Chapter 40

3.7K 66 6
                                    

Jin's POV:)
Nakita ko si Marielle at si Ruki na nagaaway kanina sa may tulay. Ano namang ginagawa ko dun? Pauwi na ako nun at dahil tinamad akong magdala ng kotse, napagpasyahan ko na maglakad na lang pauwi.

Sa dinami-dami ng lugar na pwede nilang pagawayan sa tulay pa talaga? Bahala na nga sila. Kasalanan naman nila pareho e kung bakit umalis si Ziah.

Nung nakauwi na ako, umakyat agad ako sa rooftop ng building namin. Hindi para tumalon pero para uminom. Eto ang kauna-unahang pagkakataon na iinom ako. Oo dahil to kay Ziah. Kung pinaglaban ko lang sana siya noon edi sana masaya na kami ngayon.

"Ah, fuck!" Sigaw ko

Nilalabas ko lang naman lahat ng sama ng loob ko. Wala namang pake ang mga tao dito kung sumigaw ako ng sumigaw e. Pagmamayari ko naman tong building na to. Sana yung puso niya din. Binato ko na lang yung bote sa may pader at umiyak.

Para na ba akong bakla neto? Kung pinaglaban ko lang sana si Ziah noon edi sana parehas kaming masaya ngayon. Bakit ba kasi napaka tanga ko? Mahal ko siya pero hinayaan ko lang siyang masaktan ng sarili kong best friend.

"The fuck bro. Papakamatay ka ba?" Sabi ng isang pamilyar na boses

Tumingin naman ako doon sa pwesto na kung saan nanggaling yung boses at nakita si Wayne. Yes. He lives here pero minsan umuuwi siya sa bahay nila. Pag may problema lang naman siya nandito e.

"Gago. Hindi naman ako suicidal. Naglalabas lang ako ng sama ng loob. Ikaw? Bakit ka nga ba nandito?" Tanong ko

May tambayan dito sa rooftop ang buong Section F kaya kahit sino pwedeng pumunta dito. Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ipakita to kay Ziah. Lahat ng taga Section F, may susi dito.

"I should have protected her pero hindi ko nagawa e. Hinayaan ko lang siyang masaktan. Sobrang hirap pala no? Kapag may gusto kang protektahan pero hindi mo alam kung paano kasi kaibigan mo din yung nanakit sa kanya. How does it feel, Jin? To be in love with someone who doesn't love you back?" Tanong ni Wayne

Parang bata kasi siya e. Ang ibig kong sabihin ay wala pa siyang experience sa pagmamahal. Siguro kapag may nagustuhan siya, isang linggo lang nagtatagal. Don't expect much from us. We're never that interesting.

"Nagustuhan niya naman ako dati pero wala e, biglang dumating si Ruki. Sinabi ko sa sarili ko na hahayaan ko na lang siya basta masaya siya. Mali pala ako. Oo naging masaya siya nung una pero ang hindi ko alam, sasaktan din pala siya ng sarili kong best friend. Gustong gusto kong magalit kay Ruki pero hindi ko kaya. She also asked me not to. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin. Alam mo Wayne nung oras na sinaktan ni Ruki si Ziah, sira na agad ang pagkakaibigan namin. Sinusubukan ko lang maging mahinahon para may Ziah." Sagot ko

"Sana masaya siya ngayon. Hindi ko nga ine-expect na mangyayari to ngayon e pero wala, nangyari na. Sana nga pag bumalik siya dito, hindi niya na mahal si Ruki. Sana ikaw naman yung taong magpapasaya sa kanya. I trust you, Jin. Besides Dia, parang kapatid ko na rin si Ziah." Sabi ni Wayne

Tinapik niya naman ako sa balikat bago tuluyang umalis. Sana nga bumalik siya. Sana tuparin niya yung pangako niya sa amin.

Kit's POV:)
Iniwan na ko ng sarili kong best friend. Basing basa na ako ngayon dahil nakalutang ako ngayon sa swimming pool. Sabi niya sa akin mahal niya ako pero bakit ganon? Hindi ko manlang naramdaman.

Hindi ko manlang siya nakausap ng maayos bago siya umalis. Ang tanga tanga ko naman kasi. Hindi ko manlang naramdaman na minahal niya pala ako. Sana pwede ko pang ibalik yung mga oras na yun. Para naipakita ko din sa kanya na mahal ko siya.

Hinampas ko yung tubig. Inis na inis ako sa sarili ko. Kung alam ko lang na minahal ako ni Ziah noon edi sana kami na ngayon. Sana hindi siya nasaktan ni Ruki.

"Just as I thought. Papakamatay ka na ba, pre? Sige. Go. Panoorin pa kitang lunurin yung sarili mo." Sabi ni Jenric

Paano naman nakapasok tong siraulo na to sa loob ng bahay namin? Panira naman to ng moment. Sino din bang may sabi sa kanyang magpapakamatay ako?

"Mauna ka na. Gago. Sunod na lang ako. Paano ka nakapasok dito? Bawal ka dito ah." Sabi ko

Hindi naman ibig sabihin ng nakahiga sa swimming pool magpapakamatay na e. Porket ba nandito ako, papakamatay na agad? Di ba pwedeng nagiisip lang?

"Parang hindi mo naman ako kaibigan, pre. Nakalimutan mo na ba? Pwedeng pumasok dito lahat ng taga Section F. VIP pass, bro." Sabi ni Jenric

Oo nga pala. Lahat ng kasambahay namin pati guard basta taga Section F ka papasukin ka. Memorize na ng mga tao dito kung sino mga taga Section F. Ang hindi lang nila nakilala ay si Ziah. Hindi ko nga pala nadala dito si Ziah. Siguro pag bumalik na lang siya.

"Masakit ba, pre? Yung maiwan ng sarili mong best friend?" Tanong ni Jenric

Alam mo minsan gusto ko na lang siyang suntukin e. Wala kasing best friend si Jenric. Dati meron pero wala na. Namatay na dahil sa isang accident. Simula noon pinangako niya na sa sarili niya na hindi na siya maghahanap ng bagong best friend.

"Mahal ko siya. Kaya syempre masakit. Parang namatay na rin ako nung umalis siya. Hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos." Sagot ko

Hihintayin ko siya kahit na ilang taon pa yan. Maghihintay ako kahit ilang taon man ang abutin niya. Ang tanga ko no? Para isipin na babalik pa rin siya.

"Gago pre. Torpe ka naman kasi e. Bahala ka nga. Bibisitahin ko muna best friend ko sa puntod niya. Maya na lang." Sabi ni Jenric

Sobrang hirap naman kasing ipaglaban nung taong mahal mo lalo na kung alam mong hindi ikaw yung taong mahal niya.

Ruki's POV:)
Nakaupo ako sa bathtub ko. Wala pa naman akong balak na lunurin yung sarili ko. Tinamad na din akong maghubad ng damit ko kaya hindi ko na inabala pa.

Gusto ko Lang magising sa katotohanan na wala na siya sa buhay ko. Nagulat naman ako ng may biglang pumasok sa loob ng banyo ko. Nakita ko naman si Nixon. Tangina.

"Oh, gago. Anong ginagawa mo?" Sarkastikong tanong ni Nixon

Putangina. Nandito ba siya para lang mangasar. Kung nandito lang siya para dun, papatayin ko siya.

"Kailangan mo?" Maiksing tanong ko

"Wala naman, men. Naisip ko lang na kailangan mo ng kadamay ngayon. Hindi kapani-paniwala no? Wala na si Ziah. Sakit pala." Sagot ni Nixon

Para naman siyang bakla. Kailangan niya din bang ipaalala sa akin na wala na si Ziah. Gago talaga. Walang magawa sa buhay.

"Sa akin lang siya." Sabi ko

Bigla naman niya kong tinaasan ng kilay bago niya ko inirapan. Bakit feeling ko bakla talaga siya?

"Sayo nga hindi mo naman pinahalagahan. At the end of the day, hindi na siya sayo. Sana alam mo yun. Bye men. Pagbalik niya, magdasal ka na lang na ikaw pa rin ang mahal niya." Sabi ni Nixon

"Sisiguraduhin kong ako pa rin ang mahal niya." Sabi ko

END OF BOOK 1.

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now