Chapter 8

3.8K 113 6
                                    

Ziah's POV:)
It was already lunch break and nandito na kaming apat sa cafeteria. It was me, Viel, Dia and Kit sitting together in our usual lunch table. Hindi ko alam kung nasan si Jin or si Ruki pero nung pagbalik namin kanina sa classroom wala sila doon.  Wala ako sa mood kumain ngayon, kaya kinain ko na lang yung baon ko ngayon na chocolate and chips.

Nakihati din sa akin sila Viel ng pagkain dahil tinatamad daw silang bumili. Tinatamad daw pero nung tinignan nila wallet nila kanina para silang namutla. Wala na sigurong pambili ng food. Buti na lang at marami akong binaon na chocolate and chips. Ayoko namang maging madamot, kaya I shared my blessings. Although sinabi ko sa kanila na kailangan nila ako ilibre next time. Pumayag naman silang apat. Kinuha pa nga nila number ko e.

Kinilig ako nung si Kit yung kumuha nung number ko. Aaminin ko na, dalawa yung crush ko. Kasalanan kasi talaga to ni Kit e, napaka gentleman niya kasi and ang bango niya pa. Let's all admit that all of us girls wants that type of guy.

"Alam mo Ziah, ngayon lang ako nakakita ng isang babaeng matapang na katulad mo. Ikaw lang kasi yung babaeng kayang sigawan si Ruki e." Sabi ni Viel

Himala hindi malakas boses niya ngayon. Okay lang din naman, para mapahinga din yung boses niya.

"Medyo nadala lang naman kasi ako sa emosyon ko nun, nakakainis kasi yung mga inaasal niya. Di ko na napigilan sarili ko, kaya sumabog na ko." Sabi ko

Hindi naman kasi pwedeng ganon na lang yung ugali niya sa akin no? Pero kailangan ko nang bawas bawasan yung pagsisigaw ko sa kanya. I'm going to help him in any way possible.

"Ikaw din ang kaisa-isang babaeng nainis sa kanya, everybody finds him charming and handsome." Sabi ni Dia na para bang nandidiri siya

Aware naman ako na gwapo siya. Alam ko din maraming patay na patay sa kanya. Marami ding magtititili dyan kapag nakita nila si Ruki pero hindi naman ako ganon kabaliw para pumatol sa kanya no? I have decided to keep my sanity kasi kung hindi baka isa na ko dun sa mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Ruki.

"Di ka ba nainis sa kanya kahit isang beses?" Tanong ko

Hindi naman kasi pwedeng ni isang beses, hindi siya nainis kay Ruki diba? Nakakainis kaya yung ugali ni Ruki.

"Minsan but you know that we can't stay mad at him. Matagal na naming kaibigan yan si Ruki so we're able to understand why he acts that way kahit pa minsan sobrang sama na nung ugali niya." Sagot ni Dia

Siguro ganon din ako kapag matagal ko nang kabarkada yan si Ruki. Yung tipong gusto ko na siyang saksakin dahil sobrang nakakairita na siya. I don't know if I would call Ruki annoying pero parang ganon na rin naman yun.

"I'll see you later, Ziah." Biglang sinabi ni Kit

Tumayo na siya mula sa inuupuan niya kanina pero bago siya maglakad palayo, binigyan niya ko ng isang halik sa pisngi ko. Naramdaman ko namang mamula yung mukha ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa ginawa niya. Bigla niya namang hinawakan yung chin ko at pinilit na tumingin sa kanya.

Binigyan niya ko nang isang malaking ngiti at nag wink siya. I'm pretty sure na mukha na kong kamatis ngayon. Binitawan niya na yung chin ko at naglakad na paalis. You know what? I'm officially not loyal. Like what the hell just happened? Kumakalabog yung puso ko ngayon. Kinikilig ang lola niyo! Hindi naman sa lola ako pero good mood ako, kaya pwede na din yun.

"HUY!" Sigaw ni Viel at nag snap ng finger sa harap ko causing him to interrupt my flow of thoughts

Ano ba naman yan! Nagda-daydream pa ko dito e! Men. Ayoko na. Someone please tell me, how to be loyal? Paano?! Kung lahat ng taong nakapaligid sayo sobrang gwapo.

"Kinikilig siya oh! Sobrang pula mo na." Sabi ni Dia

Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil naramdaman ko yung pagkainit neto. Binigyan ko naman si Dia nang matalim na tingin. Aware naman ako na kinikilig ako pero hindi niya naman kailangan mangasar dahil lalo akong kikiligin.

"Eww. Iba yung ship ko." Sabi ni Viel sabay irap

Napaka ano talaga neto. Kahit kailan napaka panira talaga ng mood tong si Viel. Kontrabida sa buhay.

"Sino naman yung shini-ship mo?" Tanong ni Dia

Isa pa to. Minsan pag nakikisabay siya sa mga trip ni Viel, sarap nilang hambalusin na dalawa. Minsan sobrang pambata nung mga trip ni Viel, sinasabayan naman ni Dia. Isip bata yata tong dalawang to e.

"ZiKi." Maiksing sagot ni Viel

ZiKi? Saan naman nanggaling yun? Baka naman pinagsama niya yung pangalan namin ni Kit? Parang hindi kasi. Processing parin sa akin kung sino yung tinutukoy niya. Di ko pa naman kakilala lahat ng nasa classroom.

"Pwede! Ziah + Ruki=ZiKi." Sabi ni Dia

Bakit nila ako sine-ship kay Ruki? Hindi kaya kami bagay. Palagi kaming nagaaway niyang tapos dyan nila ako ipe-pair? No thanks.

"No way." Sabi ko

Gwapo siya, I know that. We all know that his first love is here. We also can't forget the fact that he hates me and we can't change the fact na sa laki ng galit niya sa akin, kulang na lang i-wish niya na mamatay na ko.

"Ang kontrabida mo." Sabi ni Viel

Ako pa talaga yung naging kontrabida ah. Lakas pala ng tama netong si Viel e. Sana bago niya ko shinip dyan, inalam niya muna kung sino yung mga crush ko. 'Mga' kasi dalawa sila.

"Bakit bida ka ba?" Tanong ko

Call me savage but you can't ship me with someone, I don't even like. We both despise each other and nothing's going to change that fact. Tsaka sa aming dalawa, siya yung kontrabida. Ayaw niya kasing tanggapin na may slight crush ako kay Kit. Panira siya nang moment e.

"Grabe ka naman. Ang sama mo talaga sa akin." Sagot ni Viel at nagkunwari siyang umiiyak

Parang bata na nga magisip, parang bata pa kumilos. Hindi pala bata, isip bata to be exact. I sometimes don't like the way Viel is acting pero I can say that he's kind of cute.

"Kumain ka na nga lang dyan. Wag ka nang maginarte dyan, dinaig mo pa babae e. Nagmu-mukha ka tuloy bakla." Sabi ko na at inabutan siya nang chocolate. He gladly accepted it.

Lahat sila mahilig sa chocolate and me? Pwede na. Kapag trip kong kumain ng chocolate sobrang dami kong nakakain. Pag alam kong hindi ko siya kayang kainin magisa, namimigay na lang ako. Para kasing mga patay gutom tong mga to e.

When Viel told me that he shipped me with Ruki. Naalala ko bila yung favor sa akin ni Wayne. Should I really do it? Baka mapatay lang ako nun. Medyo KJ pa naman yung isang yun. Sarap din sabunutan minsan. Nasan na kaya siya?

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
hope that you liked this chapter! pwede rin kayong mag request ng story titles.

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now