Chapter 6

3.9K 120 5
                                    

Ziah's POV:)
Tumakbo na ako papunta sa classroom dahil alam kong late na ko. Bahala na si Ruki sa buhay niya. Wala na kong pake kung malate din siya, kasalanan niya naman to e.

Nung binuksan ko yung pinto sa classroom, lahat sila napatingin sa akin; even Jin looked at me. Tinaasan ako nang kilay ni Jin. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina dahil bigla na lang ako hinila paalis ni Ruki. Babawi na lang ako sa kanya. Napatingin naman ako sa harap to check if I was interrupting a class but thankfully walang teacher.

Umupo na ko sa pwesto ko and being in between two people, who are probably blabbering non-sense; they didn't even notice me sit beside them. They're still both noisy and I feel like parehas silang nakakain ng microphone.

Bigla namang lumapit si Jin sa pwesto namin. That's where Viel and Dia stopped talking. They just exchanged glances. Kumuha ng silya si Jin sa harap ko at binaliktad niya ito, para magkaharap na kami.

"Bakit bigla kang nawala kanina?" Tanong ni Jin

Nagulat naman ako dahil biglang bumukas yung pinto, it was Ruki and he was glaring at me. Padabog niyang sinarado yung pinto causing me to jump a little bit. Pati ba naman pinto dinadamay niya sa galit niya.

Inalis ko yung tingin ko sa kanya. Nung binalik ko yung tingin ko kay Jin, Jin was intently looking at Ruki. He looks like he was observing him. Eto namang dalawa na nasa tabi ko, mukhang nakikichismis. Pagdating talaga sa chismis laging napapansin netong dalawang to.

"Meron kasing lalaki kanina na binastos ako. He was from Section 2. Ruki saved me but then let's all accept this fact, hindi anghel si Ruki na bumaba sa langit. Pagkatapos niya kong iligtas, siya naman tong nagpapaalis sa akin sa Section F." Sagot ko

Pabulong ko lang kwinento kay Jin yun. Alam naman nating malakas yung pandinig ni Ruki. Kung malakas na yung music, mas malakas yung pandinig niya. Pag triny ko siguro yung ganon, wala na kong maririnig sa paligid ko.

"So you haven't eaten yet?" Tanong ni Jin

Umiling iling lang ako. Okay lang naman na hindi ako nakakain, meron pa kong chips tsaka chocolate sa bag. Biglang tumayo si Jin sa pagkakaupo niya sa harap ko at pumunta siya sa pwesto niya.

Nung bumalik siya sa pagkakaupo niya sa harapan ko, inabutan niya ko ng cake tsaka mango-banana shake. May hawak din siya para sa sarili niya, mukhang hindi niya kinain yung food niya.

Kinuha ko naman yung bag ko at kinuha ko yung chocolate na baon ko. Inabot ko naman to kay Jin na may kasamang malaking ngiti. Ang panget talaga nung una naming pagkikita kasi in all honesty, sobrang bait pala talaga ni Jin.

"AKO DIN ZIAH! GUSTO KO NANG CHOCOLATE!" Sigaw ni Viel

Nakakagulat yung biglang pagsigaw ni Viel. Malapit pa siya sa tenga ko ah. Nakakain ba talaga to ng microphone? Ilang taon na ba siya at ganyan parin siya umakto? Kumuha na lang ako nang chocolate sa bag at inabot sa kanya para matahimik na siya.

"Okay ka na? Happy ka na? Pwede ka namang manghingi nang maayos e, hindi mo naman kailangan sumigaw pa." Sabi ko and I slightly ruffled his hair

Binuksan ko na yung cake na binigay sa akin ni Jin at tinikman ito. Medyo ang awkward nga lang nung sumusubo ako, halos lahat sila nakatingin sa akin. Di ko rin naman maiwasan mapatingin kay Ruki, he has his usual blank expression habang nakatingin sa akin.

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now