Chapter 10

3.3K 113 3
                                    

Ziah's POV:)
Nagising ako dahil naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Zander, anong ginagawa niya dito? Napaupo ako sa kama ko at napatingin na lang sa kanya.

"Gusto ko lang masubukan yung feeling na mayroong kapatid." Sabi ni Zander bago niya ginulo yung buhok ko

Okay lang naman na guluhin niya yung buhok ko. Kakagising ko lang din naman.

"I'll take a bath and meet you downstairs." Sabi ko

Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto ko. Napatayo naman ako at naglakad na papunta sa banyo ko. I did my usual routines.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ko at dumiretso na sa parking lot ng bahay namin. Nakita ko dun sila Zander, Kuya Javier and Z.

"Sabay ka na sa akin Ziah." Sabi ni Zander

Gusto ko sana mag motor ngayon pero wala naman sigurong masama kung magpapahinga ako ng isang araw diba? Tinanguan ko siya bago ako pumasok sa shot gun seat.

~ TIMESKIP: SCHOOL ~

Pagdating namin sa parking lot ng school, bababa na sana ako ng kotse niya pero bigla niya ako hinawakan sa wrist.

"Do you need anything else?" Tanong ko habang nakataas yung kilay ko

"Hatid na kita sa classroom niyo." Sagot niya bago niya kinuha yung mga gamit ko

May taga hatid ako ano ako bata na parang first time pa lang papasok sa school? Hindi ko din naman siya boyfriend.

"Ah hindi na. Okay lang, kaya ko na magisa." Sabi ko

"No, I insist. Tara na." Sabi ni Zander

May mga perks din pala no pag may taga hatid ka. May taga hatid ka na nga papunta sa classroom niyo, may taga buhat ka pa ng bag mo.

Habang naglalakad kami ni Zander papunta nang classroom ko, napansin ko na parang ang daming nakatingin sa amin dalawa. Madami nanaman siguro silang makakalat na chismis tungkol sa akin.

'New student tapos nilalandi na niya agad si Zander.'

Nilalandi ko sarili kong pinsan? Nakakatawa naman sila. Judge sila nang judge dyan, hindi naman nila alam yung totoong storya.

'Bagay sila.'

Bagay kami ng pinsan ko? Hindi ba talaga nila makita similarities naming dalawa?

'Mas maganda pa ko dyan e.'

Ikaw na maganda. Saksak niya na sa baga niya yung kagandahan na hindi ko naman makita.

'Panget naman niya.'

Kung panget ako, parang tinawag niyo na rin si Zander na panget. Magkapamilya kami e.

Di ko napansin na nakarating na kami ni Zander sa tapat ng classroom ko. Yung mga kaklase ko naman, lahat sila nakatambay sa labas ng room.

"Ano namang ginagawa mo dito Davis? Teritoryo namin to." Sabi nung isa kong kaklase

Anong teritoryo pinagsasabi nila dyan? Hindi porket nagbabayad na sila nang tuition fee dito, ibig sabihin teritoryo na nila to. Hindi nila bayad sahig dito para masabing teritoryo nila to.

"Yeah Davis. Baka gusto mo nang gulo." Sabi ni Ruki

Demonyo yata tong mga to e. Lagi ba silang naghahanap ng away?

Ruki's POV:)
Nung napagpasyahan namin tumambay sa tapat ng classroom, bigla kaming nakarinig ng mga kwento tungkol kay Ziah. Since kaklase na namin siya, we dealt with the issues para hindi na ito masyadong kumalat sa campus. Marami kaming naririnig na nagda-date daw si Ziah and si Davis dahil nakita nila tong bumaba ng kotse ni Zander.

Hindi ko alam kung bakit may pake pa ko sa mga issue na kumakalat pero ayoko nang makirinig ng mga ganyan sa mga tao. Hindi din naman ako papayag na gumawa na lang sila nang kwento tungkol sa mga tao dito sa section namin.

Nasa labas kami ng classroom ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Ziah. Guess what though. The issues are right, kasama ni Ziah si Zander. Ang nagiisang kaaway namin sa Section 1.

"Ano namang ginagawa mo dito Davis? Teritoryo namin to." Sabi ni Jenric

Alam naming magkabarkada sila ni Constantine pero kahit ganon, wala paring magbabago dahil parte parin si Constantine ng section namin.

Constantine was part part of Section 1 before pero nagbago lahat nang yun nung may binugbog siya sa section nila.

"Yeah Davis. Baka gusto mo nang gulo." Sabi ko

Wala namang choice si Constantine kundi kumampi sa amin e. Hindi na siya parte ng Section 1, kaya wala na siyang magagawa kung plano namin awayin ang kabarkada niya.

"Ziah. Lumayo ka nga sa lalaking yan." Sabi ni Jenric

"Sino ka ba para sabihan akong lumayo kay Zander?" Tanong ni Ziah

"I'm Jenric Hernandez." Sagot ni Jenric

Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang nagpapakilala to si Ric. Sure naman kaming hindi yun yung ibig sabihin ni Ziah sa tanong niya.

"Hindi ko tinatanong pangalan mo ugok." Sabi ni Ziah sabay irap

We call him Ric for short dahil ayaw niyang tinatawag siya na Jen. Mukha daw kasi pang babae yung pangalan na yun.

"Lumayo ka nga dyan sa Davis na yan!" Sigaw ni Viel

Etong lalaking to parang laging nakakalunok ng microphone kahit nakaearphones ako ngayon, rinig na rinig ko parin boses niya. Nasanay na rin akong nakikinig sa mga usapan tao kahit may earphones ako sa tenga.

"Bakit niya kailangang lumayo sa akin?" Tanong ni Zander

Give me a knife and I'll kill this creature infront of me, tanga ba siya? Kaaway ng section niya, section namin so obviously we will be asking her to stay away from him.

"Hindi ko magagawa yun." Sagot ni Ziah

Ano?! Siguro totoo na yung mga issue na kumakalat. Wag mo sabihing sila na?

"Why not?" Tanong ni Jin

"Dahil pinsan ko siya." Sagot ni Ziah

Hindi ko ine-expect na magpinsan sila. Bakit parang hindi naman sila close? Okay lang din naman, mapapadali yung paglayo niya kay Davis.

Lumapit ako kay Davis at kinuha yung bag ni Ziah na nakasukbit sa balikat nito. Hinawakan ko ang kamay ni Ziah at hinila siya papasok ng classroom. Wala kong pake sa mararamdaman ni Davis pagkatapos kong palayuin sa kanya tong pinsan niya.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
medyo nahirapan akong magupdate dahil hindi ako makaisip ng mga mangyayari pero eto lang yung naisip ko so sana nagustuhan niyo!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now