Chapter 14

3K 109 2
                                    

Ziah's POV:)
I'm not really the typical person, who likes to explain things but I'm on my way home right now. Wala ako sa mood sumabay kay Zander ngayon dahil ayoko nang magkaroon pa ng issue about me.

Ang dami ko na ngang naririnig na issue tungkol sa akin tapos dadagdagan pa nila. Gusto ba nilang bigyan ko sila nang papel? Para naman may maisulat sila tungkol sa sarili nila.

Naglalakad ako pauwi ngayon dahil medyo malapit lang naman bahay namin sa school. Napatigil naman ako nung may nakita akong mga gangster na nagaaway.

Narealize ko na si Viel yung isa sa nakikipagaway. Ano nanamang kalokohan tong pinasok netong bata na to? May sugat na nga siya sa mukha tapos gusto niya pang dagdagan.

Lumapit ako sa kanila at sinipa yung isa sa mga kalahan ni Viel. Napatingin naman ako kay Viel at binigyan siya nang isang matalim na tingin. Tinignan niya din ako pabalik nang may kasamang awkward na ngiti.

"Men! May chicks pala tayo dito e." Sabi nung isa sa mga lalaki

Tinignan ko siya nang masama. Chicks ka dyan! Mukha ba akong anak manok?

"Ano nanaman kalokohan to, Viel?" Tanong ko

Lakas naman kasi talaga nang tama neto ni Viel. Lagi na lang siyang nasasangkot sa gulo. Ako tuloy yung naloloka sa kanya.

"Maguusap tayo mamaya pagkatapos neto." Sabi ko

Tinulungan ko na lang siyang kalabanin tong mga lalaking to para matapos na.

~ TIMESKIP:AFTER THE FIGHT ~

Nakahandusay na lahat ng mga kaaway ni Viel kanina. Paano naman ako natutong lumaban? Pinagaral ako ng parents ko ng taekwondo para daw maprotektahan ko sarili ko sa mga ganitong sitwasyon.

"Alam Ziah, ang galing mo pala lumaban no?!" Natutuwang sabi ni Viel

Binigyan ko naman siya nang isang matalim na tingin bago ko siya hilahin sa tenga niya. Etong batang to walang ibang alam kundi humanap ng away.

"Aray Ziah! Bitawan mo tenga ko!" Sabi ni Viel

Hinila ko siya nang ganon hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Kailangan kong gamutin yung galos niya sa mukha. Nadadagdagan pa nga yung sugat niya dahil nagkaroon din siya nang sugat sa pisngi niya.

Hinila ko na siya papasok nang bahay namin at nadatnan namin sila Zander na nakatambay sa sala. Napatingin sila sa aming dalawa ni Viel.

"Hi Ziah!" Sabay sabay nilang bati sa akin

Tumango ako bilang tugon at hinila si Viel papunta sa dining table namin. Pinaupo ko siya dun bago ako umalis para kuhanin ang first aid kit namin. Noong bumalik ako, tinabihan ko siya at sinimulan ko na ang pag gamot sa mga galos niya sa mukha.

"Grabe naman yung pag hila mo sa tenga ko kanina! Feeling ko tuloy matatanggal na yung tenga ko." Sabi ni Viel

Kahit kailan talaga napaka OA netong batang to. Kung hindi ko lang siya kaibigan, pinabayaan ko na makipagaway dun mag isa kanina e.

"Ang dami mo kasing kagaguhan sa buhay. Diba sinabi ko na sayong wag ka nang makikipagaway." Sabi ko bago ko siya binatukan

"Aray ko naman!" Sabi ni Viel habang hinihimas yung parte nang ulo niya kung saan ko siya binatukan

Habang ginagamot ko ang mga galos ni Viel sa mukha, bigla naman ding pumasok sila Zander sa dining area.

"Ang caring girlfriend natin ah." Pangaasar ni Jett

Caring girlfriend? Ako? Kay Viel? Parang hindi ata magandang pakinggan dahil mukha kaming magkapatid ni Viel.

"Gago, anong caring girlfriend? Mas bagay kami ni Ziah no tsaka sure naman akong hindi siya papatol sa bata e." Sabi ni Kane

To be honest, gwapo naman talaga si Kane. There's also a possibility na magugustuhan ko siya pero ang problema lang talaga kay Kane ay isa siyang playboy. Parehas sila ni Jett.

"Asa ka namang bagay kayo ni Ziah. Mas bagay kaya kami. Diba Ziah?" Sabi ni Damon habang nakangisi

Eto naman ding si Damon, gwapo din siya in fact mas gwapo siya kay Kane pero I don't see myself falling in love with a fuck boy dahil alam naman natin yung magiging ending niyan.

"Alam mo Damon, gumising ka nga sa katotohanan. Hindi kayo bagay ni Ziah dahil mas bagay kami." Sabi naman ni Sage

Sage is the type of person who likes to read. Nung una ko siyang nakita akala ko isa siya sa mga normal na tao sa barkada ni Zander, yun pala may pagka play boy din siya. Don't get me wrong gwapo siya pero feeling ko hindi kami magkakasundo.

"Kadiri naman kayo. Kami kaya yung mas bagay." Sabi ni Enzo

Enzo may be the perfect boyfriend material dahil sa sobrang bait niya pero hindi magma-match ugali namin. Mala-anghel kasi siya and I'm his complete opposite so magca-clash ugali namin.

"Bakit niyo pinagaawayan kung sino mas bagay kay Ziah? Mas maganda yung naisip ko na tao para sa kanya." Sabi ni Viel

Eto nanaman si Viel at ang mga kalokohan niya. I will admit it though, medyo nagugustuhan ko na si Ruki dahil maayos na yung pagtrato niya sa akin ngayon.

"Sino naman yun?" Tanong ni Constantine

Alam niyo pag si Viel nagsasabi, hindi na dapat sila nagtatanong dahil alam naman nating sobrang lakas lang talaga nang tama niyan ni Viel.

"ZiKi." Sagot ni Viel nang may maliit na ngiti sa mukha niya, diniinan ko naman yung bulak na nakalagay sa mukha niya

"Aray ko naman Ziah!" Pasigaw na sabi ni Viel

"ZiKi? You mean Ziah + Ruki?" Tanong ni Zander

Hindi ko alam kung bakit nagtatanong pa sila kung sobrang obvious na nga nung sagot. Ni hindi ko nga alam kung bakit gustong gusto kami ni Viel para sa isa't isa e.

"Yeah sino pa ba?" Sarkastikong tanong ni Viel

Alam naman nating may galit tong dalawa sa isa't isa tapos eto pang si Viel, minemention pa si Ruki. Gustong gusto talaga maghanap ng away netong bata na to.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
di ko alam kung bakit ang hilig kong magbigay ng cliffhanger but i still hope that you enjoyed reading this chapter! comment here if you have any ideas that you wanna share!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz