Chapter 29

2.2K 67 1
                                    

Ziah's POV:)
Bakit parang biglang umurong yung dila ko? Para bang ayokong sabihin sa kanila. Sila lang ang mga taong nagpapasaya sa akin.

"Ano namang sasabihin mo?" Tanong ni Jenric

They were all staring at me intently. Sobrang hirap talagang ma-attach sa tao tapos bibitawan mo rin sa huli.

"Kailangan ko na umalis ng section na to." Sagot ko

Lahat sila natahimik at ni isa sa kanila hindi nagsalita. Masyadong nakakabingi yung katahimikan. Hindi ako sanay na ganito sila.

"Dahil ba nagsinungaling kami sayo?" Tanong ni Viel

Hindi nila alam napatawad ko na sila. Naghihintay pa rin ako na magsorry sila sa akin pero kahit na ganon, hindi naman talaga nila kasalanan yun e. May kasalanan din ako. Hindi ko alam na kapatid ko si Zander.

"No. It's not about that." Sagot ko

Gusto kong kausapin si Zander tsaka si Kuya Javier kasama na rin si Z pero hindi pa ko nagkakaroon ng chance na makipagusap sa kanila. Hindi pa rin ako handang umuwi.

"E bakit ka aalis?" Tanong ni Nixon

Wala naman na akong issue sa kanila. Wala lang talaga akong choice kundi umalis.

"Ruki's grandfather called me in his office this morning. I have been told that I need to transfer in a different section dahil napasa ko na lahat ng subjects ko. Yun lang naman yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon." Sagot ko

Nagulat ako nang biglang tumayo si Ruki sa kinauupuan niya at umalis ng classroom. Ano namang problema nun? Dapat nga masaya siya e. Matagal na naman niya kong gustong umalis ng section na to diba?

"Please. Wag mo kaming iiwan, Ziah." Sabi ni Viel

Tumayo si Viel sa kinauupuan niya at biglang lumapit sa akin. Hinila niya ko papalapit sa kanya bago niya ko niyakap ng sobrang higpit.

"Hindi ako pwedeng sumuway sa utos ng lolo ni Ruki. Siya ang Principal dito." Sabi ko

Tinanggal ko ang mga kamay ni Viel mula sa pagkakayap sa akin at umatras ng onti.

"So ganon na lang yun? Iiwan mo ang section natin dahil lang sinabi ng lolo ni Ruki?" Tanong ni Constantine

Akala ba nila madali lang sa akin ang pagalis dito sa section na to? Gusto ko din namang manatili pero wala naman akong choice e.

"Hindi naman madali to para sa akin e. Kung ganon lang sana kadaling mag stay edi sana wala ako sa harap niyo ngayon." Sagot ko

Gustong gusto ko manatili. Gustong gusto kong sabihin sa lolo ni Ruki na hindi ako aalis ng section na to pero sabi nga ni Damon, hindi naman makikinig sa akin yung lolo ni Ruki.

"Alam niyo kahit gustuhin nating manatili dito si Ziah, kilala niyo naman ang lolo ni Ruki. Hindi siya makikinig sa atin. Alam niyo rin naman na hindi maganda yung nakaraan nila ni Ruki. Wag na tayong umasa na papayag ang lolo ni Ruki na manatili dito si Ziah. Alam niyo naman na kapag napagdesisyunan niya na, hindi na magbabago ang desisyon neto kahit si Ruki pa ang kumausap sa kanya." Sabi ni Jin

Tama nga si Damon sa sinabi niya. Galing na to kay Jin. Ang best friend ni Ruki since childhood days. Hindi ako sigurado kung magkaibigan na ba sila din e then. Hindi ko naman natanong sa kanila kung kailan sila naging magkaibigan.

Ruki's POV:)
Lahat na lang ba ng mga taong mahal ko ilalayo niya sa akin? Nung una sinabi sa akin ni lolo na gusto niya si Marielle at gusto niyang pakasalan ko to. Sinabi ko naman sa kanyang may iba akong gusto. It came to a point where Marielle threatened me with Ziah's life. Pumayag ako na maging girlfriend did Marielle pero hindi ibig sabihin nun, papayag ako na pakasalan siya.

Nang makarating ako sa Principal's Office, hindi ko na naisipang kumatok at pumasok na ako kaagad. Wala na kong pakielam kung bastos man tong ginagawa ko.

"Look who decided to show himself up." Sabi ni Lolo

Hindi kasi ako pumupunta dito sa office niya kahit ipatawag niya pa ako pero iba na to. Hindi ako papayag na i-transfer niya si Ziah sa ibang section. Hindi ko na nga siya nakakausap ng maayos tapos ilalayo niya pa siya sa akin. I can't let that happen.

"Ibalik mo si Ziah sa Section F." Sabi ko

Alam niyo ba kung bakit ako galit sa buong pamilya ko? Dahil ni minsan, ni isa sa kanila walang nagparamdam sa akin na parte ako ng pamilya namin. Ziah was the only one who made me feel different.

"I guess that triggered you. Okay. I'll bring her back, in one condition. Marry, Marielle." Sabi ni Lolo

That's the last thing I'll ever do. Ilang beses ko bang sasabihin to sa kanila. Hindi na dapat siya bumalik nung iniwan niya ako. Matagal ko na siyang itinapon.

"Hindi ko gagawin yun. Mamamatay muna ako bago ko gawin yun." Sabi ko

I always disobey them. Bakit ko naman sila susundin? I own my life. Wala naman din silang pake sa akin so hindi ko sila kailangan sundin.

"You always disobey us! For once make us proud!" Sigaw ni Lolo

Unbelievable. Make them proud? Is he really serious right now?

"Bakit kailan niyo ba ko pinahalagan? Kailan niyo ba nakita yung mga efforts ko? Sa ibang mga achievements ko ba sa buhay, naging proud ba kayo sa akin? Kailan niyo ba ko itinuring na parte ako ng pamilya natin? Kailan ko ba naramdaman na sinupportahan niyo ko? Alam niyo ba yung feeling na hindi ka pinahahalagahan ng sarili mong pamilya? Alam niyo ba kung anong pinagdaanan ko para lang makuha yung mga achievements ko? Para lang maging proud kayo sa akin. Alam niyo ba yung feeling na naiingit ka sa ibang tao dahil tanggap sila ng pamilya nila despite all their flaws. Hindi niyo ba alam na sobrang sakit dahil hindi ka tanggap ng sarili mong pamilya. Si Ziah lang ang nagparamdam sa akin na kahit isang tao tanggap ako sa kung ano ako." Sabi ko

Hindi na nagsalita si Lolo. Hindi naman kasi talaga nila alam yung mga pinagdaanan ko sa buhay e. Ngayon lang ako naglabas ng hinanakit ko.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to dm me!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon