Chapter 16

3.1K 96 7
                                    

Ziah's POV:)
When Jin uttered those words to me, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging masaya. Why? Siguro dahil nafa-fall na ko kay Ruki o siguro dahil gusto ko na talaga si Ruki. Ayokong umaasa sa tao kung alam ko namang walang pagasa pero ayoko ding magpaasa dahil baka hindi ko masuklian yung feelings niya para sa akin.

Hindi ko alam kung takot lang ba kong i-admit na nagustuhan ko na si Ruki or kung takot lang akong makapanakit nang tao. Gusto ko mang sabihin kay Ruki na nagugustuhan ko na siya pero hindi ko lang talaga nakikita sarili ko na umaamin sa kanya.

"I'm sorry." Yan ang tanging bagay na nasabi ko

Ngumiti lang sa akin si Jin. Hindi ko maintindihan kung bakit siya naka ngiti sa akin ngayon kung nasasaktan na siya. Kung ako siguro yun, iiyak na ko ngayon dahil hindi ako sanay na ma-reject.

"It's okay, Ziah. I didn't tell you this para ibalik mo sa akin yung nararamdaman ko. I understand na hindi ako yung gusto mo. It doesn't mean na I'll give up on you though. Remember, I'll be here waiting for you." Sabi ni Jin

Hindi ko gusto na may taong naghihintay sa akin. Hindi ko din kasi alam kung mapipigilan ko ba yung nararamdaman ko for Ruki. Alam ko namang wala siyang gusto sa akin pero hindi ko pa rin mapigilan umasa. Kung iisipin mo sobrang impossibleng magkagusto sayo yung taong naiirita sa presensya mo.

"Bakit Jin? Bakit mo ko hihintayin? Bakit ka umamin? Kung in the first place, alam mo naman palang may iba akong gusto?" Tanong ko

"Hindi naman porket may gusto ka nang iba, bawal na kitang magustuhan e. Yung nararamdaman mo ba for that certain someone mapipigilan mo? Diba hindi. Don't ask me why I still like you. Kung pwede ko lang pigilan yung nararamdaman ko para sayo matagal ko nang ginawa." Sagot ni Jin

Sobrang bait ni Jin at alam kong hindi niya deserve ang masaktan. Siguro eto yung rason kung bakit ko siya nagustuhan dati. Hindi ko alam kung bakit si Ruki yung nagustuhan ko ngayon pero sana si Jin na lang.

"Stop Jin. Ayokong masaktan ka." Sabi ko

Ayoko makasakit ng tao, hangga't maari hindi ko gustong manakit nang tao. Kung papayag naman ako na gustuhin ako ni Jin, hindi siya magiging masaya sa akin. Jin doesn't deserve a girl like me, he deserves someone better. He deserves a girl who would show him that he's not just a paragraph in a book.

"It doesn't matter." Sabi ni Jin

Hindi ba importante sa kanya yung sarili niyang nararamdaman? Sana naman magtira siya nang pagmamahal para sa sarili niya. I don't want him to love me tapos wala na siyang matitira para sa sarili niya.

"Jin, it does matter! It matters to me. Could you please leave me alone for awhile. I need time to think about this." Sabi ko

Wala na kong balak pumasok sa mga susunod kong klase. Gusto ko na lang mapagisa ngayon para makapagisip isip.

"Okay. I'll leave you alone. You have to keep this promise to me though. Wag kang masyadong mafa-fall sa kanya. Don't tell me that I didn't warn you." Sabi ni Jin bago siya naglakad papalayo sa akin

Bakit nung sinabi niya yun bigla akong nakaramdam ng kaba? Para bang may masamang mangyayari pero ano naman yung possible na mangyari diba?

Nagulat ako nung may biglang umupo sa tabi ko. Pagtingin ko sa tabi ko nakita ko si Kit pero hindi siya nakatingin sa akin. Diretso lang ang tingin niya.

"What happened between the two of you? Jin seems to be upset with something nung nakasalubong ko siya. Mukhang hindi niya pa nga ako napansin na dumaan sa harap niya." Sabi ni Kit

Jin may have shown me that he was happy pero nung tinalikuran niya na ko, alam kong nasasaktan na siya. After all, he's the one who had really been there for me since the start pati na rin si Kit.

"Kit, mali ba na piliin ko yung taong gusto ko pero hindi ako gusto kaysa sa taong nandito para sa akin at patuloy akong minamahal kahit nasasaktan na siya?" Tanong ko

Hindi ko alam kung gusto ba ako ni Ruki o hindi pero sigurado akong hindi ako magugustuhan nun dahil kagaya nang sinabi niya, isa lang ako sa mga taong nangiirita sa kanya.

"Alam mo Ziah, wala ka namang magagawa e kundi piliin yung taong mahal mo. Mahal mo e kahit gusto mo mang piliin yung taong nagmamahal sayo, hindi mo pa rin magagawa dahil iba yung taong gusto mo. Kahit gustuhin mo man siyang piliin ayaw mo pa rin siyang saktan. Hindi mo rin naman trabahong gustuhin din siya e."  Sagot ni Kit

Tama siya, mas gugustuhin ko pang maging kaibigan si Jin imbes na masaktan siya. Ayoko siyang gamitin para sa sarili kong kapakanan, ayokong masaktan siya kahit alam kong ngayon pa lang nasasaktan na siya.

"Makakatulong ba kung lalayuan ko siya?" Tanong ko

May masasaktan pa ba ako kung lalayo ako sa taong gusto ko? Siguro ako pero di na bale basta wala nang masasaktan.

"That doesn't do any good, Ziah dahil ikaw naman yung masasaktan. Kung mahal ka naman talaga nung taong yun, gagawin niya ang lahat para supportahan ka. Dun ka masaya e." Sagot ni Kit

Kit is right pero ayos na rin sa akin yung ako yung nasasaktan kaysa nakakasakit ako nang iba. Ayokong may ibang taong nahihirapan. Siguro nga dapat akong lumayo. Choice ko din naman yun kung gugustuhin kong maging masaya diba?

"It doesn't matter Kit. Hindi rin naman ako magiging masaya kung malalaman kong merong taong nasasaktan nang dahil sa akin e." Sabi ko

"Alam mo Ziah, all you have to do is to make a choice that you wouldn't regret. Kahit anong gawin mong desisyon, hindi mo ba alam na may masasaktan at masasaktan pa rin." Sabi ni Kit

Kit's POV:)
Kasama ko si Ziah ngayon sa garden. Sa totoo lang nakita ko siyang kasama si Jin dito kanina at narinig ko din yung confession sa kanya ni Jin. Narinig ko din kung paano siya nireject ni Ziah.

Yes, I do have feeling for Ziah. Alam ko ring nagustuhan niya ko for a short period of time. Alam ko ding after that short period of time, nagkagusto na siya kay Ruki.

Hindi ko kayang ipaglaban yung nararamdaman ko sa kanya dahil ayoko nang dagdagan yung mga iniisip niya and I can't go against Ruki but I really do love her. It's just that I don't deserve her.

"Thank you, Kit. Thank you for being there for me as my bestfriend." Sabi ni Ziah

Masakit pala ma-friend zone no pero ayos lang at least kahit papaano magkaibigan pa rin kami. Makakapaglabas din siya sa akin ng sama ng loob niya. At least nandito pa rin ako kahit alam kong hindi ako yung mahal niya.

I could show her that I love her kahit hindi niya alam na minamahal ko siya, it's just me loving her without knowing.

"I won't leave you, Ziah." Sabi ko

Sana lang wag siyang masyadong mafall kay Ruki, we don't know what might happen.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now