lumapit sa kanila. Nung napansin nilang nandito na ako, napatingin silang lahat sa akin. Mami-miss ko to. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kadaming kaibigan.

"Bakit mo kami pinatawag lahat dito?" Tanong ni Z

Tinignan ko silang lahat at huminga ulit ng malalim. Akala ko sobrang dali lang magpaalam. Hindi naman pala. Alam kong may choice pa ko na manatili dito pero hindi ko na kaya.

"May gusto lang akong sabihin sa inyo." Sagot ko

"Ganon ba ka-importante yun? I wanted to talk to you alone." Sabi ni Kuya Zander

Baka gusto niyang pagusapan namin yung side niya. Napatawad ko na naman sila. Na-realize ko na ang babaw na ng rason. Hindi lang talaga nagkaroon ng chance na makipagusap sa kanila.

"It's okay, Kuya. Tanggap na kita. Matagal ko na kayong pinatawad lahat. Importante ang sasabihin ko ngayon." Sabi ko

Napatingin naman sila sa isa't isa nung sinabi ko yun. Hindi ko na-imagine na dadating pala ako sa ganitong punto.

"Ruki isn't here though." Sabi ni Kit

Nginitian ko sila. Ayos lang. Oras na siguro para hanapin ko yung kasiyahan ko.

"It doesn't matter. I'll just talk to him later." Sabi ko

Yung mga expresyon nila parang gulat na gulat sila sa sinabi ko. Siguro dahil nasasaktan ako sa mga ginagawa sa akin ni Ruki. Nandyan silang lahatpara i-comfort ako in a way na hindi ko naman magagawa para sa kanila in return. Siguro pagbalik ko may magagawa na ko para sa kanila.

"I'm leaving this country. I just want to bid my goodbye's before leaving." Sabi ko

Hindi ko na mapinta kung anong klaseng expresyon ang meron sila sa kanilang mga mukha. Sobrang tahimik nilang lahat, ni isa sa kanila walang kumikibo.

"Y-you can't leave. I can't let you leave, Ziah. Pwede kang umalis sa section natin pero wag naman ganito. No, I won't let you leave! Not now. Never." Sabi ni Viel habang nakahawak sa kamay ko at umiiyak

Huminga ako ng malalim bago ko tanggalin yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Tinignan ko sila. Nakatingin silang lahat sa sahig. Hindi ko alam na ma-apektuhan sila ng ganito.

"Viel. I wanted to do this. Kailangan ko namang bigyan ng oras ang sarili ko. Hindi na ko masaya dito. Hindi naman dahil sa inyo or dahil kay Ruki. Narealize ko lang na hindi na ko masaya. Pinapahirapan ko na ang sarili ko. I hope you understand. It's not that you guys don't make me happy pero ako mismo. Hindi ko na nagpapasaya ang sarili ko. Kaya I think, it's best for me to leave. Babalik naman ako e. Hindi ko lang alam kung kailan." Sabi ko

Nakita kong umiiyak na ang iba sa kanila ay yung iba naman nagpipigil pa rin ng mga luha.

"Why? You can't leave, Ziah. You can't. Ako magpapasaya sayo." Sabi ni Viel

I feel bad for him. Iniisip niya siguro na hindi niya ko napapasaya. Napapasaya naman ako ni Viel. He's actually the first person na napasaya ako nung unang araw ko sa Section F.

"Viel. You made me really happy. I want you to know how grateful I am for that. I think it's time though na ako naman ang magpasaya sa sarili ko. Ikaw ang unang taong nagpasaya sa akin noong unang araw ko sa Section F. Gusto ko lang malaman mo kung gaano ako kaswerte ay nakilala kita. Please, Viel. Let me go. Kung gusto mo talaga ako maging masaya. Let me go." Sabi ko

Nilabas ko ang panyo ko mula sa bulsa ko at pinunsan ang mga tumutulong luha mula sa mga mata ni Viel. Sobrang bait ni Viel and para ko na siyang nakakaba-batang kapatid pero kailangan ko nang umalis. I want to be selfish kahit isang beses lang.

Kinuha ko yung kamay ni Viel at binigay sa kanya yung panyo. Yung panyo kong yun, may pangalan ko na naka embroider. That's actually one of my favorite handkerchiefs.

Tumingin ako sa kanila and nakikita ko na sinusubukan nilang punasan ang mga luha nila. I owe them a lot. Pati ang kasiyahan ko.

"I'm thankful na nakilala ko kayo. I wish that si could have stayed here a little longer pero nakapag desisyon na ko. I'll miss you guys." Sabi ko

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon, naglakad na ko palabas ng coffee shop. Maglalakad na sana ako palayo pero may biglang humawak sa kamay ko. Pag tingin ko nakita ko si Jin.

"Don't go." Maiksing sabi ni Jin

His eyes were red. Isa rin siguro siya sa mga taong umiyak kanina. I wasn't able to hug Kit. Best friend ko pa rin naman siya pero mukhang hindi niya na gugustuhing bumalik.

"Tama na, Jin." Sabi ko

Tumingin siya sa akin habang tumutulo pa rin ang mga luha niya sa mga mata niya.

"Can't you just stay? For me? Pwede bang dito ka na lang sa tabi ko kahit hindi ako ang mahal mo? Pwede bang ako naman? Pwede bang ako na lang?" Tanong ni Jin

I'm sorry. I can't.

"Tama na, Jin. Just stop it. Tanggapin mo na, okay? Aalis na ako. Kaya please. Be happy. Kahit hindi na para sa akin." Sabi ko

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay naglakad paalis. I'm going to miss you, Jin. I'm sorry for hurting you. Last na yan. Promise.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now