Chapter 13

3.1K 101 20
                                    

Ziah's POV:)
Nasa likod ko ngayon nakaupo si Viel and Dia dahil ang katabi ko ngayon ay si Ruki. Ang nakakapanibago dito parehas silang tahimik.

Nakapatong naman ang ulo ni Ruki sa balikat ko. Mukhang natutulog siya. Sa totoo lang ang gwapo tignan ni Ruki sadyang may pagka demonyo lang talaga ugali niya.

Gustuhin ko man maging loyal kay Kit at Jin, nandito si Ruki para sirain lahat nang yun. Wala naman kasi talaga akong balak na magkagusto sa kanya e, sadyang may mga bagay lang talaga na kusa na lang na nangyayari.

Nagulat ako nung may biglang humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako kay Ruki at napansin na nakatitig na siya sa akin.

"Anong iniisip mo?" Bulong na tanong niya sa akin

Kailangan niya ba talagang bumulong sa akin? Sino pa ba sa tingin niya ang iniisip ko? Panira kasi siya e, wala naman kasi akong balak magkagusto sa kanya e.

"W-Wala." Nauutal kong sagot

Ngayon lang ako nautal habang kausap siya. Minsan kasi sinisigawan ko lang siya.

"Are you thinking about Jin or are you thinking about Kit? Pwede bang wag mo muna silang isipin. Gusto ko, ako muna ang isipin mo." Sabi ni Ruki

Paano naman napunta sa usapan namin sila Jin at Kit? Alam ko namang may gusto ako sa kanilang dalawa pero kapag ganito makikipagusap sa akin si Ruki, baka hindi ko mapigilan sarili ko at sa kanya ako magkagusto.

"Hindi ko naman sila iniisip." Sabi ko

Bigla niyang tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko at biglang tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng kaba. Wala ba siyang pake na madaming nakatingin sa amin ngayon?

"Bakit namumula ka? Alam ko namang may gusto ka sa kanilang dalawa pero ang isip mo ngayon, pwede bang sa akin muna." Sabi ni Ruki

Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nasa kanya naman talaga lahat nang attention ko e. Hindi niya lang napapansin. Pero ganon ba kahalata na may gusto ako kay Jin at Kit? Masaya naman ako kapag kasama ko sila. Ibang iba lang talaga kapag kasama ko si Ruki. Nung hinawakan niya yung kamay ko bigla akong nakaramdam ng pag kuryente.

"Okay." Pagsangayon ko

Pagkatapos kong sabihin yun tumingin na ulit siya sa harap at pinatong niya na ulit ang kanyang ulo sa aking balikat.

~ TIMESKIP: LUNCH ~

Magkasabay kami ni Ruki ngayon na kumain. Inayos ko lang ang mga gamit ko saglit bago kami lumabas ng classroom.

"Ziah! Bilisan mo, baka maubusan tayo ng pagkain sa cafeteria!" Sigaw ni Viel

Etong batang to kahit kailan talaga. Hindi niya ba maalala na hindi ako sasabay sa kanila ngayon dahil kasabay ko si Ruki.

"Will you shut up. Umalis na kayo ni Dia. Sabay kaming kakain ni Ziah ngayon." Sabi ni Ruki

Buti naalala niya pa na magkasabay kaming kakain ngayon kasi kung hindi niya naalala, sasabay na lang ako kumain kayla Viel.

"Whatever sungit." Sabi ni Viel

Wag mong sabihin sa akin na nagiging bakla na si Viel. Joke. Alam ko namang may gusto si Viel kay Dia sadyang hindi lang talaga siya marunong umamin. Bubuhatin ko na sana yung bag ko pero bigla itong inagaw sa akin ni Ruki. Buti na lang walang masyadong laman yun.

"This is my first time carrying a bag." Sabi ni Ruki

Tumingin ako sa upuan niya. Wala ngang nakapatong na bag dito. Hindi ko alam kung estudyante pa ba to or hindi e. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang cafeteria.

Noong pagpasok namin dito, marami agad taong napatingin sa aming dalawa at sa kamay naming magkahawak. Don't get me wrong. Ruki and I aren't really together. It'll probably never happen dahil mukhang hindi pa siya nakakamove on sa ex niya.

Noong nilapag na ni Ruki ang mga gamit ko sa lamesa, pinaupo niya na rin ako dun. Napapansin ko na may mga babaeng dumadaan sa tabi namin na iniirapan ako.

"I'll order food for us. Stay here. Wag kang aalis." Sabi ni Ruki

Tumango na lang ako biglang tugon sa kanya. Noong nakaalis na si Ruki biglang may tumapik sa likod ko. Dahan dahan naman akong tumingin dito at nakakita nang isang hindi pamilyar na babae.

"Yes? Do you need anything from me?" Tanong ko

"Pwede bang lumayo ka sa Ruki namin." Sabi niya bago niya ko inirapan

Ruki nila? Sa tingin ba nila pwede nilang tignan si Ruki bilang isang bagay? Ano namang karapatan nila para sabihing pagmamayari nila si Ruki?

"Sino ka naman para sundin ko?" Tanong ko

Kung sikat man siya dito, wala parin akong pake. Hindi lang pwedeng angkinin si Ruki nang basta basta.

"I'm Marielle Johnson. The Queen Bee of this school and Ruki's First Love." Sagot sa akin nung babae

To be honest, I wasn't expecting that. Hindi ko alam na nandito pala siya. Buti nga nakita niya kong kasama si Ruki e. Tama lang na masaktan din siya. Tignan natin kung sino tatamaan ng karma.

"Wala kong pake sa kung sino ka. Kaya umalis ka na sa harap ko kasi para sa akin, basura ka lang." Madiin kong sabi

Wala kong pake kung magalit siya sa akin. Hindi niya naman deserve ang marespeto pagkatapos nang lahat nang ginawa niya kay Ruki.

"Aba't gaga pala e." Sabi ni Marielle

Sasampalin niya na sana ako pero nakita kong may lalaking nakahawak sa kamay ni Marielle. Nakita ko naman na katabi niya si Ruki. Walang emosyon sa mga mata niya habang nakatingin kay Marielle. Ganon din yung kaklase kong nagligtas sa akin.

"Pwede ba Marielle. Tigilan mo nga si Ziah." Sabi nung lalaki kong kaklase

Binitawan niya yung kamay ni Marielle. Inirapan lang siya neto. Mukhang kilala nila ang isa't isa.

"Wag ka nang lalapit sa kanya kasi kung hindi sisiguraduhin kong lahat kami makakalaban mo." Madiin na sabi ni Ruki

Akala ko ba first love siya ni Ruki? Nakikita ko parin naman yung pagmamahal sa mga mata ni Ruki pero halatang pinipigilan niya ang sarili niya na lumapit kay Marielle.

Tinignan muna ako nang masama ni Marielle bago siya umalis. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw sa kanya nang mga kaklase ko.

"Hi! Salamat sa pagligtas sa akin. Ano ngang pangalan mo?" Tanong ko

"I'm Ace Francisco. It's nice to finally meet you, Ziah." Sagot niya na may kasamang ngiti

Magse-shake hands na sana kami nang biglang humarang si Ruki sa pagitan namin. Ano nanamang problema neto?

"That's enough. I appreciate you saving her, Ace." Sabi ni Ruki

"Alright. See you around, Ziah." Sabi ni Ace at nag wink

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now