Chapter 26

2.3K 68 2
                                    

Ziah's POV:)
I was walking in the hallways feeling tired and sleepy. Siguro dahil hindi ako nakatulog nang maaga, kaka-overthink ng mga bagay.

Naisip ko na pumasok na ngayon sa klase dahil narealize ko na hindi naman ako yung gumawa ng kasalanan. Bakit ko kailangan umiwas diba? Napatigil ako sa paglalakad nung nakita ko si Ruki at Marielle na magkahawak ng kamay.

Anong ibig sabihin neto? Bakit sila magkahawak ng kamay? Wag mo sabihing sila ulit? Akala ko natulungan mo na si Ruki.

Noong nakita ako ni Marielle bigla niyang hinila si Ruki. Lumapit sila sa harap ko. Sumulyap ako kay Ruki at nakita ko siyang nakatingin sa akin nang walang kaemo-emosyon sa mukha niya. Akala ko ba ako yung gusto niya pero bakit ganito?

"Ruki, why don't you introduce me to your friend right here." Sabi ni Marielle

Tinaasan ko siya nang kilay. Sinusubukan ba niya kong inisin? Tangina. Magsisinungaling ako sa sarili ko kapag sinabi kong hindi ako nasasaktan na magkasama sila.

"Ziah, this is Marielle. My girlfriend. Marielle, this is Ziah." Sabi ni Ruki

Putangina. Girlfriend? Sa dinami-dami niyang babaeng pwedeng jowain si Marielle pa? Is he really doing this on purpose? Hindi na dapat niya ko pinaasa kung babalikan niya rin pala si Marielle.

"Hi Ziah! I haven't properly introduced myself to you. It's nice meeting you though." Sabi ni Marielle at nilahad ang kamay niya sa harap ko

Sa tingin niya ba makikipagshake hands ako sa kanya? No thanks. Madumihan pa yung kamay ko. I don't need a proper introduction from her.

"Let's try to keep it that way." Sabi ko bago ko siya nilagpasan

Hindi na ko magugulat kung lahat nang tao sa buhay ko naloko na ko. Mahilig naman sila maglaro e. Hindi nila alam na nakakasakit na sila nang tao. Noong pumasok ako sa loob ng classroom, napatingin silang lahat sa akin.

Bigla akong nawalan ng gana pumasok dahil sa nakita ko. Lahat sila pinagkatiwalaan ko tapos ganito lang ang isusukli nila sa akin. Ang dali dali sa kanilang magsinungaling. Ang dali lang sa kanila paikot ikutin ako.

"Anong kasinungalingan pa ang tinatago niyo sa akin?" Tanong ko

Naramdaman ko namang tumulo ang luha ko. Ayokong makita nila akong umiiyak kaya tumakbo ako palayo mula doon at nagpunta nang garden. Nang makarating ako sa garden, naupo ako sa bench.

"Anong katangahan nanaman ang nangyari sayo?" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses

Pagkatingin ko sa likod ko, nakita ko si Damon. Siya lang yung laging nandyan para sa akin tuwing umiiyak ako. Para ko na siyang best friend. Natawa lang ako nung tinawag niya kong tanga. Para bang ine-expect niya na, na maging tanga ako.

"Hindi naman ako nag expect ah pero bakit ganon, nasaktan pa rin ako?" Tanong ko

Napahinga siya nang malalim bago siya umupo sa tabi ko. Ginulo niya naman ang buhok ko. Hindi ko gustong ginagawa sa akin yun pero wala ako sa mood makipagtalo.

"Hindi ka naman masasaktan kung hindi ka nag expect e." Sagot ni Damon

He's right. Ang tanga ko para isipin na magugustuhan talaga niya ko. Hindi ko manlang naisip na mahal niya pa rin yung ex niya. Hindi ko manlang din naisip na, hindi nga pala ganon kabilis mag move on.

Magsasalita na ulit sana si Damon nung biglang tumunog yung cellphone niya. Napansin ko na nagiging busy na rin si Damon. Hindi ko manlang siya natatanong kung kamusta na siya.

"I'll just take this call. Itigil mo na yang katangahan mo. You shouldn't cry for those people, who aren't even worth it." Sabi ni Damon

Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya at naglakad paalis. Naiwan nanaman ako dito magisa. Nagulat naman ako nang may biglang umupo sa tabi ko. Tumingin naman ako at nakita si Jin.

"Kung nandito ka para inisin lang ako, pwede bang umalis ka na lang." Sabi ko

Hindi siya umimik. Nagulat na lang ako nung bigla niya kong inabutan nang panyo. Tinanggap ko naman ito pero hindi ko ginamit.

"You know I like you a lot, Ziah. Hindi yun isang kasinungalingan. Alam kong hindi ka naniniwala sa akin pero ayos lang. You don't have to. Lumapit lang ako sayo dahil ayokong nakikita kang nagkakaganito. I may not have told you anything about Zander but I want you to know that you could trust me. Hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay Zander dahil naramdaman ko na, wala naman ako sa posisyon para ipaalam sayo. Kailan ko lang din naman nalaman." Sabi ni Jin

Ngayon sinasabi niya sa akin na pagkatiwalaan ko siya pagkatapos niyang magsinungaling sa akin? Hanggang kailan ba sila magsisinungaling sa akin? Siguro alam niya din na hindi naman talaga ako gusto ni Ruki. Magbest friend sila e.

"Tumigil ka na, Jin. Hindi na ako maniniwala sa inyo. Alam ko ding, alam mong hindi naman ako gusto ni Ruki." Sabi ko

Mahirap na kasing ibalik yung tiwala sa tao lalo na kapag nasira na ito. Halos lahat nang tao sa paligid ko nasira na yung tiwala ko sa kanila. Di ko na alam kung dapat ko pa ba silang bigyan nang pagkakataon.

"Yes, I knew but I warned you. Didn't I? You just didn't listen. Sinabi ko sayong wag kang mafa-fall kay Ruki." Sabi ni Jin

Kahit naman binigyan niya ako nang warning, hindi ko naman mako-kontrol mga nararamdaman ko e. Hindi din ganon kadaling makalimot ng feelings.

"I tried to protect you from getting hurt pero nasaktan ka pa rin." Sabi ni Jin

Lagi naman akong nasasaktan. Wala nang bago dun. Kahit anong gawin ko may mga tao pa rin talaga na mananakit sayo.

"It doesn't matter anymore. Masasaktan at masasaktan pa rin naman ako kahit anong gawin ko. Nangyari na e. Ano pang magagawa mo?" Tanong ko

Naappreciate ko naman yung feelings sa akin ni Jin. Nagustuhan ko rin naman siya dati pero huli na siguro na ibalik ko pa yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Use me. Para makapag move on ka." Sagot ni Jin

Tinignan ko naman siya nang may pagkagulat sa mga mata ko. Use him? Nababaliw na ba siya? Ayoko siyang saktan. Ayokong manggamit nang tao para sa pang sarili kong intensyon.

"No. It's not right, Jin. Hindi tama na gamitin ko yung nararamdaman mo para sa akin, para sa pan-sarili kong intensyon." Sabi ko

Kahit nasaktan man nila ako, hindi ko kayang saktan sila pabalik. Importante pa rin naman sila sa akin. I still care. Kaibigan ko pa rin nama sila.

"Alright. I'll see you later. Think about it again. Eto lang ang paraan na alam ko para ipakita sayo yung nararamdaman ko." Sabi ni Jin bago siya umalis

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
another chapter! i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon