Chapter 31

2.1K 55 1
                                    

Ziah's POV:)
It's been a week since nag stay ako sa bahay ni Ruki at tama nga siya, wala akong masyadong nakikitang tao sa loob ng bahay niya. Not even him. Napahinga ako ng malalim. Baka kasama niya lang girlfriend niya.

Isang linggo na ako nakatira dito pero isang linggo ko na rin siyang hindi nakakausap. Tuwing nandito siya, palagi niya kong iniiwasan. Hindi ko naman siya masisi, may girlfriend siya e. Kailangan ko na lang tiisin lahat.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nung lumipat ako sa Section 5. Isang linggo na rin akong nalulungkot dahil iniiwasan ako ng mga tao sa Section F.

Napagisipan kong magpunta sa swimming pool nila Ruki para mawala saglit yung stress ko sa katawan. Eto lang ang nahanap kong magandang libangan kaya bakit hindi ko pa sulitin diba?

Gusto kong lumangoy ngayon pero natatakot ako. Nagkaroon ako ng phobia simula nung bata pa ko. Muntik na kong mamatay noon. Bata pa kasi kami, may isa namang bata na nakipaglaro noon sa akin. Muntik na kong malunod, buti na lang nandoon si Kuya Javier.

Pagtapos nung araw na yun, natatakot na kong lumangoy. Ngayon titignan ko na lang ang tubig, takot na takot pa rin ako.

Gusto kong lumangoy ngayon para tignan kung kaya ko na. Wala naman siguro mangyayaring masama sa akin kapag triny ko diba?

Huminga ako ng malalim bago lumubog sa tubig. Biglang nag flashback sa akin ang mga nangyari nung bata pa ako. Sinarado ko ang mga mata ko. Hindi ko maiangat yung sarili ko mula sa tubig dahil nararamdaman kong pabigat na ng pabigat nararamdaman ko.

Walang makakatulong sa akin ngayon dahil alam kong wala namang tao ngayon sa bahay nila Ruki. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa taas. Nararamdaman ko na sobrang lalim ng tubig. Susuko na lang ba ako?

Sinara ko na lang ulit ang mga mata ko. Nagulat naman ako nang may biglang humila sa akin palabas ng tubig.

Hindi ko agad nabuksan ang mga mata ko dahil hinahabol ko pa yung hininga ko. Pagkatapos kong umubo, agad kong binuksan ang mga mata ko at nakita si Ruki na basang basa. Bakit siya andito? Dapat kasama niya ang girlfriend niya.

"Magpapakamatay ka ba?!" Galit na tanong ni Ruki

Hindi ko siya sinagot at tumitig lang ako sa mukha niya. Bakit ko ba nagustuhan tong lalaki na to? Sa dinami-dami kong taong pwedeng magustuhan, bakit siya pa? Pwede namang si Jin or si Kit.

"Hoy! Sagutin mo nga ako. May balak ka bang magpakamatay? Kasi kung meron pwede bang wag dito sa bahay ko. Ayokong umuwi dito tapos may makikita lang akong bangkay." Sabi ni Ruki

Ano bang meron sa kanya at nagustuhan ko siya? Gwapo siya, oo. Ang panget nga lang ng ugali niya. Hindi naman sa buong pagkatao niya ah. May mga times lang talaga na sobrang panget ng ugali niya.

"Wala akong balak magpakamatay." Sagot ko

Pagkatapos ng isang linggo, nalulunod lang ako bigla niya na kong kinausap. Akala ko nga wala na talaga siyang balak kausapin ako e. He's been completely ignoring me for a week now.

"E bakit ka nasa swimming pool?" Naiiritang tanong niya

Hindi naman nagpupunta dito si Marielle so okay lang. Ang nakakapagtaka nga ay kung bakit hindi nga siya nagpupunta dito.

"Magsi-swimming ako malamang." Sagot ko bago ko siya inirapan

Hindi niya kasi alam yung buong kwento kaya sinusumbatan niya ako ngayon. Wala kasi akong magawa sa bahay niya e. Wala akong makausap. Napaka boring kasama sa bahay si Ruki. Typical him na pala yun.

"Kung hindi ka naman marunong lumangoy, pwede bang wag ka nang lumapit sa swimming pool. Ayokong may madatnan ditong patay." Sabi ni Ruki bago siya naglakad paalis

Sarap niyang sapakin pero way na. Sayang kasi yung gwapo niyang pagmumukha. Oo, inaamin kong gwapo siya pero kapag sinabi mo ito sa kaya magiging mayabang na yan.

"Hanggang kailan kaya kami magiging ganito? Hanggang kailan ko kaya siya kayang mahalin?" Tanong ko sa sarili ko

Syempre may limits din ako. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon gusto ko pa rin siya e kahit tinutulak niya na ako palayo. Nagagawa ko pa rin siyang mahalin kahit anong gawin niya. Noong sinabi niyang may gusto siya sa akin, umasa akong totoo yun.

Hanggang kailan kaya ako aasa na baka magustuhan niya rin ako? Kailan niya kaya ma-appreciate existence ko sa buhay niya? Bakit kaya ganon? Ako yung nandyan para sa kanya pero hindi pa rin ako sapat.

Akala ko hindi niya na mahal si Marielle pero akala ko lang pala yun. Hindi ko manlang naisip na ilang taon niyang minahal yung tao. Di ko manlang naisip na hindi ko pala kayang pantayan si Marielle.

Siguro eto na nga yung sign na hindi kami para sa isa't isa. Kung para naman kasi talaga kami sa isa't isa, hindi magiging ganito ka-komplikado ang lahat.

Minsan iniisip ko na sukuan na lang si Ruki dahil wala na namang punto ang lahat ng to. May iba siyang mahal e. Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman gustong ipilit yung sarili ko sa kanya. 

Kung ako lang sana yung una niyang nakilala, edi sana ako yung gusto niya ngayon. Napahinga ako ng malalim. Kailangan ko nang tanggapin na iisang tao lang ang nasa puso niya. Kailangan ko na tanggapin na hindi ako yung gusto niya.

Kailangan ko na din tanggapin na simula nung umalis ako sa Section F, hindi na nila ako gustong manatili sa buhay nila. Kahit si Jin at Kit, iniiwasan ako. Kahit nga si Viel at si Dia e. They have been acting like I never existed in their lives.

Bakit ko nga ba kasi pinagpipilitan ang sarili ko sa mga taong alam ko namang ayaw na sa akin diba? Siguro ako lang yung na-attach sa kanila. Mabuti na nga siguro yung umalis ako. Masaya na naman siguro sila.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
should we consider this as a cliffhanger? ewan ko. i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to dm me!
thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant