Chapter 9

3.4K 104 5
                                    

Ziah's POV:)
So nasa bahay kami ngayon well nakakatamad na kasing magkwento kung anong nangyari sa loob ng classroom, parang normal class lang naman kami pero minsan wala kaming teacher.

Di ko alam kung tinatamad lang ba magturo sa amin yung teacher or what pero ayos lang naman. Kung mataas grades ko ngayon, possible na malipat ako ng section pero to be honest parang ayoko na.

Nakahiga ako sa couch ngayon. I'm actually doing great in class. I'm quite surprised kasi never naging ganon grades ko sa dati kong school.

Nagulat ako ng may biglang pumasok na mga lalaki. Kabarkada yata sila ni kuya kasi parehas silang uniform.

"Woah! Di mo sinabing may chicks dito sa bahay niyo Zander." Sabi nung isang lalaki

Sino si Zander? Bakit sinasabing bahay niya? Lumapit sila sa akin, umusog naman ako para makaupo sila sa couch. Tumabi naman sa akin yung Zander. Nakangiti parin siya sa akin.

Bakit mukhang pamilyar yung mukha niya sa akin tsaka bakit parang narinig ko na yung pangalan na yung somewhere? Napatingin naman ako sa iba niyang kasama. Isa sa kanila kaklase ko dahil itim yung uniform niya.

"Gusto niyo ba tawagin ko si kuya para sa inyo?" Tanong ko

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang biglang hawakan nung Zander yung wrist ko. I can say na lahat sila dinadala yung grupo nila. Lahat kasi sila gwapo. Usually kasi isa lang gwapo kapag magbabarkada e.

"I'm Zander Davis, your cousin." Sabi ni Zander

Siya pala yung sinasabi ni mom na pinsan ko na titira dito. Ngayon ko lang narealize na ang ganda pala ng lahi namin dahil ang gwapo din pala ng pinsan ko.

"Akala ko babae yung makikitira dito sa amin. Sorry. My parents didn't really specify. It's nice meeting you though. I'm Ziah." Pagpapakilala ko sa kanya

I'm surprised na hindi pala siya kabarkada ni Kuya pero magkaklase sila.Bigla akong napatingin sa mga kabarkada niya.

"Hi Ziah. I'm Jett Loyola." Pagpapakilala nung isang lalaki

Siya yung nagsabing may chicks daw sa bahay namin. He looks like the typical playboy though. Siya siguro yung palagi mong makikitang may kahalikan sa school.

"I'm Kane Fontanilla. I'm single. Hit me up." Pagpapakilala pa nung isang lalaki bago siya nag wink

"Constantine Park." Pagpapakilala nung isang lalaki na kaklase ko, blanko yung expression niya

Hindi naman siya mukhang playboy katulad nung iba niyang kaibigan. Nagtataka lang ako kung paano niya naging kabarkada sila Zander e taga ibang section siya.

"I'm Damon Williams. Call me kung gusto mong makipag-one night stand sa akin." Sabi nung isang lalaki habang naka ngisi.

Bigla naman siyang binatukan ni Zander dahil sa sinabi niya. Kung hindi play boy, fuck boy naman.

"Sage Lim." Maikling pagpapakilala nung isang lalaking nagbabasa nang libro, mukha siyang innocente.

"Enzo Marquez. It's nice meeting you." Pagpapakilala nung isang lalaki habang nakangiti, siya lang ata normal sa kanilang lahat e.

Speaking of Damon Williams though. Diba yun yung last name ni Kylee? Medyo may hawig din sila ni Kylee. Don't tell me magkapatid sila?

"Damon." Tawag ko sa kanya

Tumingin naman sila lahat sa akin nang may pagkagulat. May nasabi ba kong mali? Yung tingin kasi nila sa akin parang mayroon akong nasabing mali e. Kung alam lang nilang hindi ako papatol sa isang fuck boy.

"Yes babe?" Tanong ni Damon

Kapag hindi ko napiligilan sarili ko baka tsinelasin ko tong fuck boy na to. Kailangan ko na ata ng holy water tsaka bible para ipagdasal tong isang to. Sana mapunta din siya sa heaven.

"Kapatid mo ba si Kylee? Don't call me babe. It's disgusting." Tanong ko

Buti nakakapag timpi ako, anong klaseng kaibigan kasi meron to si Zander. Konti lang mukhang normal sa kanila. Hindi naman sa mukha silang naka drugs no. In fact gwapo nga silang lahat e pero may mga attitude kasi silang hindi mo maintindihan.

"Yes. She's my sister." Sagot ni Damon

Ang naiisip ko lang ngayon sobrang malas ni Kylee dahil fuck boy yung kapatid niya.

"Wow! Ziah, dami mong lalaki ah! Sino dyan boyfriend mo?" Tanong ni Kuya Javier na mukhang kakababa lang

Anong boyfriend pinagsasabi neto? Teka hindi ako bababa sa level na sila ang jojowain ko noh! I admit I'd rather date Ruki than date one of this guys dahil yung ugali ni Ruki kaya ko pang mapantayan.

"Boyfriend ka dyan! Lumapit ka nga rito at kakalbuhin kita!" Sigaw ko sa kanya

Bumaba naman siya at lumapit sa akin. Napatingin naman siya kayla Zander, siguro napansin niya na magkaklase pala sila.

"Si Zander nga pala. Pinsan natin. Dito siya titira kasama natin." Pagpapakilala ko kay Zander

Tumingin naman sa akin si Kuya Javier nang may pagkagulat sa mata. Akala kasi talaga namin babae yung tinutukoy nila mom na makikitira dito sa amin.

"My bad. Akala ko babae yung makikitira dito. I'm Javier Ong. It's nice to finally meet you, Zander." Pagpapakilala ni Kuya bago siya nakipagkamay kay Zander

"Pwede na kayong umuwi. Salamat sa paghatid." Sabi ni Zander sa mga kaibigan niya, napatango yung iba at yung iba naman ay nag wink sa akin

Sarap dukutin ng mga mata nila. It's not nice to act like that in front of somebody you just met. Normal siguro sa kanilang ganon makipag kilala sa babae.

"I'm going to rest now. If you guys want to talk then you can. Kuya, pakita mo na lang kay Zander kung saan siya matutulog." Sabi ko

Naglakad na ko papunta sa kwarto ko. Kahit first day ko ngayon sobrang dami na agad nangyari sa akin.

It wasn't actually as bad as I think that it would be. Alam ko namang nakipagaway na ko pero at least I have some friends now.

We'll see Ruki kung hanggang saan mo kayang tumagal sa ugali ko, I've decided that I'll help Wayne with his favor but just this once.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
wala na kong masasabi dito sa author's note pero i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Where stories live. Discover now