Chapter 21

2.6K 77 3
                                    

Ziah's POV:)
Bakit yung mga taong pinagkakatiwalaan ko pa yung kailangang sumira sa tiwala ko? Halos lahat sila may mga tinatagong sikreto sa akin na dapat kong malaman.

"Anong and so? Gago ka ba?! Kapatid ko yung tao. Ni hindi manlang sumagi sa isip mo na sabihin sa akin? May karapatan din akong malaman dahil kapatid ko din siya. Best friend kita diba? May mag best friend ba na nagtatago ng sikreto sa isa't isa?" Tanong ko

Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko ngayon. Sigurado akong hindi ko palalampasin yung nangyari ngayon.

"You wouldn't understand." Sabi ni Kit

Tangina. Bakit ba lagi na lang nila akong pinagmumukhang tanga? Pinatunayan lang nila sa akin ngayon na si Damon lang yung mapagkakatiwalaan ko.

"Kaya nga ie-explain mo diba. Para maintindihan ko. Hindi yung pinagmumukha niyo kong tanga." Sabi ko

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit galit na galit ako ngayon. Normal people would be happy kung bigla na lang nilang malalaman na may kapatid pa pala sila. Hindi naman sa hindi ako masaya, sadyang nasaktan lang ako dahil pati ito nilihim pa nila sa akin.

"It's not my story to tell." Sabi ni Kit

Hindi ko alam kung bakit si Kit pa yung tinatanong ko tungkol dito. Alam ko namang walang ibang sasabihin yan sa akin kundi 'It's not my story to tell.'

"You know what. Why don't you just leave me alone." Sabi ko bago ako naglakad palayo sa kanya

Kung hindi niya sasabihin sa akin, ibang tao na lang ang tatanungin ko. Dumiretso ako dun sa kwarto ko. Nang makarating ako dun, agad akong pumasok. Lahat naman sila napatingin sa akin.

"Bakit ka naglakad papunta dito? Nasan na si Kit?" Tanong ni Jin

Napansin ko na wala si Ruki ngayon sa kwarto ko pero hindi ko na tinanong sa kanila kung nasan siya. Sa ngayon, wala muna akong pake sa kanila.

"Wala ka nang pake dun." Sarkastikong sagot ko

Napansin kong nakatingin na sa akin si Zander kaya tinignan ko ito pabalik. Wala talaga siyang balak ipaalam sa akin na kapatid ko siya.

"Sabihin niyo nga sa akin. Ano pang kasinungalingan yung balak niyong itago sa akin?" Tanong ko

Napatingin naman silang lahat sa akin ng may pagtataka. Hindi na ko magugulat kung ita-try pa nilang i-cover up yung sikretong yun.

"Hanggang kailan niyo balak itago sa akin na kapatid ko si Zander? Hanggang kailan?" Mahinahon na tanong ko

To be honest, I don't know what I should feel. Should I feel upset or happy?

"Look Ziah-"

Z is also my best friend for how many years now. Matagal ko na siyang kasama but I'm sure na alam niyang kapatid ko si Zander. I bet all of them knows.

"What? Are you going to tell me that it's not your story to tell? Seriously? Yan na lang yung palagi kong naririnig mula sa inyo! Hanggang kailan niyo ko balak pagmukhaing tanga?!" Tanong ko

Gusto ko lang naman malaman kung bakit hindi nila sinabi sa akin.

"Wala ka namang dapat ika-galit e! Bakit mo kami sisisihin sa isang bagay na hindi mo kayang alamin mag isa?" Sabi ni Matt

Nagulat siya nung bigla siyang siniko ni Viel sa tagiliran. Binigyan siya naman siya nang isang tingin ni Viel. Hindi naman sa sinisisi ko sila. Tinatanong ko lang naman sa kanila kung bakit kailangan pa nilang magsinungaling sa akin. Alam nilang kapatid ko si Zander tapos eto ako, napaka clueless.

"You wouldn't understand. No one would." Sabi ko

Lalabas na sana ako mula sa kwarto ko pero may biglang humawak sa pulsuhan ko. Tinignan ko kung sino ito ay nakita si Jin.

"Stay. Stay here, Ziah." Sabi ni Jin

Dahan dahan kong tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko at nag simulang maglakad papalayo. Napatigil ako nung may naramdaman akong mga kamay na nakapalupot sa waist ko.

"Please stay." Sabi ni Jin

Akala ko may isang tao mula sa section namin ang makakaintindi sa akin. Umasa ako na kahit si Kit or Jin manlang ang mga taong yun pero wala e. Ni sarili ko ngang Kuya, hindi ako naintindihan e.

"I can't. You won't even understand why I'm acting like this. Wala sa inyo ang nakakaintindi nung feeling na yung mga taong pinagkatiwalaan mo pa yung mga may tinatago sayo. I trusted you. Ang masakit pa dito sa ibang tao ko pa nalaman." Sabi ko

Dahan dahan kong tinanggal yung kamay niya sa pagkakayakap sa akin at mabilis na lumabas sa kwarto ko.

"Where are you going?" Tanong ni Wayne

Tumingin ako sa kanila at nagbigay ng isang malungkot na ngiti. Masaya naman talaga ako na kasama sila e. Ayoko lang talagang may mga taong nagtatago ng sikreto mula sa akin. Lalo na pag deserve ko naman talagang malaman.

"Somewhere far away from here." Sagot ko

Tuluyan ko na silang tinalikuran at naglakad paalis. Nagpunta na lang ako dun sa kinuha kong condo malapit sa school. Dun muna siguro ako tutuloy hangga't hindi ko pa naayos ang lahat.

~ TIMESKIP: CONDO ~

Nang makarating ako sa condo ko, agad akong humiga sa kama ko. Walang nakakaalam na bumili ako ng condo para sa sarili ko. Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin lahat bukas.

Hindi naman sa nago-overreact ako no. Sadyang ayoko lang talaga ng mga ganong tao. Hindi ko nga alam kung bakit sa tingin nila mas magandang itago sa akin yun e. Hindi ba nila alam kung anong mararamdaman ko kapag nalaman ko yun.

Sana nung una pa lang sinabi na nila sa akin. It's funny that they even think na sinisisi ko sila. Mukha ba kong manghuhula para mahulaan ko yung mga ganong bagay? Hindi naman diba.

Siguro kay Damon na lang muna ako sasabay tuwing breaks. Kasalanan ko naman kung bakit siya nabugbog ng ganon e. He doesn't even deserve it. Nagmahal lang naman siya. At least I know na I could trust Damon.

Besides kaibigan ko din naman siya so why would I treat him differently. Hindi ko kayang magalit sa kanya dahil wala naman talaga siyang ginawang masama. Siya din naman ang nagsabi sa akin na kapatid ko si Zander e. Kahit parents ko tinago tong katotohanan na to mula sa akin.

Feeling ko nga kay Kuya Javier lang nila sinabi e, pati na rin kay Z. Siguro mas pinagkakatiwalaan sila ng parents ko.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter.

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt