Chapter 4

4.6K 138 4
                                    

Ziah's POV:)
I stopped observing my classmates dahil the teacher already arrived. Napatingin naman siya sa akin, siguro naninibago siya dahil bago lang yung mukha ko dito at the same time katabi ko ngayon si Viel and Dia.

"Ikaw pala yung new student. Why don't you introduce yourself in front of your classmates." Sabi nung teacher namin

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso ako sa harap. Napatingin naman ako kay Mangaagaw. Halata naman sa mukha niya na gulat na gulat siya na nandito ako, he just gave me a smirk.

"It's nice meeting you guys. I'm Ziah Ong." Pagpapakilala ko tsaka ko sila binigyan nang maliit na ngiti

Yan na lang yung masasabi ko. Wala naman kasi akong mase-share tungkol sa sarili ko, sobrang boring kaya nang buhay ko tsaka alam ko namang hindi na nila kailangan nang mahabang explanation.

"Okay. I guess that's it. You may now go back to your seat." Sabi nung teacher

Bumalik na ko sa upuan ko. Nasa pagitan ako ni Dia tsaka ni Viel. Eto namang si Viel sobrang daldal at ang daming kinekwento. Kaya feeling ko hindi ako makakapagfocus sa aaralin ko, si Dia naman nakikitawa lang sa corny na jokes ni Viel. Ako? Tahimik lang.

I don't want to spoil their mood naman just because I wanted to concentrate. Sa totoo lang ayokong makita nila ako na napaka KJ na tao, just because hindi ako makasabay sa mga jokes nila. Hinayaan ko na lang silang magingay kahit wala na akong maintindihan sa mga tinuturo nung teacher.

~ TIME SKIP: BREAK TIME ~

First break time namin to ngayong araw and hindi ko alam kung susunduin ba ko nila Kuya Javier and Z. I guess, I'll have to see and wait. Lahat sila lumabas na nang classroom, except me tsaka yung tatlong lalaki na busy gumawa nang thing nila. Sila lang yata yung pinakamaayos sa ibang mga lalaki dito sa buong classroom e.

"Ziah! Ayaw mong sumama sa amin para kumain?" Pasigaw na tanong ni Viel

Kahit kailan talaga napaka ingay netong lalaking to, nakalunok yata to ng microphone e. Sa susunod nga magdadala na ko ng duck tape para kahit ilang oras lang, walang maingay.

"Hindi muna. May hinihintay pa kasi ako." Sagot ko na medyo pasigaw, hindi ko naman kasi balak mambulabog nang klase e

"Shut up. You're spoiling the music." Sabi nung lalaking naka earphones kanina

Marunong pala siyang magsalita. Nakakapanibago lang kasi ngayon ko lang naman narinig yung boses niya. I'm not going to deny though pero ang hot pakinggan nung boses niya. Pati ba naman boses naging hot na.

Medyo papansin siya though. Akala mo naman ako yung unang nagingay. Kaibigan niya naman yung unang sumigaw ah tapos ako lang yung pinagalitan niya. Di porket hot na yung boses niya, di na siya pwedeng gilitan nang leeg.

Inirapan ko siya at padabog akong lumabas ng classroom. I just need a little bit of fresh air, sinarado ko yung mata ko. Nagulat naman ako dahil may biglang tumabi sa akin, napabukas ako nang mata at napatingin sa gilid ko. Siya yung lalaking nagbabasa kanina.

"Don't mind Ruki. Malakas lang talaga topak nun minsan." Sabi nung lalaki at binigyan ako nang maliit na ngiti

Ruki pala yung pangalan nung naka earphones kanina. Well, wala akong pake kung malakas topak niya pero dapat nilulugar niya yung galit niya. Kung galit siya sa mundo, pwede bang wag niya na ko idamay.

"Thank you for the information." Pagpapasalamat ko

Wala na kong masabi, ang random naman kasi nung paglapit niya sa akin. Nakakagulat pa nga yung pagtabi niya sa akin e, I also wasn't expecting him to talk to me just like that. We're not close naman kasi pero hindi naman sa ayaw ko siyang maging ka-close. Nawe-weirdohan lang talaga ako sa mga taong bigla bigla ka na lang kakausapin.

"Sorry for being rude. I'm Kit Santiago. The guy awhile ago is Ruki Sakamaki." Pagpapakilala ni Kit

He's name is cute. Bagay na bagay sa kanya. Mukha din naman siyang makulit, not in the way Mangaagaw or Ruki looks.

"No, you weren't really being rude. It's nice meeting you, Kit." Sabi ko

Binigyan ko siya nang isang malaking ngiti pero bigla siyang nagiwas nang tingin. Nakita ko naman na namumula yung tenga niya. Ano kayang problema neto? Tagal naman ni Z tsaka ni Kuya Javier. Don't tell me na nakalimutan nila ako.

"If you don't mind me asking. Sino yung hinihintay mo?" Tanong ni Kit, napaka formal naman niyang magsalita

Should I tell him? I probably should. There's no harm naman kapag sinabi ko sa kanya e. Hindi niya rin naman kilala si Z and Kuya Javier.

"I'm actually waiting for my brother and my friend. They're both from Section 1." Sagot ko

"Actually iba iba yung schedule nating lahat kapag first day. You better eat dahil break times almost over." Sabi ni Kit

Before he left pinat niya yung ulo ko. He seems normal. He just talks formally. Siguro ganon lang siya kasi kakakilala pa lang nila sa akin. He surely wasn't like Viel and Dia.

"It's you again, Ms. Gangster." Sabi ni Mangaagaw

Bakit naman Ms. Gangster yung tawag sa akin neto? Hindi naman ako gangster ah. Mukha ba kong gangster? Nasiraan na yata nang utak tong si Mangaagaw, pati ba naman gangster sa akin ihahantulad.

"Excuse me. Ikaw Mr. Mangaagaw, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo pero hindi ako gangster." Sabi ko sabay irap sa kanya

Kainis ah. Maayos na sana yung mood ko e pero biglang dumating tong si Mangaagaw. Di ko pa kasi alam yung pangalan niya, kaya I'm just going to stick with Mangaagaw.

"Bakit naman mangaagaw tawag mo sa akin? Wala naman akong inagaw sayo ah." Sabi ni Mangaagaw

Hindi kasi ako aware sa kung ano bang pangalan niya. Tsaka inagaw niya sa akin yung librong gustong gusto kong basahin. Although ako na nagma-mayari sa libro.

"Unang una sa lahat, kaya kita tinawag na mangaagaw kasi inagaw mo sa akin yung libro na gusto kong basahin. Although sa akin parin napunta yung libro. Pangalawa, di ko din kasi alam kung anong pangalan mo." Sabi ko

Wala namang tao sa hallways, yung mga tao naman mostly from Section F so pwedeng pwede magingay.

"Pinakawalan ko na nga diba? Kaya nga sayo na bumagsak e. Bakit parang pinagmumukha mo parin na para bang ako yung masama. I'm Jin Hamasaki by the way." Sabi ni Jin

Hala. Iba siya. Humuhugot si Kuya. Kala mo naman talaga, may pinagdadaanan siya. Hugot nang hugot, baka hugutin ko yung buhok niya.

"Nababaliw ka na." Sabi ko

Akala ko pa naman kasama siya sa mga normal na tao sa loob ng Section F. While talking to me, napansin ko na he was neither laughing nor smiling. He could smirk but he still has that blank expression in his face. Mahirap siyang basahin.

"Nababaliw na sayo." Sabi ni Jin

Di ko alam kung magagalit ba ko or matutuwa ba ko pero we all know na pinagtitripan lang ako neto.

"Whatever." Sabi ko, sabay irap sa kanya

Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan yung wrist ko. Napatingin ako sa kanya at triny kong basahin expression niya pero wala talaga.

"Tara punta tayong cafeteria, nagugutom na ko." Sabi ni Jin, sabay hila

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter.

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now