Chapter 38

2.3K 62 1
                                    

1 WEEK LATER.
Ziah's POV:)
Nakalipas na ang isang linggo. Kahapon pa ko nakapagimpake. Isang linggo na din kami hindi nagpapansinan ni Ruki. Nakita niya pa nga akong magimpake e pero hindi manlang niya ko pinigilan. Siguro nga eto na ang tamang panahon para makapag move on na ako sa kanya. After all hindi niya naman ako minahal.

Umasa lang ako sa mga bagay na alam ko namang walang pagasa. Ignoring him was the hardest part for me pero hindi naman siguro siya nahirapan. Ngayon sigurado na ako, na ayaw niya na talaga ako sa buhay niya.

Gusto ko namang bigyan ng oras yung sarili ko para maging masaya, noon kasi kay Ruki ko lang tinutuon ang lahat ng oras ko. Sa susunod hindi ko na ulit ito gagawin. Hindi na ko magpapakatanga.

Nasa airport na ako ngayon at hinihintay ko na lang na tawagin yung flight ko. Nauna nang umalis kahapon si Damon, nagpunta muna siya sa China. Doon muna kami pupunta bago kami lumipat ng Korea. These past few weeks, hindi ko na masyadong nakikita si Ruki. Kahit anino niya.

Nagulat naman ako ng makita ko na tumatakbo ang buong Section F sa airport. Bigla naman akong nakita ni Viel, agad naman silang lumapit sa akin. Niyakap niya ko ng sobrang higpit, para bang ayaw niya na akong pakawalan.

"Hindi mo na ko matatakasan ngayon. Wais to, wais." Sabi ni Viel

Bakit naman sila nandito? Tinapos ko na ang relasyon ko sa kanila nung nakaraang araw diba? Hindi ako pwedeng manatili dito dahil lang hiniling nila akong manatili dito. Nakapag desisyon na ako.

Tinanggal ko ang mga kamay ni Viel na nakapulupot sa bewang ko. Lumayo naman ako sa kanya ng konti. Pagkatapos ng ilang minuto nakalapit na rin sa akin yung ibang mga kaklase ko.

Kung alam lang nila kung gaano ko sila mami-miss. Wala naman akong ibang choice e. Gustuhin ko man manatili dito at tapusin ang pagaaral ko kasama sila, hindi ko magagawa yun kung palagi na lang ganito ang sitwasyon.

"Guys. It's time for you to let me go. Napagdesisyonan ko na to. Wala nang makakapagpabago nun. Sa huling pagkakataon gusto ko lang malaman niyo na mami-miss ko kayo. Hihintayin ko kayong lumaki ng maayos. Babalik naman ako ng Pilipinas e, hindi lang ngayon. It may take me a few years since I still have to finish my studies there. I'll try. I'll try to contact you." Sabi ko

Ayokong umiyak dahil naubos na ang mga luha ko nung isang linggo. Isang linggo ko pang iiyakan ang mga taong maiiwan ko dito.

Hinila ako ni Jin papalapit sa kanya at niyakap. Best friend ko siya simula nung 3rd year ng highschool ko. Sobrang komportable ako sa kanya. Mami-miss ko siya. Mami-miss ko yung mga daldal naming dalawa.

"Could you at least tell me that you love me?" Tanong ni Jin

Minahal ko naman talaga siya noon e. Not as a best friend. As a lover. Hindi niya lang napansin. Nung tinulugan ko si Ruki, unti unti ko na siyang nagustuhan. Doon ko nalaman na hanggang mag best friends lang kami ni Jin. Mahal ko pa rin naman si Jin pero bilang isang best friend na lang talaga.

"I love you, Jin. I'll see you as soon as I can. Don't forget me." Sagot ko ng may kasamang maliit na ngiti

Lumayo na siya sa akin. He was smiling pero umiiyak din siya at the same time. Ayokong iwan siya dito pero kailangan ko talagang gawin to.

Tumalikod na ako sa kanila pero nagulat ako ng may biglang sumigaw at paglingon ko dito, nakita ko si Ruki.

"Ziah! Don't leave me, please." Sigaw niya

Iniwas ko na ang tingin ko at patuloy na naglakad palayo. Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako at nakita ko si Ruki. Ano nanaman ang gusto niya ngayon? Akala ko ba gusto niya na kong umalis?

"Please." Pagmamakaawa niya

Huminga ako ng malalim.

"I'm sorry. I can't. Damon is waiting for me there." Sabi ko

Biglang lumapit sa amin si Viel at sinubukan niyang tanggalin yung pagkakahawak sa akin ni Ruki.

"Ginawa mo naman yung gusto ni Jin ah pero bakit hindi mo magawa yung hinihingi kong favor mula sayo." Sabi ni Ruki

Pinipilit pa rin tanggalin ni Viel yung pagkakahawak sa akin ni Ruki pero masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya sa akin.

"Ruki. Let her go." Sabi ni Viel

Hinawakan ko yung kamay ni Viel at tinulungan ko siyang tanggalin yung kamay ni Ruki. Napatingin naman sa akin si Viel.

"Bitaw ka muna Viel. Ruki let go. I'm not going to stay here just because you asked me to. I told you, I tried my best. Siya pa rin ang mahal mo e. Ano namang magagawa ko? Bumalik ka na sa kanya. Alam ko namang magiging masaya ka kasama niya e." Sabi ko

Pagkatapos ng ilang minuto natanggap ko na ang kamay niya. Agad ko naman siyang tinalikuran. I'm sorry, Ruki. I really have to do this. It was tempting dahil ikaw ang humiling sa akin pero kailangan ko na talagang umalis.

Ruki's POV:)
I regret everything. Ang gusto ko lang namang gawin ay protektahan siya at maging malapit sa kanya kahit papaano pero bakit parang mali yung mga desisyon na nagawa ko?

I can't make her stay. I can't let her go either. Alam ko namang magiging masaya siya ng wala ako e pero mas magiging masaya naman ako kapag nandito siya sa tabi ko.

Tumayo na lang ako doon at pinanood siyang umalis. I was really an idiot for hurting her pero siguro it's not entirely my fault either. Gusto ko lang naman sihang protektahan mula sa pamilya ko e at mula kay Marielle.

Hinding hindi ko papakalasan si Marielle kahit ikamatay ko pa yun. Hindi naman makikinig sa akin yung pamilya ko. They don't know that they made the wrong decision. Hihintayin ko si Ziah kahit na ilang taon pa yan.

"Sinabi niya kay Jin, babalik siya. Don't worry. Hindi nga lang namin alam kung ikaw pa rin ang mahal niya pagbalik niya." Sabi ni Viel

Kahit yung iba niyang mga kaibigan, hindi na siya napigilan sa kanyang pagalis. Hihintayin kita. Mamahalin pa rin kita kahit hindi na ako yung mahal mo.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! sorry kung ang sad ng chapter na to. don't worry there would be a part 2 of this story.

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now